AL-USWUL ATH-THALATHA
اعْلَمْ أَرْشَدَكَ اللهُ لِطَاعَتِهِ، أَنَّ الْحَنِيفِيَّةَ مِلَّةَ إِبْرَاهِيمَ: أَنْ تَعْبُدَ اللهَ وَحْدَهُ، مُخْلِصًا لَهُ الدِّينَ. وَبِذَلِكَ أَمَرَ اللهُ جَمِيعَ النَّاسِ، وَخَلَقَهُمْ لَهَا
:كَمَا قَالَ تَعَالَى
{وَمَا خَلَقْتُ الْجِنَّ وَالْإِنسَ إِلَّا لِيَعْبُدُونِ }
وَمَعْنَى ((يَعْبُدُونِ)) :يُوَحِّدُونِ، وَأَعْظَمُ مَا أَمَرَ اللهُ بِهِ التَّوْحيِدُ، وَهُوَ :إِفْرَادُ اللهِ بِالْعِبَادَةِ. وَأَعْظَمُ مَا نَهَى عَنْه الشِّركُ، وَهُوَ: دَعْوَةُ غَيْرِهِ مَعَهُ
:وَالدَّلِيلُ قَوْلُهُ تَعَالَى
{وَاعْبُدُوا اللَّهَ وَلَا تُشْرِكُوا بِهِ شَيْئًا}
فَإِذَا قِيلَ لَكَ: مَا الأُصُولُ الثَّلاثَةُ التِي يَجِبُ عَلَى الإِنْسَانِ مَعْرِفَتُهَا؟
فَقُلْ :مَعْرِفَةُ الْعَبْدِ رَبَّهُ، وَدِينَهُ، وَنَبِيَّهُ مُحَمَّدًا صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ
Ang dapat mong malaman naway patnubayan ka ni Allah sa pagsunud sa kanya na ang Hanifiyah(3) na relihiyon ni Propeta Ibrahim(Abraham)ay ang ihandog nang buong katapatan ang lahat ng uri ng pagsamb sa Allah lamang. Ito ang kautusan at tagubilin ng Allah sa lahat ng tao, at dahil sa kautusang ito, ang tao at jinn ay Kanyang nilikha.Ano ang katibayan mula sa Banal na Qur’an tungkol sa nabanggit na paksa? Ang Salita ng Dakilang Allah: {At hindi Ko nilikha ang Jinn(1) at Tao, maliban na sila ay sumamba (lamang) sa Akin}. [Qur’an 51:56] Ano ang ibig sabihin ng “Sumamba (lamang) sa Akin?”
Ang maniwala sa ganap na Kaisahan ng Allah, ang maniwala na ang Allah ang Siyang Tanging Diyos na nagbigay Kautusan sa kanila
at Siyang Tanging Diyos na nagtakda ng mga ipinagbabawal sa kanila. Ano ang pinakadakilang bagay na ipinag-uutos ng Allah?
Ang Tawheed o Kaisahan ng Allah. Ano ang Tawheed o Kaisahan ng Allah? Ang Tawheed o Kaisahan ng Allah ay ang pagpapahayag na ang Allah lamang ang bukod-tanging Diyos na nararapat na sambahin nang makatotohanan at tanggapin (kilalanin) ang Kanyang mga Katangian na Siya mismo sa Kanyang Sarili ang naggawad (at nagtaglay) at ang mga katangiang binanggit ng Kanyang Sugo (sumakanya nawa ang kapayapaan ). Ang Tawheed ay paniniwala na ang Allah ay malayo sa anumang kakulangan sa katangian at ang mga katangiang taglay Niya ay likas at tanging sa Kanya lamang at malayo sa Huduth(2) (walang pagkakahalintulad sa Kanyang mga nilikha. Ano ang pinakamalaking bagay na ipinagbawal ng Allah? Ang Shirk o Politeismo (Idolatriya o pagbibigay katambal sa
Kaisahan ng Allah).Tanong: Ano ang Shirk (Politeismo)? Ito ay ang gawang-pagsamba sa mga huwad o diyus-diyusan na
iniuugnay o itinatambal sa Tunay na Diyos (Allah) at ang pagbibigay karibal sa Allah gayong Siya lamang ang Tanging lumikha sa lahat ng bagay. Ano ang katibayan tungkol sa nabanggit na paksa sa itaas? Ang Salita ng Dakilang Allah mula sa Banal na Qur’an:
{At sambahin ninyo ang Allah at huwag kayong magbigay (ng anumang) katambal sa Kanya (sa pagsamba)...} [Qur’an 4:36]At sinabi pa Niya: {...Kaya, huwag kayong magtakda ng anumang mga kawangis sa Allah...}. [Qur’an 2:22] Ano ang tatlong saligan (o pangunahing prinsipyo) na dapat ingatan ng tao? Una, dapat malaman (at makilala) ng tao ang kanyang tunay na
Rabb(1) (Panginoon), Ikalawa, ang kanyang relihiyon, at Ikatlo, ang kanyang Propeta (Muhammad sumakanya nawa ang kapayapaan .