Ang mga Babae bilang Mga Kapatid
Tungkulin ng mga kalalakihan na pakitunguhan ang kanilang mga kapatid na babae ng lubos na pag-iingat at pagmamalasakit para sa kanilang kapakanan, dignidad at paggalang. Kung sa anumang kadahilanan kapag ang ama, mga lolo o mga tiyo ay wala upang ingatan at lingapin ang ina at mga anak, ang pananagutang ito ay nasa kamay ng mga kapatid na lalaki sa pagsapit ng kanilang tamang gulang upang isakatuparan ng lubos sa kanilang kakayahan.
Ang Propeta ng Allah (r) ay nagsabi:
“Sinuman ang mayroong tatlong anak na babae o kapatid na babae at siya ay naging mabait sa mga ito dahil sa takot sa Allah, siya ay makakasama ko sa Paraiso ng ganito." Ipinakita niya ito sa kanyang hintuturo at pangalawang daliri (pinagdaiti).(Ahmad atbp. at napatotohanan ng iba)