AL-USWUL ATH-THALATHA 


usuul


قَالَ ابْنُ كَثِيرٍ (رَحِمَهُ اللهُ): الخَالِقُ لِهَذِهِ الأَشْيَاءَ هُوَ الْمُسْتَحِقُّ لِلْعِبَادَةِ. وَأَنْوَاعُ الْعِبَادَةِ الَّتِي أَمَرَ اللهُ بِهَا مِثْلُ: الإِسْلامِ، وَالإِيمَانِ، وَالإِحْسَانِ، وَمِنْهُ: الدُّعَاءُ، وَالْخَوْفُ، وَالرَّجَاءُ، وَالتَّوَكُّلُ، وَالرَّغْبَةُ، وَالرَّهْبَةُ، وَالْخُشُوعُ، وَالْخَشْيَةُ، وَالإِنَابَةُ، وَالاسْتِعَانَةُ، وَالاسْتِعَاذَةُ، وَالاسْتِغَاثَةُ، وَالذَّبْحُ، وَالنَّذْرُ، وَغَيْرُ ذَلَكَ مِنْ أَنْوَاعِ الْعِبَادَةِ الَّتِي أَمَرَ اللهُ بِهَا. كُلُّهَا للهِ تَعَالَى

:وَالدَّلِيلُ قَوْلُهُ تَعَالَى

{وَأَنَّ الْمَسَاجِدَ لِلَّـهِ فَلَا تَدْعُوا مَعَ اللَّـهِ أَحَدًا}

فَمَنْ صَرَفَ مِنْهَا شَيْئًا لِغَيْرِ اللهِ؛ فَهُوَ مُشْرِكٌ كَافِرٌ

:وَالدَّلِيلُ قَوْلُهُ تَعَالَى

{وَمَن يَدْعُ مَعَ اللَّهِ إِلَٰهًا آخَرَ لَا بُرْهَانَ لَهُ بِهِ فَإِنَّمَا حِسَابُهُ عِندَ رَبِّهِ ۚ إِنَّهُ لَا يُفْلِحُ الْكَافِرُونَ}

[وَفِي الْحَدِيثِ: [الدُّعَاءُ مخ الْعِبَادَة

:وَالدَّلِيلُ قَوْلُهُ تَعَالَى

{وَقَالَ رَبُّكُمُ ادْعُونِي أَسْتَجِبْ لَكُمْ ۚ إِنَّ الَّذِينَ يَسْتَكْبِرُونَ عَنْ عِبَادَتِي سَيَدْخُلُونَ جَهَنَّمَ دَاخِرِينَ }

:وَدَلِيلُ الْخَوْفِ قَوْلُهُ تَعَالَى

{فَلَا تَخَافُوهُمْ وَخَافُونِ إِن كُنتُم مُّؤْمِنِينَ}

:وَدَلِيلُ الرَّجَاءِ قَوْلُهُ تَعَالَى

{فَمَن كَانَ يَرْجُو لِقَاءَ رَبِّهِ فَلْيَعْمَلْ عَمَلًا صَالِحًا وَلَا يُشْرِكْ بِعِبَادَةِ رَبِّهِ أَحَدًا}

:وَدَلِيلُ التَّوَكُلِ قَوْلُهُ تَعَالَى

{وَعَلَى اللَّـهِ فَتَوَكَّلُوا إِن كُنتُم مُّؤْمِنِينَ}

:وقوله

{وَمَن يَتَوَكَّلْ عَلَى اللَّـهِ فَهُوَ حَسْبُهُ}

:وَدَلِيلُ الرَّغْبَةِ، وَالرَّهْبَةِ، وَالْخُشُوعِ، قَوْلُهُ تَعَالَى

{إِنَّهُمْ كَانُوا يُسَارِعُونَ فِي الْخَيْرَاتِ وَيَدْعُونَنَا رَغَبًا وَرَهَبًا ۖ وَكَانُوا لَنَا خَاشِعِينَ}

:وَدَلِيلُ الْخَشْيَةِ قَوْلُهُ تَعَالَى

{فَلَا تَخْشَوْهُمْ وَاخْشَوْنِي}

:وَدَلِيلُ الإِنَابَةِ قَوْلُهُ تَعَالَى

{وَأَنِيبُوا إِلَىٰ رَبِّكُمْ وَأَسْلِمُوا لَهُ}

:وَدَلِيلُ الاسْتِعَانَةِ قَوْلُهُ تَعَالَى

{إِيَّاكَ نَعْبُدُ وَإِيَّاكَ نَسْتَعِينُ}

[وَفِي الْحَدِيثِ: [...وإِذَا اسْتَعَنْتَ فَاسْتَعِنْ بِاللهِ

:وَدَلِيلُ الاسْتِعَاذَةِ قَوْلُهُ تَعَالَى

{قُلْ أَعُوذُ بِرَبِّ الْفَلَقِ  وَ قُلْ أَعُوذُ بِرَبِّ النَّاسِ}

:وَدَلِيلُ الاسْتِغَاثَةِ قَوْلُهُ تَعَالَى

{إِذْ تَسْتَغِيثُونَ رَبَّكُمْ فَاسْتَجَابَ لَكُمْ}

:وَدَلِيلُ الذَّبْحِ قَوْلُهُ تَعَالَى

{قُلْ إِنَّ صَلَاتِي وَنُسُكِي وَمَحْيَايَ وَمَمَاتِي لِلَّـهِ رَبِّ الْعَالَمِينَ  لَا شَرِيكَ لَهُ ۖ وَبِذَٰلِكَ أُمِرْتُ وَأَنَا أَوَّلُ الْمُسْلِمِينَ}

[وَمِنَ السُنَّةِ: [لعَنَ اللهُ مَنْ ذَبَحَ لِغَيْرِ اللهِ

:وَدَلِيلُ النَّذْرِ قَوْلُهُ تَعَالَى

{يُوفُونَ بِالنَّذْرِ وَيَخَافُونَ يَوْمًا كَانَ شَرُّهُ مُسْتَطِيرًا }


 

 

Ayon ki Ibn khatheer rahimahullah kanyang sinabi ang bagay na ito siyang tanging nararapat lamang

 pag ukulan ng ibaadah (pagsamba) at ang mga uri ng ibaadah or pagsamba sa

Ilang uri ng Ibadah (pagsamba) ang ipinag-uutos ng Allah? Marami, ang ilan sa mga ito ay ang limang haligi ng Islam, ang anim na haligi ng Iman (paniniwala), ang pagsunod, pagtalima at pagsuko, ang panalangin (pagsusumamo), ang mapitagang takot sa Allah, ang palagiang pag-asam o pag-asa ng Kanyang Awa, ang paghingi ng tulong, pangangalaga, panunumpa at iba pang gawang pagsamba na ipinag-uutos at ipinag-aanyaya. Ang lahat ng mga ito ay isinasagawa at iniaalay para sa Kanya lamang.

 Ano ang katibayan tungkol sa nabanggit na paksa sa itaas? Ang Salita ng Allah mula sa Banal na Qur’an: {At tunay ngang ang mga Masjid ay para sa Allah lamang, kaya huwag kayong manalangin (o mag-ukol ng anumang uri ng pagsamba) sa kaninumang iniaakibat sa Allah (bilang Kanyang katambal)}. [Qur’an 72:18] At sinabi pa Niya: {At ipinag-utos ng iyong Rabb (Panginoon) na huwag kayong sumamba (sa iba) maliban sa Kanya lamang…}. [Qur’an 17:23]: Ang sinumang nag-aalay ng anumang uri ng pagsamba bukod pa sa Allah, siya ay isang Mushrik (nagtatambal sa Allah) at itinuturing na isang Kafir (di-naniniwala) kahit pa siya ay nagsasagawa ng Salah (pagdarasal), nag-aayuno, at nagsasagawa ng Hajj (peregrinasyon) o inaangkin niya sa kanyang sarili na siya ay Muslim. Ang Salita ng Allah mula sa Banal na Qur’an: {At sinuman ang manalangin sa ibang diyos bilang kaakibat (o katambal) ng Allah na wala siyang patunay tungkol dito; magkagayon, ang kanyang pagtutuos (o pananagutan) ay tanging nasa kanyang Panginoon. Katotohanan, ang mga di-naniniwala ay hindi magtatagumpay}. [Qur’an 23:117

Ang Salita ng Allah mula sa Banal na Qur’an: {At ang inyong Rabb (Panginoon) ay nagsabi: Dumalangin kayo sa Akin, at Aking tutugunin ito para sa inyo. Katotohanan, yaong mga nagmamataas na tumangging sumamba sa Akin ay katiyakang papasok sila sa Impiyerno na mga hamak}. [Qur’an 40:60] At ang Propeta (g) ay nagsabi: “Ang Du`a (panalangin) ay diwa ng pagsamba.” At sa ibang salaysay: “Ang Du`a (panalangin) ay siyang pagsamba.” [At-Tirmidhi, Ibn Majah at Ahmad]: Ano ang katibayan na ang “Taqwa” (takot) sa Allah ay isang uri ng pagsamba?: Ang Salita ng Allah mula sa Banal na Qur’an: {Kaya, sila ay huwag ninyong katakutan, bagkus Ako ang inyong katakutan, kung tunay ngang kayo ay mga mananampalataya}. [Qur’an 3:175]: Ano ang katibayan na ang pag-asam (o paghahangad) ng Awa ng Allah ay isang uri ng pagsamba?: Ang Salita ng Allah mula sa Banal na Qur’an: {…Kaya sinuman ang umaasam na makaharap ang kanyang Rabb (Panginoon) ay nararapat gumawa ng mabuting gawa, at huwag siyang magbigay ng anumang pagtatambal sa pagsamba sa kanyang Rabb (Panginoon)}. [Qur’an 18:110]: Ano ang katibayan na ang pagtitiwala sa Allah ay isang uri ng pagsamba?: Ang Salita ng Allah mula sa Banal na Qur’an: {…At sa Allah kayo (ay) magtiwala kung kayo nga’y tunay na mga mananampalataya}. [Qur’an 5:23] At sinabi pa Niya: {…At sinuman ang magtiwala sa Allah, Siya (ang Allah) ay sapat na para sa kanya…}. [Qur’an 65:03]

Ano ang katibayan na ang paghahangad sa Habag ng Allah at ang takot sa Kanyang parusa at ang pagpapakumbaba sa Kanya ay mga uri ng pagsamba?: Ang Salita ng Allah mula sa Banal na Qur’an: {…Katotohanag sila ay lagi nang nag-uunahan sa paggawa ng mga kabutihan. At dumadalangin sila sa Amin nang may pag-asam at pagkatakot, at sila ay nagpapakumbaba ng kanilang mga sarili sa Amin}. [Qur’an 21:90] Ano ang katibayan na ang paggalang na may kalakip na takot ay isang uri ng pagsamba?: Ang Salita ng Allah mula sa Banal na Qur’an: {…Kaya huwag ninyo silang katakutan, bagkus Ako ang inyong tanging katakutan…}. [Qur’an 2:150]: Ano ang katibayan na ang Tawbah (pagsisisi o pagbabalikloob sa Allah) ay isang uri ng pagsamba?: Ang Salita ng Allah mula sa Banal na Qur’an: {At dapat kayong magbalik-loob sa inyong Rabb (Panginoon) at sumuko sa Kanya nang ganap}. [Qur’an 39:54]: Ano ang katibayan na ang paghingi ng tulong sa Allah ay isang uri ng pagsamba?: Ang Salita ng Allah mula sa Banal na Qur’an: {Tanging sa Iyo lamang kami sumasamba at tanging sa Iyo lamang kami humihingi ng tulong}. [Qur’an 1:04] At mula sa Hadith ng Propeta (g): “At kung ikaw ay humingi ng tulong, dapat sa Allah lamang humingi ng tulong .

Ano ang katibayan na ang paghingi ng proteksiyon (pangangalaga) sa Allah ay isang uri ng pagsamba?: Ang Salita ng Allah mula sa Banal na Qur’an: {Sabihin mo (O, Muhammad g): Ako’y humihingi ng pangangalaga sa Rabb (Panginoon) ng sangkatauhan, na Hari ng sangkatauhan}. [Qur’an 114:01-02]: Ano ang katibayan na ang paghingi ng saklolo (kalinga at pagpapakupkop) sa Allah ay isang uri ng pagsamba?: Ang Salita ng Allah mula sa Banal na Qur’an: {(Tandaan!) Nang inyong hingin ang saklolo (paglingap at pagpapakupkop) sa inyong Rabb (Panginoon), at Siya ay tumugon sa inyo (na nagsasabing): Katotohanan, kayo ay Aking palalakasin (o daragdagan ng kawal) sa pamamagitan ng isang libong mga anghel na nagkakasunuran (sa isa’t isa)}. [Qur’an 8:09] Ano ang katibayan na ang pagkatay (ng hayop) ay isang uri ng pagsamba?: Ang Salita ng Allah mula sa Banal na Qur’an: {Sabihin mo [O Muhammad (g)]: Katotohanan, ang aking Salah (pagdarasal), ang aking pagkatay (ng mga hayupan), ang aking buhay at ang aking kamatayan ay para sa Allah, ang Rabb (Panginoon) ng lahat ng nilalang. Siya ay walang katambal. At yaon ang ipinag-utos sa akin, at ako ang una sa mga Muslim (Sumusuko at Tumatalima sa Allah)}. [Qur’an 6:162-163] Sa Hadith, ang Propeta (g) ay nagsalaysay: “Isinusumpa ng Allah ang sinumang nag-alay (nagkatay ng hayop) para sa iba bukod sa Allah.: Ano ang katibayan na ang pagkatay ay isang uri ng pagsamba?: Ang Salita ng Allah mula sa Banal na Qur’an:

{Ang Allah ay sumaksi na tunay ngang walang diyos (na dapatsambahin) maliban sa Kanya, at [sumasaksi rin] ang mga anghel at yaong mga nagtataglay ng kaalaman; Siya ang nagpapanatili ng Katarungan (sa Kanyang mga nilikha). Walang diyos (na dapat sambahin) maliban sa Kanya; ang Ganap na Makapangyarihan, ang Tigib ng Karunungan}. [Qur’an 3:18

  

 

 

Search Videos

Ang lahat po ng larawan na naitala o makikita dito ay kabahagi lamang ng mga ibat ibang programa o activities ng aming Islamic Dawah Center.

 

Go to top