GHUSL 

GhuslIto ang natatanging pamamaraan ng pagligo o paglilinis ng buong katawan sa

pamamagitan ng tubig, sa layuning pagsamba kay Allah.

Ang pagsasagawa ng ghusl ay obligado kapag naganap ang isa sa mga kadahilanan ng pagiging obligado nito.

Mga halimbawa kung kailan nagiging obligado ang ghusl:

  1. Paglabas ng Maniy(1) (Halimbawa, pakikipagtalik sa asawa)
  2. Pagpasok ng “Hashafah”(2) o bahagi nito sa ari ng babae.
  3. Pagpasok sa Islam ng hindi Muslim (o ng taong tumalikod sa Islam).
  4. Paglipas ng haydh at nifas (para sa mga kababaihan).
  5. Pagkamatay ng tao (obligado na paliguan ang kanyang bangkay).

 

Mga Halimbawa kung kailan nagiging kanais-nais ang ghusl:

  1. Sa tuwing makikipagtalik.
  2. Sa araw ng Jumu’ah (Biyernes).(3)
  3. Sa araw ng ‘Eid(4) (‘Eidul-Ad-ha at ‘Eidul-Fitr)
  4. Sa pagsuot ng ihram(5) (sa pagsasagawa ng ‘umrah(6) at hajj(7)).
  5. Pagkatapos magpaligo ng patay.

 

Ang Pamamaraan ng Pagsasagawa ng Ghusl

Ito ay may dalawang pamamaraan:

  1. Pamamaraang Ganap at Kanais-nais – Ito ang pagsasagawa ng obligado at kanais-nais sa pagligo. Ang pagsasagawa nito:

Una, isapuso ang layunin. Pangalawa, bigkasin ang "Bismillah" at hugasan ang dalawang kamay ng tatlong beses. Pangatlo, hugasan ang ari sa pamamagitan ng kaliwang kamay. Pang-apat, magsagawa ng kumpletong wudhu. Panglima, kuskusin ng tubig ang ulo (una sa kanang bahagi) hanggang mabasa ang anit nito. Pang-anim, buhusan ng tubig ang buong katawan (una sa kanang bahagi).

 

____________________

(1) Maniy: Punlay o Semilya. Ito ay puting likido na malapot na lumalabas na pabulwak sanhi ng kainitan ng pagnanasa o kasiyahan.

(2) Hashafah: Ito ang ulo ng ari ng lalaki.

(3) Ayon kay Shiekh Muhammad ibn Salih Al-‘Uthaimeen ang pagligo sa araw ng Jumu’ah ay wajib (tingnan sa Silsilato Fatawa Nuron ‘alad-Darb p. 377).

(4) 'Eid: Piyesta sa Islam

(5) Ihram: Dalawang puting balabal na isinusuot sa pagsasagawa ng hajj at ‘umrah sa Makkah.

(6) 'Umrah: Natatanging pagsamba na isinasagawa sa Makkah sa kahit anong oras, araw o buwan. Ito ay binubuo ng tatlong haligi: pagsusuot ng ihram, pagsasagawa ng tawaf sa Ka’bah, at pagsasagawa ng sa’i.

(7) Hajj: Natatanging pagsamba na isinasagawa sa Makkah sa panahon ng Hajj isang beses sa buhay ng isang Muslim.

  1. Pamamaraang Bahagi lamang – Ito ang pagsasagawa ng obligado lamang sa pagligo.

Ang pagsasagawa nito: Una, isapuso ang layunin. Pangalawa, bigkasin ang "Bismillah" at hugasan ang dalawang kamay nang dalawa o tatlong beses. Pangatlo, magmumog. Pang-apat, magsinghot ng tubig. Panglima, hugasan ang mukha at braso. Pang-anim, buhusan ng tubig ang ulo, at ang buong katawan.(1)

 

Mga Gawaing Ipinagbabawal sa Taong Junub

  1. Ang pagsasagawa ng salah.
  2. Ang pagsasagawa ng tawaf.
  3. Ang pagbabasa ng Qur'an.(2)
  4. Ang paghawak sa Mus-haf.
  5. Ang pananatili sa loob ng masjid.

 

 

Search Videos

Ang lahat po ng larawan na naitala o makikita dito ay kabahagi lamang ng mga ibat ibang programa o activities ng aming Islamic Dawah Center.

 

Go to top