Ang Ilang Pag-uugali ng Islam sa [Panahon ng] Digmaan:
1. Ang pag-uutos na maging makatarungan at maging makatuwiran sa mga kaaway, at ang pagbabawal sa mga gawaing paniniil at pag-aabuso sa kanila: Batay sa sinabi ng Kataas-taasang Allah: {At huwag hayaan na ang inyong poot sa ibang tao ay maghatid sa inyo upang kayo ay maging di-makatarungan. Maging makatarungan kayo; ito ang pinakamalapit sa kabanalan}. Al-Maidah (5): 8. Ibig sabihin ay huwag kayong magpadala sa inyong poot o galit sa inyong mga kaaway upang kayo ay masadlak sa pagmamalabis at gawaing di-makatarungan, bagkus panatiliin ninyo ang pagiging makatarungan sa inyong mga salita at mga gawa.
2. Ang Pagbabawal sa Kataksilan at Pagtataksil sa Mga Kaaway: Samakatwid, ang kataksilan at pagtataksil ay ipinagbabawal maging sa mga kaaway. Batay sa sinabi ng Kataas-taasang (Allah): {Katotohanang ang Allah ay hindi nagmamahal sa mga taksil}. Al-Anfal (8): 58
3. Ang Pagbabawal sa Labis na Pagpapahirap at ang Pagputul-putol sa katawan ng bankay: Magkagayon, ipinagbabawal sa [relihiyon ng Islam] ang pagputul-putulin ang katawan ng mga patay. Batay sa sinabi niya ﷺ : “At huwag ninyong pagputul-putulin [ang katawan ng patay”. (Muslim: 1731)
4. Ang Pagbabawal sa Pagpatay sa Mga Karaniwang Mamamayan na Hindi Sangkot sa Mga Digmaan, at sa Pagpalaganap ng Kasamaan sa Kalupaan at Kapaligiran. At ito si Abu Bakr As-Siddiq – [sumakanya nawa ang lugod ng Allah], siya ang kinilalang Khalifah (tagahalili ng Propeta) para sa mga Muslim, at siya ang pinakamabuti [pinakamarangal] sa mga Sahabah (kasamahan ng Propeta), na naghabilin kay Usamah ibn Zayd nang siya ay suguin nito bilang pinuno ng mga sundalong patungo ng Sham: “..Huwag kayong pumatay ng paslit [na batang lalaki], ni matandang lalaki, ni babae, gayundin ay huwag kayong magbuwal ng puno ng datiles [o palmera] at magsunog nito, at huwag kayong pumutol ng isang kahoy na namumunga, at huwag kayong magkatay ng tupa, ni baka o kamelyo maliban para sa inyong pagkain, at maaaring sa inyong [paglalakbay ay] inyong maraanan ang isang lipon ng tao na taimtim sa kanilang sarili sa silid-dasalan ng hermitanyo, magkagayon, sila ay inyong hayaan at ang anumang kanilang pinagkakaabalahan sa kanilang mga sarili”. (Ibn Asakir: 50/2)
Source: New Muslim Guide