Tayammum – Ito ang natatanging paraan ng pagpahid ng mukha at dalawang kamay gamit ang malinis na lupa (o buhangin) sa layuning pagsamba kay Allah.
Nagkakaisa ang mga Islamikong pantas (ulama) hinggil sa kapahintulutan ng pagsasagawa ng tayammum bilang kapalit ng tubig (sa panahon na walang tubig). Ito ay ipinahintulot ni Allah sa ummah(3) ni Propeta Muhammad ﷺ bilang pagpapagaan para sa kanila. Si Allah ay nagsabi:
(وَإِنْ كُنْتُمْ مَرْضَى أَوْ عَلَى سَفَرٍ أَوْ جَاءَ أَحَدٌ مِنْكُمْ مِنَ الْغَائِطِ أَوْ لَامَسْتُمُ النِّسَاءَ فَلَمْ تَجِدُوا مَاءً فَتَيَمَّمُوا صَعِيدًا طَيِّبًا فَامْسَحُوا بِوُجُوهِكُمْ وَأَيْدِيكُمْ مِنْهُ) سورة المائدة: 6
"At kung kayo ay maysakit o di kaya’y nasa paglalakbay at nasa kalusugan naman kayo, o di kaya’y nagbawas kayo (na ang ibig sabihin ay umihi o dumumi kayo), o di kaya ay nakipagtalik kayo sa inyong asawa; at pagkatapos ay wala kayong makitang tubig, samakatuwid sa ganitong kadahilanan ay magsagawa kayo ng ‘Tayammum’ bilang panghalili – ang malumanay na paghahampas o pagdadampi ng inyong mga palad sa lupa at pagkatapos ay ipapahid sa inyong mga mukha at mga kamay."(4)
Mga Kondisyon ng Pagsasagawa ng Tayammum
- Ang Niyyah o intensyon
- Ang Islam (pagiging Muslim)
- Matinong Pag-iisip
- Wastong Edad
- Malinis na lupa (o buhangin)
- Sapat na dahilan sa hindi paggamit ng tubig (walang kakayahan sa paggamit ng tubig)
____________________
(1) Inulat ni Al-Bukhari (Hadeeth 249), at Muslim (Hadeeth 318)
(2) Ipinagbabawal sa taong junub ang pagbabasa ng Qur’an kahit sa kanyang mga sauladong talata mula sa Qur'an.
(3) Ummah: Pamayanan o nasyon
(4) Surah Al-Maidah, Ayah 6
Mga Nagpapawalang-Bisa sa Tayammum
- Ang lahat ng mga nakasisira o nagpapawalang-bisa sa wudhu ay gayundin namang nagpapawalang-bisa sa tayammum.
- Ang pagkakaroon ng sapat na tubig.
- Ang pagkakaroon ng kakayahan sa paggamit ng tubig (halimbawa, paggaling mula sa sakit).
Ang Pamamaraan ng Pagsasagawa ng Tayammum
- Ang niyyah o intensyon.
- Bigkasin ang "Bismillah."
- Ihampas o idikit ang magkabilang palad sa lupa o buhangin nang isang beses, at pagkatapos ay ihipan o itaktak.
- Ipahid sa mukha nang isang beses.
- Ipahid sa magkabilang kamay hanggang pulso nang isang beses, una ang kanan bago ang kaliwa.
Mga Puna hinggil sa Paksang tinalakay:
- Ipinahihintulot ang pagsasagawa ng tayammum sa mga dingding, mesa, upuan, salamin ng sasakyan, at iba pang bagay na maaaring dikitan ng alikabok.
- Ang hatol ng tayammum ay katulad ng tubig. Ang isang beses na tayammum ay sapat sa pagsasagawa ng dalawa o ilang beses na salah hangga't hindi ito nawawalan ng bisa.
- Ipinahihintulot ang pagsasagawa ng tayammum sa mga sumusunod na kadahilanan:
- Walang matagpuang tubig.
- Ang paggamit ng tubig ay makasasama sa maysakit.
- Sobrang lamig ng tubig na maaaring magdulot ng sakit, at walang paraan upang mapainitan ito.
- Ang pagkuha ng tubig ay magdudulot ng kapahamakan o panganib sa buhay o ari-arian ng isang tao.
- Limitado lamang ang dami ng tubig na gagamitin sa pag-inom, pagluluto o sa pagtanggal ng dumi sa katawan.