ANG MGA KAUTUSAN NG ISLAM

(ng Iba't-Ibang Pag-uugali)

Mga kapatid, hanapin ang landas ng inyong pakikipag-ugnayan sa lipunan at sa iba pa batay sa mga aral at tagubilin (Sunnah) ng Propeta.

"Umiwas sa mga bagay na ipinagbabawal at kayo ay magiging mabuting Mananampalataya, ikasiya at tanggapin nang buong puso ang anumang panustos na ipinagkaloob ng Allah at kayo ay magiging pinakamayaman sa lahat ng tao, maging mabuti at matapat sa inyong mga kapit-bahay at kayo ay magiging tunay na Mananampalataya,

Hangarin ninyo sa iba ang ninanais ninyo sa inyong sarili at kayo ay magiging tunay na Muslim at huwag lumabis sa pagtawa, sapagka't ang labis na pagtawa ay nagiging sanhi ng kamatayan ng puso (pagkakaroon ng sakit sa puso)."

At sinabi rin ng Propeta:

"Ang tunay na Muslim ay siya na ang kanyang kapwa Muslim ay ligtas mula sa (pananakit ng) kanyang dila at kamay, at ang tunay na 'Muhaajir' ay siyang tumalikod (umiwas) sa lahat ng ipinagbabawal ng Allah". (Iniulat ni Imam Bukhari)

Ang Islam ay naglalayong magtatag ng isang maayos na lipunan na pagmumulan ng mga taong nagpapakita ng pagmamahalan, pagdadamayan, awa at tunay na sumusunod sa 'Sunnah' ng Propeta:

"Ang mga Mananampalataya sa kanilang pagmamahal, pagmamalasakitan at mabuting damdamin sa bawa't isa ay tila isang katawan, na kung may karamdaman ang isang bahagi nito ang buong katawan ay nakadarama ng pananakit, nilalagnat at hindi makatulog." (Iniulat ni Imam Muslim)

Ang Islam ay nagpapatnubay sa bawa't mabuti at nagpapaalaala sa kanila na umiwas sa bawa't kasamaan. Ipinag-uutos ng Islam ang mga sumusunod; Ipinag-uutos na maniwala sa 'Tawheed' ng Allah (ang Kaisahan ng Allah) at ipinagbabawal ang mag-akibat ng iba pa (Shirk) bukod pa sa Kanya (´alaihi salaam)sa pagsamba. Ang Allah ay nagsabi, Qur'an, Kabanata, An-Nisaa, 4:116:

"Katotohanan! Ang Allah ay hindi nagpapatawad (sa kasalanan) nang pagbibigay ng mga katambal sa pagsamba sa Kanya, datapuwa't Siya ay nagpapatawad sa ibang mga kasalanan maliban pa rito sa sinumang Kanyang naisin. At sinuman ang magtakda ng anuman (sa pagsamba sa Kanya bukod pa) sa Allah, tunay nga na siya ay napaligaw sa kamalian."

 

Search Videos

Ang lahat po ng larawan na naitala o makikita dito ay kabahagi lamang ng mga ibat ibang programa o activities ng aming Islamic Dawah Center.

 

Go to top