ANG KAHULUGAN NITO:

ANG SHIRK AY ANG PAGTATAKDA NG KATAMBAL SA ALLAH SA KANYANG PAGKAPANGINOON AT PAGKADIYOS. DATAPUWA’T ANG KADALASAN NA NANGYAYARE AY ANG PAGTATAMBAL SA KANYANG PAGKADIYOS, KATULAD NG PANALANGIN SA IBA PA SA KANYA O ANG PAGBALING DOON NG ANUMANG URI NG PAGSAMBA TULAD NG PAG-AALAY NG HAYOP, PANATA, PANGAMBA, PANG-AASAR AT PAGMAMAHAL.

ANG SHIRK ANG PINAKAMABIGAT SA MGA KASALANAN AT IYON AY SANHI NG MGA SUMUSUNOD NA KADAHILANAN.

1. SAPAGKA’T ANG SHIRK AY PAGWAWANGIS SA NILIKHA SA TAGAPAGLIKHA SA MGA KATANGIANG KAUGNAY SA PAGKADIYOS. KAYA NAMAN ANG SINUMANG MAGTAMBAL NG ISA MAN SA ALLAH AY INIWANGIS NA NIYA ITO SA ALLAH. AT ITO ANG PINAKAMABIGAT NA KAWALANG KATARUNGAN.

SINABI NG ALLAH:  {KATOTOHANAN, ANG PAGTATAMBAL (NG IBA PA SA PAGSAMBA SA ALLAH) AY TUNAY NGANG ISANG MALAKING KAWALANG KATARUNGAN}. (Qur'an 31:13) 

ANG IBIG SABIHIN NG KAWALANG KATARUNGAN AY ANG PAGLALAGAY SA ISANG BAGAY SA HINDI NITO DAPAT KALAGYAN, KAYA ANG SINUMANG SUMAMBA SA IBA PA SA ALLAH AY KANYA NANG INILAGAY ANG PAGSAMBA SA HINDI NITO DAPAT KALAGYAN. AT KANYANG IBINALING ITO SA ISANG HINDI KARAPAT-DAPAT PARA DITO, AT IYON ANG PINAKAMABIGAT NA KAWALANG KATARUNGAN.

2. IPINABATID NG ALLAH NA HINDI NIYA PATATAWARIN ANG SINUMANG HINDI PINAGSISIHAN ANG SALANG ITO . SINABI NG ALLAH:  {KATOTOHANANG HINDI PATATAWARIN NG ALLAH ANG SALANG PAGTATAMBAL SA KANYA, SUBALI’T KANYANG PATATAWARIN ANG ANUMANG KASALANANG IBA PA ROON SA KUNG SINO ANG KANYANG NAISIN}. (Qur'an 4:48) 

3. IPINABABATID NG ALLAH NA KANYANG IPAGKAKAIT ANG PARAISO SA ISANG MUSHRIK (MAPAGTAMBAL) AT SIYA’Y MAMALAGI MAGPAKAILANMAN SA LUMALAGABLAB NA APOY NG IMPIYERNO. SINABI NG ALLAH:  {TUNAY NA ANG SINUMANG MAGTAMBAL SA ALLAH AY IPAGKAKAIT SA KANYA NG ALLAH ANG PARAISO AT ANG KANYANG MAGIGING HANTUNGAN AY ANG APOY. AT SA
KANILA NA MAPAGGAWA NG KAMALIAN AY WALANG MAKAKATULONG NA SINUMAN}. (Qur'an 5:72) 

4. ANG SHIRK AY NAGPAPAWALANG SAYSAY SA LAHAT NG MGA MABUBUTING GAWA. SINABI NG ALLAH:  ُ{YAON AY KAPATNUBAYAN NG ALLAH, KANYANG PINAPATNUBAYAN ANG SINUMANG KANYANG NAISIN MULA SA KANYANG MGA ALIPIN. AT KUNG SILA’Y GUMAWA NG PAGTATAMBAL SA ALLAH, ANG KANILANG MGA GINAWA AY MAPAPAWALAN NG SAYSAY}. (Qur'an 6:88) 

5. ANG DUGO AT ARI-ARIAN NG ISANG MUSHRIK AY IPINAPAHINTULOT KAMKAMIN. SINABI NG ALLAH:  
{KAYA’T PUKSAIN NINYO ANG MGA MUSHRIK KAHIT SAAN MAN NINYO SILA MATAGPUAN. INYONG BIHAGIN SILA AT PALIBUTAN SA KANILANG PINAGKUKUTAHAN, AT TAMBANGAN NINYO SILA SA LAHAT NG LUGAR NA KANILANG DINADAANAN}. (Qur'an 9: 5) 

 SINABI NG PROPETA (saw): [NAPAG-UTUSAN AKONG PUKSAIN ANG SANGKATAUHAN HANGGANG SA SILA AY MAGSASABI: NA WALANG DIYOS NA DAPAT SAMBAHIN MALIBAN SA ALLAH, AT KAPAG SINABI NILA ITO, MAKAKALIBRE SA AKIN ANG KANILANG DUGO AT ARI-ARIAN MALIBAN LAMANG SA MGA KARAPATAN NG ISLAM, SA GAYON ANG PAGTUTUOS NILA AY NASA ALLAH]. (ISINALAYSAY NI AL-BUKHARI AT MUSLIM) 

6. ANG SHIRK ANG PINAKAMALAKI SA MGA KASALANAN.
  SINABI NG PROPETA (saw): [IBIG BA NINYONG IPABATID KO SA INYO ANG PINAKAMALAKI SA MGA KASALANAN? KAMI AY NAGSABI: OPO! O SUGO NG ALLAH. SINABI NIYA: ANG PAGTATAMBAL SA ALLAH AT ANG PANG-AABUSO SA DALAWANG MAGULANG]. (ISINALAYSAY NI AL-BUKHARI AT MUSLIM) 

KAYA ANG SHIRK ANG PINAKAMABIGAT NA KAWALANG KATARUNGAN, SAMANTALANG ANG TAWHEED NAMAN ANG PINAKAMATUWID NA KATARUNGAN, YAYAMANG ANG SHIRK ANG PINAKAMATINDING KASALUNGAT NG KATARUNGAN, ITO ANG PINAKAMALAKI SA MGA MALALAKING KASALANAN. HANGGANG SA KANYANG SABIHIN: YAYAMANG ANG SHIRK AY TUMATALIWAS MISMO SA TAWHEED AY WALANG PAGSALANG ITO ANG PINAKAMALAKI SA MGA MALALAKING KASALANAN AT IPINAGKAKAIT NG ALLAH ANG PARAISO SA BAWA’T MUSHRIK. AT
IPINAHIHINTULOT NA PADADANAKIN ANG KANYANG DUGO AT KAMKAMIN ANG ARIARIAN AT PAMELYA NITO SA MGA TAONG NANINIWALA SA TAWHEED (KAISAHAN NG ALLAH SA KANYANG PAGKADIYOS). AT PUWEDE NILANG GAWING MGA ALILA ANG MGA ITO PARA SA KANILA SA DAHILANG ITINATANGGI NILA SA KANILANG SARILI ANG PAGIGING ALIPIN NILA SA ALLAH. KAYA ITATANGGI DIN NG ALLAH ANG PAGTANGGAP SA ANUMANG MABUTING GAWAIN NG ISANG MUSHRIK. O TANGGAPIN KAYA ANG SINUMANG MAMAMAGITAN PARA SA KANYA, O DINGGIN KAYA SA KABILANG BUHAY ANG ANUMANG KAHILINGAN NITO, O TANGGAPIN KAYA DOON ANG ANUMANG MINIMITHI NITO. TUNAY NA ANG MUSHRIK ANG PINAKAMANGMANG SA LAHAT NG MGA MANGMANG SA KAISAHAN NG ALLAH SAPAGKA’T NAGTALAGA SIYA SA ALLAH NG ISANG KAPANTAY, AT IYON ANG SUKDULANG KAMANGMANGAN KUNG PAANONG IYON DIN ANG SUKDULANG KAWALANG KATARUNGAN SA KANYA. KUNG TUTUUSIN AY HINDI SIYA NAKAGAWA NG KAWALANG KATARUNGAN SA KANYANG PANGINOON, BAGKUS SIYA’Y NAKAGAWA NG KAWALANG KATARUNGAN SA KANYANG SARILI.

7. ANG SHIRK AY ISANG KAKULANGAN AT KAPINTASAN NA SIYANG IKINAKAILA NG PANGINOON NA ANG MGA ITO’Y TATAGLAYIN NG KANYANG SARILI, KAYA ANG SINUMANG MAGTAMBAL SA ALLAH AY KANYANG PINATUTUNAYAN NA ANG MGA ITO AY ANGKOP SA ALLAH NA SIYA NAMANG IKINAKAILA NG KANYANG SARILI. ITO ANG SUKDULANG PAGSALUNGAT SA ALLAH AT SUKDULANG PAGMAMATIGAS AT PAGSASALANGSANG SA ALLAH.

 

Search Videos

Ang lahat po ng larawan na naitala o makikita dito ay kabahagi lamang ng mga ibat ibang programa o activities ng aming Islamic Dawah Center.

 

Go to top