Tanong at Sagot

Tanong: Kapag huminto ang regla ng isang babae sa oras ng “Asr or Isha”, pagsasamahin (1)* ba niya ang dhuhr at “asr o ang magrib at ang “isha” yaman din lamang na ang mga salah na ito ay naipagsasama?

Sagot:  Kapag huminto ang regla ng isang babae (2)** o ang kanyang nifas (3)*** sa oras ng ‘asr, kailangan niya ring isagawa ang salah sa dhuhr kasama ng sala sa ‘asr ayon sa pinakatumpak na pahayag ng mga pantas nag Islam sapagkat ang oras ng dalawang salah na ito ay iisa para sa taong may dahilang ipagsama ang mga salah tulad halimbawa ng may-karamdaman at naglalakbay. Ang babaeng katatapos lamang huminto ang regla ay may dahilan ding ipagsama ang mga salah dahil sa pagkahuli ng paghinto ng kanyang regla.  Ganito rin ang patakaran kung huminto naman ang regla sa oras ng salah sa ‘`isha’, kailangan din niyang isagawa nang magkasama ang salah sa maghrib at ‘`isha’.  Ganito rin ang payo ng isang pangkat ng mga sahabah (RA).

_________________________________________________________________________________

(1)*Ang pagsasama ng salah ay ganito: isinasagaw muna ang salah sa dhuhr bago ang salah ‘asr sa oras ng alin man sa dalawang salah na ito at ang salah sa maghrib bago ang salah sa `isha’ sa oras ng alin man sa dalawang nabanggit na salah.

(2)**Kapag huminto ang regla ng isang babae ay kailangang maligo siya sa lalong madaling panahon bago magsagawa ng salah o makipagtalik sa asawa.

 (3)***Ang nifas ay ang dugong inilalabas ng sinapupunan bago o habang matapos magsilang hanggang sa ika-40 araw matapos magsilang.  Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa nifas, mangyari po lamang na sumngguni sa ating aklat na pnamagatang Isang Aklat Para sa Babaeng Muslim.

 

Search Videos

Ang lahat po ng larawan na naitala o makikita dito ay kabahagi lamang ng mga ibat ibang programa o activities ng aming Islamic Dawah Center.

 

Go to top