Ang mga Jinn ay may sariling daigdig na lingid, sila’y nilikha mula sa apoy, at sila’y naunang nilikha kaysa sa paglikha sa tao.
Gaya ng sinabi ng Allah: "At sa katunayan, Aming nilikha ang Tao (Adam) mula sa alabok na yari mula sa maitim na lupa na nagpapalit-palit ang kulay o amoy (nito), at ang Jinn (Iblis), Amin siyang nilikha na nauna (kay Adam) mula sa apoy na napakainit at walang usok". [Qur'an 15:26-27]
Sila’y inu-obliga sa mga kautusang tinatanggap nila mula sa Allah, at sa mga ipinagbabawal nito, kaya’t mayroon sa kanila ang sumasampalataya at mayroon ding hindi sumasampalataya, mayroong sumusunod at mayroon ding sumusuway. "At katotohanan, ang iba sa amin ay mabubuti at ang iba ay bukod doon (palatutol), kami ay mga pangkat na magkakaiba (ang sekta ng paniniwala)}". [Qur'an 72:11]
Ang ibig sabihin dito na pangkat na magkakaiba: ay ang bawat pangkat ay may kanya-kanyang sinusunod, katulad din ng nangyayari sa tao, kaya ang hindi sumasampalataya sa kanila ay papasok ng Impiyerno. Ito’y pinagka-isahan ng mga muslim, at ang sumasampalataya sa kanila ay papasok ng Paraiso, katulad din ng tao.
Ang Allah ay nagsabi: "At ang sinumang may takot sa pakikipagharap sa kanyang Panginoon ay magkakaroon siya ng dalawang Hardin. Kaya’t alin pa sa mga ibinibigay ng inyong Panginoon ang inyong pinabubulaanan". [Qur'an 55:46-47]
Ang paniniil ay ipinagbabawal sa pagitan nila (jinn), gayundin sa pagitan ng mga tao.
Ang Allah ay nagsabi sa Hadih Qudsi: {O Aking mga alipin! Katotohanan, Aking ipinagbabawal sa Aking sarili ang paniniil , at Aking ginawang ipinagbabawal din ito sa pagitan ninyo. Kaya’t huwag kayong maniil sa isa’t isa}. Isinalaysay ni Muslim Gayunpaman, minsan ay kanilang inaabuso ang tao, tulad din minsan ng pag-aabuso ng tao sa kanila, ang ilang uri ng pag-aabuso ng tao sa kanila ay ang gawing panlinis ang buto ng hayop o ang dumi nito.
Ayon sa Sahih Muslim, naiulat ni ibn Mas`uod (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah): “Nang ang mga Jinn ay humingi sa Propeta (saw) ng pagkain. Ang sinabi ng Propeta (saw): [Sasainyo ang bawat buto na nabanggit dito ang ngalan ng Allah, na sa mga sandaling mapapasakamay na ninyo ito, ang laman nito ay manunumbalik sa dati, gayundin naman na ang bawat dumi ng mga hayop ninyo ay pagkain ng mga hayop nila]”.
At sinabi pa niya (saw): [Huwag ninyong gawing panlinis ang buto ng hayop o ang dumi nito, sapagka’t pagkain ito ng mga kapatid ninyong (mga jinn)].
Ang ilang uri ng pang-aabuso ng Jinn sa tao.
1. Kanilang sinasakop ang tao sa pamamagitan ng pag-uudyok at panggugulo ng kanilang kalooban.
2. Kanilang tinatakot ang tao nang sa gayo'y mananatili sa kanilang puso ang takot, lalung-lalo na kung ang tao ay nakikipag-ugnayan sa kanila.
Sinabi ng Allah: "At katotohanang may mga lalaking tao na nagpapakupkop sa mga lalaking Jinn, kaya't mas lalo silang naililigaw ng mga ito". [Qur'an 72:06]
Ang Jinn ay nakikipagbuno sa tao, at kung minsan ay nagagapi nito ang tao.
Ang pakikipagbuno ay may dalawang uri:
1. Ang pakikipagbuno sa Jinn.
2. Ang pakikipagbuno sa karamdaman ng katawan.