ANG HAYDH AT NIFAS 

Haydh – Pangkaraniwang dugo na lumalabas mula sa ari ng babae na walang dahilan, sa panahon ng kanyang kalusugan at hindi nang panganganak.

 

Nifas – Dugong lumalabas mula sa ari ng babae sanhi ng panganganak o bago manganak.

 

            Ang haydh ay walang tiyak na edad kung kailan nagsisimula at sa anong edad ito nagtatapos. Kapag ang babae ay dinatnan ng haydh, siya ay obligadong sumunod sa batas na itinakda ni Allah hinggil sa pagkakaroon ng haydh, maging siya man ay hindi pa umabot sa edad na siyam o lagpas sa edad na limampu. Si Allah ay nagsabi:

 

(وَيَسْأَلُونَكَ عَنِ الْمَحِيضِ قُلْ هُوَ أَذًى فَاعْتَزِلُوا النِّسَاءَ فِي الْمَحِيضِ وَلَا تَقْرَبُوهُنَّ حَتَّىٰ يَطْهُرْنَ فَإِذَا تَطَهَّرْنَ فَأْتُوهُنَّ مِنْ حَيْثُ أَمَرَكُمُ اللَّهُ  إِنَّ اللَّهَ يُحِبُّ التَّوَّابِينَ وَيُحِبُّ الْمُتَطَهِّرِينَ ) سورة البقرة: 222

"At tinatanong ka nila, (O Muhammad ), hinggil sa ‘Haydh’ – likas na dugo na lumalabas sa mga kababaihan sa takdang panahon (buwanang dalaw o regla ng kababaihan), – sabihin mo sa kanila, “Ito ay nakasisira sa sinumang lalapit dito at marumi para sa inyo. Kaya’t iwasan ninyo ang makipagtalik sa inyong mga asawa habang sila ay nasa gayong kalagayan hanggang sa tumigil ang kanilang buwanang dalaw (regla). Kapag natigil na ang kanilang buwanang dalaw at nakapaligo na sila, ay makipagtalik na kayo sa kanila sa bahagi na ipinahintulot ni Allâh sa inyo.  Ito ay sa harapan na pribadong bahagi at hindi sa likuran. Si Allâh, samakatuwid, ay nagmamahal sa Kanyang mga alipin, na palaging humihingi ng kanilang kapatawaran at pagsisisi, at nagmamahal sa Kanyang mga aliping malilinis, na lumalayo sa lahat ng mga kahalayan at karumihan."(1)

 

Ang haydh ay kabilang sa mga bagay na itinakda ni Allah sa pagkakalikha sa mga kababaihan. Si Propeta Muhammad ﷺ ay nagsabi:

 

(إن هذا أمر كتبه الله على بنات آدم). رواه البخاري

Katotohanan, ito ay isang bagay na itinakda ni Allah sa mga anak na babae ni Adam.”(2)

____________________

(1) Surah Al-Baqarah, Ayah 222

(2) Inulat ni Al-Bukhari (Hadeeth 299, 310, 311, 313, 1446, 1481, 1606)

Mga Gawaing Ipinagbabawal sa Panahon ng Haydh at Nifas

  1. Ang pakikipagtalik.
  2. Ang talaq (deborsyo o pakikipaghiwalay ng lalaki sa kanyang asawa).
  3. Ang pagsasagawa ng salah.
  4. Ang pag-aayuno.
  5. Ang pagsasagawa ng tawaf.
  6. Ang paghawak sa Mus-haf.
  7. Ang pagbabasa ng Qur’an.
  8. Ang pagpasok sa masjid at pananatili sa loob nito.

Mga Puna hinggil sa Paksang tinalakay:

 

  • Kapag lumipas na ang haydh o nifas, obligado sa babae na maligo at magsagawa ng salah. Hindi niya kailangang bayaran ang mga nakaligtaan niyang salah sa panahon ng kanyang haydh o nifas. Subalit kailangan niyang bayaran ang mga araw ng pag-aayuno na kanyang nakaligtaan sa buwan ng Ramadhan.
  • Ang pinakamahaba at pinakamaiksing panahon na itinatagal ng haydh ay bumabalik sa nakaugalian o nakasanayan; subalit ang madalas ay tumatagal hanggang anim o pitong araw.
  • Hindi ipinahihintulot sa babae ang pakikipagtalik sa kanyang asawa sa panahon ng kanyang haydh sapagkat ang dugo na lumalabas mula sa kanyang ari ay marumi na maaaring magdulot ng sakit sa lalaki. Subalit ipinahihintulot ang pakikipagtalik kung hindi sa pamamagitan ng kanyang ari.
  • Ipinahihintulot sa babaeng may haydh o nifas ang pagbabasa ng kanyang mga sauladong talata mula sa Qur'an kung kinakailangan, kagaya ng pagtuturo at iba pa.

 

Search Videos

Ang lahat po ng larawan na naitala o makikita dito ay kabahagi lamang ng mga ibat ibang programa o activities ng aming Islamic Dawah Center.

 

Go to top