Ang Paggamit ng Siwak at ang Sunan Al-Fitrah(2)

 

Siwak – Ito ang paggamit ng ‘Ood Araak (isang uri ng kahoy) at iba pa sa paglilinis ng ngipin at gilagid; upang matanggal ang anumang pagkain na nakasingit sa mga ngipin, at matanggal ang hindi kanais-nais na amoy ng bibig. Ang paglilinis ng ngipin sa pamamagitan ng siwak ay kanais-nais sa lahat ng oras maging sa mga araw ng pag-aayuno. Si Propeta Muhammad ﷺ ay nagsabi:

 (السواك مطهرة للفم مرضاة للرب). رواه البخاري و أحمد والنسائي وصححه الألباني

Ang siwak ay panlinis ng bibig na kalugud-lugod sa Panginoon.”(3)

 

            Siya ﷺ rin ay nagsabi:

(لو لا أن أشق على أمتي لأمرتهم بالسواك عند كل صلاة). رواه البخاري ومسلم

Kung hindi lamang magiging mahirap para sa aking ummah, tiyak na aking ipag-uutos sa kanila ang paggamit ng siwak sa bawat salah.”(4)

____________________

(1) Mus-haf: Ito ang Qur'an.

(2) Sunan Al-Fitrah: Likas na mga tradisyon (o mga paglilinis na ipinag-utos ni Allah sa Kanyang mga Propeta na dapat isagawa

      ng bawat Muslim).

(3) Inulat ni Al-Bukhari (2/40), Ahmad (6/47), at An-Nasai (1/10), ayon kay Sheikh Al-Bani ang Hadeeth na ito ay sahih.

(4) Inulat ni Al-Bukhari (Hadeeth 887), at Muslim (Hadeeth 252)

            Ipinahihintulot ang paggamit ng kanan o kaliwang kamay sa paglilinis ng ngipin sa pamamagitan ng siwak. Ang paggamit ng siwak ay hindi lamang bukod-tangi sa paggamit ng kanang kamay o kaliwang kamay. Ang sunnah(1) ay ang pagsisimula sa kanang bahagi ng ngipin. Ang paggamit ng siwak ay mainam sa tuwing magsasagawa ng wudhu, magbabasa ng Qur’an, magsasagawa ng salah, papasok sa masjid at bahay, matutulog, at sa tuwing nagbabago ang amoy ng bibig.

Ang Sunan Al-Fitrah

            Si Propeta Muhammad ﷺ ay nagsabi:

 

 

(خمس من الفطرة: الاستحداد والختان وقص الشارب ونتف الإبط وتقليم الأظافر). رواه البخاري ومسلم

“Lima mula sa fitrah: pag-ahit ng buhok sa paligid ng ari, pagpapatuli(2), paggupit ng bigote, pagbunot o pag-ahit ng buhok sa kilikili, pagputol ng koko.”(3)

 

         Siya ﷺ rin ay nagsabi:

 

 

)عشر من الفطرة: قص الشارب، وإعفاء اللحية، والسواك، واستنشاق الماء، وقص الأظفار، وغسل البراجم، ونتف الإبط، وحلق العانة، وانتقاص الماء) يعني الاستنجاء. قال مصعب بن شيبة – أحد رواة الحديث - : (ونسيت العاشرة, إلا أن تكون المضمضة). رواه مسلم

Sampu mula sa fitrah: paggupit ng bigote, pagpapanatili ng balbas, siwak, pagsinghot ng tubig, pagputol ng koko, paghuhugas ng mga buko ng daliri, pagbunot o pag-ahit ng buhok sa kilikili, pag-ahit ng buhok sa paligid ng ari, paghuhugas ng ari pagkatapos umihi o dumumi) ibig sabihin ay istinja. Ang sabi ni Mus’ab ibn Shaibah – isa sa mga nag-ulat ng Hadeeth - : (at nakalimutan ko ang pang-sampu, ngunit, maaaring pagmumog ng tubig).(4)

 

Search Videos

Ang lahat po ng larawan na naitala o makikita dito ay kabahagi lamang ng mga ibat ibang programa o activities ng aming Islamic Dawah Center.

 

Go to top