Ang Pamamaraan at Mabuting Asal sa Paggamit ng Palikuran

 

Ang Islam ay relihiyon ng kadalisayan at kaayusan. Isinasaayos nito ang buhay ng tao mula sa

Istinja – Ang paglilinis ng mga pribadong bahagi ng katawan sa pamamagitan ng malinis na tubig.

 

Istijmar – Ang paglilinis ng mga pribadong bahagi ng katawan sa pamamagitan ng mga malilinis na bagay katulad ng papel, tissue, bato, at iba pa. Ipinagbabawal ang paggamit ng mga maruruming bagay, pagkain at buto ng hayop sa pagsasagawa ng istijmar.

 

Ang pagsasama ng istinja at istijmar sa paglilinis ng pribadong bahagi ng katawan ay mas mainam, subalit, sapat na ang isa sa mga ito.

____________________

(1) Inulat ni Al-Bukhari (Hadeeth 5478), at Muslim (Hadeeth 1930)

(2) Maytah: Patay na hayop na hindi kinatay (maaaring namatay sa sakit, pagkalunod, pagkasakal at iba pa)

(3) Dabgh: Pagpapatuyo sa balat ng hayop bilang uri ng paglilinis nito

(4) Inulat ni At-Tirmidhi (Hadeeth 1650), at Muslim (Hadeeth 366)

(5) Haram: Ipinagbabawal; ang pagsasagawa sa bagay na ipinagbabawal ay isang kasalanan, ito ay pagsuway kay Allah.

Ang Paggamit ng Kanang Kamay sa Paglilinis

Ipinagbabawal ang paggamit ng kanang kamay sa paglilinis ng mga pribadong bahagi ng katawan, – istinja man o istijmar. Ang kanang kamay ay ginagamit sa mga malilinis na bagay katulad ng pagkain at inumin. Ito rin ang ginagamit sa pagsubo ng pagkain at pag-inom ayon sa paraan ni Propeta Muhammad ﷺ.

 

Ang Pagharap at Pagtalikod sa Qiblah(1)

Hindi ipinahihintulot ang pagharap at pagtalikod sa Qiblah sa pagbabawas (pagdumi at pag-ihi) na walang harang. Si Propeta Muhammad ﷺ ay nagsabi:

 

 

(إذا أتيتم الغائط، فلا تستقبلوا القبلة، ولا تستدبروها، ولكن شرِّقوا أو غرِّبوا). رواه البخاري ومسلم

Kapag kayo ay dudumi, huwag kayong haharap sa Qiblah, at huwag itong tatalikuran, ngunit pumihit sa kanan o kaliwa.”(2)

 

Subalit kung mayroong harang, katulad ng mga palikuran sa loob ng bahay, mall, palengke, at iba pa, ito ay pinahihintulutan sapagkat naiulat ni 'Abdullah ibn ‘Umar (kalugdan nawa siya ni Allah) sa Sahih Al-Bukhari at Muslim, na kanyang nakita ang Propeta ﷺ sa kanyang tahanan na umiihi habang nakaharap sa Sham at nakatalikod sa Ka’bah(3).(4) Kung ang palikuran sa loob o labas ng tahanan ay nakaharap o nakatalikod sa Qiblah, hindi ito kailangang baguhin upang ipihit mula sa Qiblah. Ang paggamit nito ay ipinahihintulot ayon sa Hadeeth na nabanggit. Gayunpaman, mas mainam na iwasan ang paggawa ng palikuran sa loob o labas ng tahanan na nakaharap o nakatalikod sa Qiblah.

 

Mga Kanais-nais na Gawain sa Paggamit ng Palikuran

  1. Bigkasin ang panalangin bago pumasok sa palikuran, (بسم الله اللهم إني أعوذبك من الخبث والخبائث) “Bismillahi Allahumma inniy a’udhobika minal khobothi wal-khabaa-ith.” "Sa Ngalan ni Allah, O Allah! Ako ay nagpapakupkop sa Iyo mula sa masama at demonyong kalalakihan at kababaihan."
  2. Unahin ang kaliwang paa sa pagpasok sa palikuran.
  3. Bigkasin ang panalangin sa paglabas mula sa palikuran, (غفرانك) “Ghufranak.” “O Allah! Hiling ko ang Iyong kapatawaran.”
  4. Unahin ang kanang paa sa paglabas mula sa palikuran.
  5. Huwag itaas ang kasuotan (o ibaba ang pantalon) hangga’t hindi pa nakakaupo.
  6. Magtungo sa lugar na malayo sa paningin ng tao.
  7. Maghugas ng kamay pagkatapos gumamit ng palikuran. Kung walang sabon, maaaring linisin ang mga kamay sa pamamagitan ng pagkuskos ng mga ito sa lupa o buhangin.

 

____________________

(1) Qiblah: Direksyon kung saan humaharap ang mga Muslim sa tuwing magsasagawa ng salah, ito ang kinaroroonan ng

      Ka’bah.

(2) Inulat ni Al-Bukhari (Hadeeth 144), at Muslim (Hadeeth 264)

(3) Ka'bah: Ito ay itinatag ni Propeta Abraham at ng kanyang anak na si Propeta Ismael (Sumakanila nawa ang kapayapaan) sa

      Makkah sa kapahintulutan ni Allah bilang pook sambahan ng mga mananampalataya.

(4) Inulat ni Al-Bukhari (Hadeeth 148), at Muslim (Hadeeth 266)

 

Mga Ipinagbabawal na Gawain sa Pagbabawas

  1. Ang paggamit ng kanang kamay sa paghugas at paghawak sa ari.
  2. Ang pagdumi o pag-ihi sa tubig na hindi dumadaloy.
  3. Ang pagdumi o pag-ihi sa mga lugar na karaniwang ginagamit ng mga tao kagaya ng daanan, tagpuang lugar at lugar na may lilim na madalas silungan ng mga tao.
  4. Ang pagdumi o pag-ihi sa pagitan ng mga puntod (o libingan) ng mga Muslim.
  5. Ang pagdumi o pag-ihi na nakaharap o nakatalikod sa Qiblah na walang harang.
  6. Ang pagdadala ng Qur'an sa loob ng palikuran.

 

Mga Hindi Kanais-nais na Gawain sa Pagbabawas

  1. Ang pag-ihi sa mga butas na lupa.
  2. Ang pagsalungat sa hangin sa pagdumi o pag-ihi, sapagkat, maaaring bumalik o tumalsik ang dumi o ihi sa damit o katawan.
  3. Ang pagsasalita sa loob ng palikuran. Magsalita lamang kung kinakailangan.
  4. Ang pag-ihi na nakatayo sapagkat maaaring tumalsik ang ihi sa damit o katawan.
  5. Ang pagdadala sa loob ng palikuran ng anumang bagay na may nakasulat na pangalan ni Allah, maliban lamang kung nangangambang ito ay mawawala kapag iniwan sa labas.

Puna hinggil sa Paksang tinalakay:

 

  • Hindi ipinahihintulot na ilagay sa alinmang bulsa ng pantalon ang mus-haf(1) bilang paggalang sa Salita ni Allah. Maaari itong ilagay sa bulsa ng damit malapit sa dibdib.

 

 

 

Search Videos

Ang lahat po ng larawan na naitala o makikita dito ay kabahagi lamang ng mga ibat ibang programa o activities ng aming Islamic Dawah Center.

 

Go to top