Ang Karapatan ng Babae para Maghanap-buhay


Katulad ng nakasaad sa itaas, Ang Dakilang Allah ay nilikha ang lahat ng tao sa isang lalaki at babae at binigyan sila ng likas na pagmamahal at pag-aalaala sa bawa't isa (sa kanila) upang magtulungang bumuo ng pamilya at ugnayan ng mga pamilya. Makikita natin sa kalikasan na ang Dakilang Allah ay nagbigay sa bawa’t uri ng mga lalaki na mas malakas na puwersa at pagbabata upang mangibabaw sa ibang larangan at makahanap ng panustos na pagkain at kaligtasan ng kanyang kauri, habang ang kauring babae ay pinagkalooban ng kompletong bahagi para magkaroon na anak para ingatan at palakihin niya. Dahil dito, ang babae ay pinagkalooban ng pagmamahal, kabaitan, habag, at pagmamalasakit para matupad ang kaniyang tungkulin sa kanyang mga anak ng may karangalan. Batay sa likas na paghahanda at delegasyon ng tungkulin, at ayon sa bukod-tanging katangian ng lalaki at babae, likas na nararapat lamang na ang lalaki ay magtrabaho sa labas ng bahay at kumita upang sustentuhan ang pamilya at ang babae ay para magtrabaho sa loob ng bahay at pangalagaan ang mga bata at ang pamilya sa pangkalahatan.

Pagkaraang matukoy ang pangunahing katotohanan, ang batas ng Islam ay hindi inaalisan ng karapatan ang babae para maghanap-buhay ng may hangganan para mapangalagaan ang kanyang dangal at karangalan. Pinahihintulutan ng Islam ang mga babae para mangasiwa sa kanilang pakikipag-kasunduan sa hanapbuhay at pananalapi. Ang lahat ng kanyang pangangasiwa sa pakikipagkasundo ay makatuwiran at makatarungan sa mata ng batas ng Islam. May mga patakarang naitatag o kondisyon na kung ito’y nalabag, ang pahintulot na ibinigay sa babae na gawin ang kanyang karapatan sa paghahanap-buhay ay mawawalan ng saysay.

Ang trabaho ng mga babae sa labas ng bahay ay hindi dapat salungat sa mga tungkulin at mga pananagutan para sa kanyang asawa at mga anak. Ang kanyang trabaho ay dapat sa grupo na kasama ang mga babae at malayo sa pakikisalamuha sa mga lalaki na kung saan mayroong pagdadaiti na maaaring magkaroon ng pambabastos at pang-aabuso na hindi pinapayagan.

Ang Sugo ng Allah (r) ay nagsabi:

“Ang lalaking hindi hiwalay (kasama) sa babae, si Satanas ang siyang pangatlong kasama nila.” (Iniulat ni Tirmidhi at pinatotohanan)

At sa ibang salaysay, ang Sugo ng Allah (r) ay nagsabi: “Ang lalaki ay hindi dapat kasama ng babae, maliban kung siya ay may mahram. " (malapit na kamag-anak).”

At sa ibang tradisyon,

Ang isang lalaki ay nagsabi: “O Sugo ng Allah, ang asawa ko ay sumama sa Pilgrimahe (pag-Hajj) at ako ay naitalaga para sa pang-Militar na kampanya.” Siya (r) ay nagsabi: “Humayo ka at mag-Hajj ka na kasama ng iyong asawa. (Iniulat nina Bukhari, Muslim atbp.)

Si Ginang Lady Cook, isang bantog na manunulat sa Ingles, ay nagsabi sa kanyang aklat na, 'New Echo':

Ang mga kalalakihan ay minamabuti (at pinipili) ang mga lugar na magkasama ang lalaki at babae. Magkagayon, ang mga babae ay maakit sa mga bagay na nagbibigay gulo sa kanilang katutubong makataong pag-uugali. Kung ang lugar ng pagsasama ng babae at lalaki ay mas malawak, mas maraming batang anak sa labas na lilitaw sa lipunan. Ito ang pinakamalaking kapahamakan...”

Sa aklat na, 'International Peace and Islam', ng yumaong si Ginoong Sayed Qutub ay nagsabi:

“Karapatan ng bawa’t lalaki at babae na magkaroon ng kasiyahan sa kanilang pagsasama. Kahit sino sa kanila ay hindi dapat mahulog sa tukso sa iba na maaaring sumaklaw sa damdamin, katawan ang pagkalimot, o kaya'y makaladkad ito sa buong pagkakasala at matangay sa malaswang kabulukan. Ang ganitong gawain ay tunay na makakasira sa kanilang maganda at banal na samahan. Sa katunyan mawawalan ng tiwala ang bawa't isa sa kanila. Ang pagkalimot na bunga ng pagkaladkad ng kabutihang-asal ay dahil sa 'co-ed' na lugar (pagsasama ng babae at lalaki sa isang lugar) na nakikitang dumarami sa araw-araw. Dahil sa ang mga babae ay malayang naglalakad na nagsusuot ng ibat-ibang klase ng damit na nakakabighani, maiikling pantalon, kaakit-akit ang mga damit na hindi natatakpan mabuti ang kanilang buong katawan, kung hindi talaga nagpapakita ng kanilang kagandahan. Ang mga taong may masasamang pag-iisip, at ang mga may mababang kaalamang moral at mga mahihinang pananampalataya ay maaaring matukso at mang-abuso sa mga babae at pagsamantalahan ang kanilang kapurihan. Kahit anong sabihin pa ng mga tao sa mga lugar na 'co-ed', na nagpapalambot sa puso at pag-iisip ng tao, ito pa rin ay tunay na banta at panganib para sa kabutihang-asal at moralidad sa lipunan. Kahit ano ang kanilang pahayag sa 'co-ed' na ang sabi ay nagkakaloob sa parehong kasarian (lalaki at babae) ng kinakailangang karanasan na kailangan sa pagpapatibay may-asawa, ito ay hindi totoo at ito'y walang kabuluhan. Maraming ikinakasal na hindi nagtatagumpay at nauuwi sa paghihiwalay o nawawasak na pamilya kahit na dati nang magkakilala nang lubos noong hindi pa mag-asawa sa isa't-isa. Maraming nagsasamang hindi kinasal sa lipunan na naniniwala sa 'co-ed' bilang daan ng buhay. Ang porsiyento ng mga nagbubuntis na nasa mataas na paaralan pa lamang bilang bunga ng mapanlinlang na 'co-ed' sa lipunan ay umabot ng 48% sa isang paaralan sa Amerika. Ang bilang ng mga nasirang tahanan na nagmula sa tinatawag na 'malayang pumili at magmahal' ay mabilis na tumaas ang porsiyento sa pagitan ng taong 1890 at 1948: 1890= 6%, 1900 = 10%, 1914 = 14%, 1930 = 14%, 1940 = 20%, 1946 = 30% at noong 1948 = 40%, at hanggang ngayon ay patuloy paring tumataas."

Ang trabaho at ang pinagtatrabauhan ng babae sa labas ng kanyang pamamahay, ay unang-una, ay dapat makatarungang trabaho na alinsunod sa kanyang pagkababae. Ang babae halimbawa ay hindi dapat masangkot sa mabigat na pang-industriyang trabaho, aktuwal na pakikipaglaban sa militar, at iba pang trabahong nararapat lamang sa lalaki.

Ang maaaring maitanong dito ay: Unang-una, bakit ang babae ay nagtatrabaho? Kung ang babae ay nagtatrabaho para sa kanyang ikabubuhay, ang Islam ay tutulong dito sa pamamagitan ng pag-uubliga sa ama na pangalagaan ang buong pangangailangan at pananagutan sa pananalapi ng pamilya. Sa gayon, ang babae, mula sa kanyang pagsilang hanggang sa kanyang kamatayan, sa buong panuntunan ng kanyang buhay ay hindi siya kailangan magtrabaho, subali't ang kanyang ubligasyon ay upang harapin niyang lubusan ang kanyang pinakamalaking layunin at tungkulin sa pag-iingat ng pamamahay at tagapangalaga at pagpapalaki ng mga anak. Ang marangal na misyong ito ay sadyang kailangan ng matinding pagsisikap at pagsasakripisyo at ito ang may pinakamataas na uri ng katayuan.

Ang bantog na pantas na Ingles na si Ginoong Samuel Smiles, isa sa mga nagtatag ng, 'English Renaissance' ay nagsabi:

"Ang pamamalakad na nangangailangan sa mga kababaihan para magtrabaho sa mga pabrika at sa mga lugar ng Industriya, kahit na anong pambansang yaman ang maidulot ay nakakasira ng pamilya. Sa katunayan, sinalakay nito ang pinakasaligang balangkas at pundasyon ng pamamahay at sinira ang pinakamahalagang haligi ng pamilya. Ito ay pumutol at naminsala sa magandang ugnayan sa lipunan. Nawawalan ng panahon ang babae sa kanyang asawa at inaalisan ng karapatan ang mga anak sa tamang pag-aalaga at pagmamahal ng ina, na naging dahilan sa pagbaba ng kahalagaan at kabutihan ng mga kababaihan. Ang pinakamagandang dapat na trabaho ng mga babae ay ang mag-alaga nang mainam at mabuti sa pamilya. Ang higit na kailangang dapat gawin ay ang pangalagaan ang responsibilidad sa buhay, pantahanang pangangailangan at sa mga iba pang gawaing bahay. Gaya ng nasabi sa itaas, ang pamamasukan ng babae ang siyang nag-alis sa lahat ng pananagutan na nagpabago sa kapaligiran at pangyayari sa loob ng pamamahay. Ganun di naman ang mga anak ay kalimitang hindi naaasikaso at lumalaking walang nalalaman. Ang pagtitinginan at pagmamahalan ng mag-asawa ay unti-unting nawawala. Ang babae ay hindi na katulad ng dating hinahanap-hanap, hinahangaan, pinupuri at minamahal ng asawa, dahil lagi na lang siyang kasama sa trabaho na pareho ang kanilang ginagawa. Ang babae ay napapasa-ilalim sa maraming impluwensiya at paghihirap na nagpapabago sa kanyang mentalidad at pag-iisip na kung saan naitatatag ang pag-aasal at kabutihan.

Sa katunayan, ang unang Ginang ng South Africa na tumawag sa mga kababaihan sa pagbabalik nila sa pamamahay ay nagsabi:

"Ang likas na lugar para sa mga babae ay ang kanilang tahanan. Ang pinakamahalagang tungkulin at pananagutan ng babae ay ang pangalagaan ang kanyang asawa at lingapin ang pangangailangan ng kanyang mga anak."

Nasabi rin niya sa kanyang talumpati sa 'Women Conference' sa Kabisera ng South Africa:

Ang pangunahing tungkulin at pananagutan ng babae ay ang pangalagaan ang kanyang asawa at lingapin ang mga pangangailangan ng kanyang mga anak. Ito ang ating tungkulin sa lipunan. Ito ang tungkulin na dapat nating ipagmalaki na siyang ugat ng matagumpay na tao at ng mabuting henerasyon."

 

Search Videos

Ang lahat po ng larawan na naitala o makikita dito ay kabahagi lamang ng mga ibat ibang programa o activities ng aming Islamic Dawah Center.

 

Go to top