AL-USWUL ATH-THALATHA


usuul


:اعْلَمْ رَحِمَكَ اللهُ أَنَّه يَجِبُ عَلَى كُلِّ مُسْلِمٍ وَمُسْلِمَةٍ، تَعَلُّمُ هَذِهِ الثَّلاثِ مَسَائِل، والْعَمَلُ بِهِنّ

الأُولَى: أَنَّ اللهَ خَلَقَنَا، وَرَزَقَنَا، وَلَمْ يَتْرُكْنَا هَمَلا، بَلْ أَرْسَلَ إِلَيْنَا رَسُولاً، فَمَنْ أَطَاعَهُ دَخَلَ الجَنَّةَ، وَمَنْ عَصَاهُ دَخَلَ النَّارَ

:وَالدَّلِيلُ قَوْلُهُ تَعَالَى

{إِنَّا أَرْ‌سَلْنَا إِلَيْكُمْ رَ‌سُولًا شَاهِدًا عَلَيْكُمْ كَمَا أَرْ‌سَلْنَا إِلَىٰ فِرْ‌عَوْنَ رَ‌سُولًا فَعَصَىٰ فِرْ‌عَوْنُ الرَّ‌سُولَ فَأَخَذْنَاهُ أَخْذًا وَبِيلًا}

الثَّانِيَةُ: أَنَّ الله لا يَرْضَى أَنْ يُشْرَكَ مَعَهُ أَحَدُ فِي عِبَادَتِهِ، لا مَلَكٌ مُقَرَّبٌ، وَلا نَبِيٌّ مُرْسَلٌ

:وَالدَّلِيلُ قَوْلُهُ تَعَالَى

{وَأَنَّ الْمَسَاجِدَ لِلَّهِ فَلَا تَدْعُوا مَعَ اللَّهِ أَحَدًا}

الثَّالِثَةُ ُ:  أَنَّ مَنْ أَطَاعَ الرَّسُولَ، وَوَحَّدَ اللهَ لا يَجُوزُ لَهُ مُوَالاةُ مَنْ حَادَّ اللهَ وَرَسُولَهُ، وَلَوْ كَانَ أَقْرَبَ قَرِيبٍ

:وَالدَّلِيلُ قَوْلُهُ تَعَالَى

لَّا تَجِدُ قَوْمًا يُؤْمِنُونَ بِاللَّـهِ وَالْيَوْمِ الْآخِرِ يُوَادُّونَ مَنْ حَادَّ اللَّـهَ وَرَسُولَهُ وَلَوْ كَانُوا آبَاءَهُمْ أَوْ أَبْنَاءَهُمْ أَوْ إِخْوَانَهُمْ أَوْ عَشِيرَتَهُمْ ۚ أُولَـٰئِكَ كَتَبَ فِي قُلُوبِهِمُ الْإِيمَانَ وَأَيَّدَهُم بِرُوحٍ مِّنْهُ ۖ وَيُدْخِلُهُمْ جَنَّاتٍ تَجْرِي مِن تَحْتِهَا الْأَنْهَارُ خَالِدِينَ فِيهَا ۚ رَضِيَ اللَّـهُ عَنْهُمْ وَرَضُوا عَنْهُ ۚ أُولَـٰئِكَ حِزْبُ اللَّـهِ ۚ أَلَا إِنَّ حِزْبَ اللَّـهِ هُمُ الْمُفْلِحُونَ


Pagpalain nawa kayo ni Allah dapat natin malaman na nagging obligado bawat isa sa atin lahat mababae man o lalaki ang tatlong mga paksa at maypasakatuparan ang pag sagawa nito
Ang Una, tayo ay nilikha ng Mahabaging Allah, binigyan ng mga
wastong pamamaraan upang mabuhay nang matuwid, at hindi tayo pinabayaan at iniwan sa gitna ng kamangmangan. Ang Mahabaging Allah ay nagpadala ng Sugo (Muhammad ). Sinuman ang tumalima at sumunod sa Sugo ay tatanggapin at makakapasok sa Jannah (Paraiso) at sinuman ang hindi sumunod sa kanya at sumuway ay  papasok sa Jahannam (Impiyerno) ito ang katibayan ang Allah na nagsabi {Katotohanang Kami ay nagpadala sa inyo ng isang Sugo (Muhammad ) bilang saksi sa inyo katulad ng pagpapadala Namin ng Sugo kay Fir`awn (Paraon). Nguni’t sinuway ni Fir`awn ang Sugo.(1) Kaya, siya ay Aming pinatawan ng kasakit-sakit na parusa}. [Qur’an 73:15-16]
Ang Ikalawa, hindi pinahihintulutan ng Allah ang sinuman na mag-alay ng pagsamba sa iba bukod sa Kanya; maging ito ay anghel na malapit sa Kanya (Allah) o dili kaya sa ipinadalang Propeta. Samakatuwid tanging ang Allah lamang ang dapat sambahin at wala nang iba pa
{At katotohanang ang mga Masjid(2) ay para sa Allah lamang, kaya, huwag kayong manalangin (o mag-ukol ng anumang uri ng pagsamba) sa kaninumang iniaakibat sa Allah (bilang Kanyang katambal)}. [Qur’an 72:18
Ang Ikatlo, sinuman ang sumunod (at tumalima) sa Sugo () at maniwala(at sumampalataya) sa Kaisahan ng Allah ay hindi pinahihintulutan makipagkaibigan sa mga nagtatakwil (at di-naniniwala) sa Allah at sa Kanyang Sugo () maging ito man ay pinakamalapit na kamag-anak
At ito ang kanyang katibayan sinabi ni Allah sa banal na Quran
Hindi mo matatagpuan [O Muhammad] sa isang mamamayang naniniwala sa Allah at sa Huling Araw, na siya ay nakikipagkaibigan sa mga sumasalungat sa Allah at sa Kanyang Sugo, kahit sila ay kanilang mga ama o kanilang mga anak o kanilang mga kapatid o kamag-anak. Sila yaong Kanyang tinakdaan ng [katatagan ng Eeman] pananampalataya sa kanilang mga puso at sila ay pinatatag ng ruh [liwanag at patnubay] mula sa Kanya. At sila ay Kanyang papapasukin sa mga hardin [ng Paraiso] na sa ilalim nito ay may mga ilog na umaagos. Sila ay mamamalagi roon nang walang hanggan. Ang Allah ay lubos na nasisiyahan sa kanila, at sila rin naman [ay nasisiyahan] sa Kanya. Sila yaong mga kaanib [o alagad] ng Allah. Katotohanan, yaong mga kaanib [o alagad] ng Allah, sila ang mga magtatagumpay {22 Surah Al-Mujadilah}


 

 

Search Videos

Ang lahat po ng larawan na naitala o makikita dito ay kabahagi lamang ng mga ibat ibang programa o activities ng aming Islamic Dawah Center.

 

Go to top