ANG NAJASAH  AT ANG PARAAN NG PAGLINIS 

Najasah – Ito ay salitang Arabe na ang literal na kahulugan ay karumihan. Ito ang mga bagay na marumi na dapat iwasan ng Muslim, sapagkat ang kalinisan ay kabilang sa mga kondisyon ng salah upang ito ay maging katanggap-tanggap kay Allah.

 

  • Dalawang uri ng Najasah:
    1. Najasah ‘Ayniyyah (o Najasah Haqiqiyyah)

Ito ang uri ng karumihan na hindi nalilinis sapagkat ang orihin nito ay marumi, katulad ng aso at baboy.

  1. Najasah Hukmiyyah

Ito ang uri ng karumihan na maaaring linisin sapagkat ang orihin nito ay malinis, katulad ng damit kapag ito ay nakapitan ng dumi. Ito ay may tatlong uri:

  1. Najasah Mughalladhah, katulad ng dumi ng aso.
  2. Najasah Mukhaffafah, katulad ng ihi ng sanggol(1) na hindi pa marunong kumain ng pagkain.
  3. Najasah Mutawassitah, katulad ng ihi, dumi, patay na hayop at iba pa.

Mga Maduduming Bagay na Dapat Iwasan ng Muslim

  1. Ang dumi, ihi at suka ng tao maliban sa ihi ng sanggol na hindi pa marunong kumain ng pagkain.
  2. Ang pagdanak ng maraming dugo, maging ito ay mula sa halal na hayop.
  3. Ang dumi at ihi ng hayop na hindi ipinahihintulot kainin.
  4. Ang maytah (patay na hayop na hindi kinatay)
  5. Ang madhiy(2)
  6. Ang wadiy(3)
  7. Ang dugong haydh (regla).

Mga Pamamaraan ng Paglinis sa Najasah

  1. Kapag ang dumi ay nasa ibabaw ng lupa, buhusan lamang ito ng tubig ng isang beses. Kung walang tubig ay maaari itong tabunan ng lupa o di-kaya’y baliktarin ang lupa na kinalalagyan nito.
  2. Kapag ang dumi ay nasa ibang bagay katulad ng damit, kuskusin ito hanggang matanggal ang dumi; kapag nasa lalagyanan ng pagkain o tubig, hugasan ito hanggang matanggal ang dumi. Kapag ang damit o lalagyanan ng pagkain o tubig ay dinilaan ng aso, hugasan ito ng pitong beses, una sa lahat ay sa pamamagitan ng lupa.

____________________

(1) Kapag kumapit sa damit ang ihi ng lalaking sanggol na hindi pa marunong kumain ng pagkain ay wiwisikan lamang ng tubig ang bahagi ng damit na kinapitan nito. Ngunit ang ihi ng babaing sanggol na kumapit sa damit ay dapat kuskusin ng tubig.

(2) Madhiy: Ito ay malapot na semilyang lumalabas mula sa ari sanhi ng paglalaro at imahinasyon.

(3) Wadiy: Patak ng semilya na lumalabas pagkatapos umihi.

  1. Kapag ang dumi ay hindi makita o mahanap kung saang bahagi ng damit, labahan ang buong damit. Kapag isa sa tatlong damit (o higit pa) ay mayroong dumi subalit hindi tiyak kung alin sa tatlo ang kinapitan ng dumi, labahan ang tatlong damit.
  2. Kapag ang damit ay kinapitan ng dugo, kuskusin ito sa abot ng kakayahan hanggang matanggal ang dugo; ngunit anuman ang manatili sa damit na hindi matanggal ay maituturing na malinis.
  3. Ang najasah ng baboy, kapag dinilaan nito ang anumang bagay, hugasan lamang din ito ng isang beses; hindi kondisyon na hugasan ng pitong beses.

 

Search Videos

Ang lahat po ng larawan na naitala o makikita dito ay kabahagi lamang ng mga ibat ibang programa o activities ng aming Islamic Dawah Center.

 

Go to top