PAGPAHID NG TUBIG SA MEDYAS SAPATOS BENDA ,IMAMAH AT IBA PA 

Nagkakaisa ang Ahlussunah waljama’ah sa pagpahid ng tubig sa ibabaw ng medyas. Ito ay pinahintulutan ni Allah bilang pagpapagaan para sa Kanyang mga alipin. Ito ay isinagawa ni Propeta Muhammad ﷺ at ng kanyang mga Sahabah [Kasamahan (kalugdan nawa sila ni Allah)]. Naiulat ni Jarir ibn ‘Abdullah (kalugdan nawa siya ni Allah) na kanyang sinabi:

 

(رأيت رسول الله ﷺ بال ثم توضأ ومسح على خفيه). رواه البخاري ومسلم

“Nakita ko ang sugo ni Allah na umihi at pagkatapos ay nagsagawa ng wudhu, at kanyang pinahiran ng tubig ang kanyang dalawang medyas.”(2)

 

Mga Kondisyon ng Pagpahid ng Tubig sa Medyas

  1. Nakapagsagawa ng wudhu bago isuot ang medyas.
  2. Natatakpan ng medyas ang paa hanggang bukong-bukong.
  3. Ang medyas ay hindi mula sa pagnanakaw.
  4. Ang medyas ay hindi gawa mula sa balat na haram (o silk para sa mga kalalakihan).
  5. Hindi lalagpas sa hangganan ng oras ng pagpahid: tatlong araw at gabi (72 oras) para sa naglalakbay, at isang araw at gabi naman (24 oras) para sa hindi naglalakbay.

 

Mga Nagpapawalang-Bisa sa Pagpahid ng Tubig sa Medyas

  1. Kapag hinubad ang isa sa mga ito.
  2. Kapag nangyari ang Hadath Akbar [malaking karumihan (dapat maligo)].
  3. Kapag lumitaw ang ilang bahagi ng paa (bumaba ang medyas sa bukong-bukong).
  4. Kapag lumagpas sa hangganan ng takdang oras nito.

Mga Puna hinggil sa Paksang tinalakay:

 

  • Nagsisimula ang oras ng pagpahid ng tubig sa medyas sa unang pagpahid nito, -- ito ang pinakatumpak na opinyon ng mga ulama.
  • Ang pagpahid ng tubig sa medyas ay isang beses lamang sa ibabaw nito. Sinabi ni ‘Ali ibn Abi Talib (kalugdan nawa siya ni Allah):

 

(لو كان الدين بالرأي لكان أسفل الخف أولى بالمسح من أعلاه، وقد رأيت النبي ﷺ يمسح على ظاهر خفه).

رواه أبو داود والبيهقي

"Kung ang Islam ay ayon sa opinyon, tiyak na ang ilalim ng medyas ang dapat pahiran ng tubig kaysa sa ibabaw nito. Katotohanan, nakita ko ang Propeta na kanyang pinahiran ng tubig ang ibabaw ng kanyang medyas.”(3)

____________________

(1) 'Imamah: Ito ay tela na isinusuot sa ulo ayon sa pamamaraan ni Propeta Muhammad ﷺ.

(2) Inulat ni Al-Bukhari (Hadeeth 203), at Muslim (Hadeeth 272)

(3) Inulat ni Abu Dawud (Hadeeth 162), at Al-Baihaqi (1/292), ayon kay Al-Hafidh ibn Hajar ang Hadeeth na ito ay sahih.

 

Search Videos

Ang lahat po ng larawan na naitala o makikita dito ay kabahagi lamang ng mga ibat ibang programa o activities ng aming Islamic Dawah Center.

 

Go to top