SALATOL EIDAYN
Salatol-‘Eidayn – Ito ang pagsasagawa ng dalawang rak’ah na salah na sinusundan ng khutbah(3) sa mga araw ng piyesta sa Islam: ang ‘Eidul-Fitr(4) at ‘Eidul-Adh-ha(5). (“Salatol-‘Eid” ang bansag kapag isa o alinman sa mga ito ang tinutukoy.)
Ang dalawang ‘Eid (Piyesta) na ito ay fardhu kifayah(6). Ito ay taunang isinasagawa ng Propeta ﷺ kasama ng kanyang mga sahabah (kalugdan nawa sila ni Allah). Ipinag-utos din ng Propeta ﷺ ang mga ito sa mga kababaihan bilang tanda ng kahalagahan ng mga araw na ito.
Mga Kondisyon ng Pagsasagawa ng Salatol-‘Eid
- Ang agpasok ng tamang oras nito.
- Sapat na bilang ng mga magsasagawa nito.
- Ang mga magsasagawa nito ay dapat mga nakatira sa lugar (hindi mga manlalakbay).
Ang Lugar na Pagdadausan ng Salatol-‘Eid
Kanais-nais at mas mainam ang pagdiriwang ng salatol-‘eid sa isang malawak at malinis na lugar sa labas ng masjid(7). Isa sa mga layunin nito ay upang makita ng madla ang pagdiriwang na ito. Subalit maaari itong isagawa sa loob ng isang malaking masjid higit lalo kapag mayroong ulan o malakas na hangin.
Ang Oras ng Pagsasagawa ng Salatol-‘Eid
Katulad ng pagsisimula ng oras ng salatodh-dhuha, ang oras ng salatol-‘eid ay nagsisimula sa pagtaas ng araw pagkatapos sumikat na ang sukat ay tulad ng isang dipa ng sibat. Ang sunnah sa pagsasagawa ng salah sa ‘Eidul-Adh-ha ay sa unang pagpasok ng oras nito, sapagkat ang mga tao ay magiging abala sa pagkatay ng kani-kanilang alay na hayop. Samantalang ang sunnah sa pagsasagawa ng salah sa ‘Eidul-Fitr ay ang pag-aantala nito upang magkaroon ng pagkakataon na makapagbigay ng zakatol-fitr ang sinumang hindi pa nakapagbibigay nito.
____________________
(1) Tingnan sa pahina 27.
(2) Inulat ni Al-Bukhari (Hadeeth 937) at Muslim (Hadeeth 881 at 882)
(3) Inulat ni Al-Bukhari (Hadeeth 963), at Muslim (Hadeeth 888)
(4) ‘Eidul Fitr: Ito ay isinasagawa pagkatapos ng pag-aayuno sa buwan ng Ramadhan.
(5) ‘Eidul Adh-ha: Ito ay isinasagawa sa ika-sampung araw ng Hajj.
(6) Fardhu kifayah: Obligado lamang sa iilan. Hindi magiging obligado sa iba kung mayroong nagsasagawa nito. Ngunit kapag walang nagsagawa nito, magiging makasalanan ang lahat ng Muslim sa lugar na iyon.
(7) Inulat ni Al-Bukhari (Hadeeth 956), at Muslim (Hadeeth 889)
Mga Kanais-nais na Gawain sa Pagsasagawa ng Salatol-‘Eid
- Ang pagsasagawa nito sa isang malawak at malinis na lugar sa labas ng masjid.
- Ang pagsasagawa ng salah sa ‘Eidul-Adh-ha nang maaga, at ang pag-aantala sa pagsasagawa ng salah sa ‘Eidul-Fitr.
- Ang pagkain ng datiles bago lumabas sa bahay tungo sa salah sa ‘Edul-Fitr. Samantalang sa ‘Eidul-Adh-ha, ang sunnah ay unahin ang salah bago kumain.
- Ang pagiging maagap sa pagtungo sa lugar na pagdadausan ng salatol-‘eid.
- Ang paglilinis ng katawan, pagsusuot ng pinakamainam na damit, at pagpapabango. Subalit ipinagbabawal sa mga kababaihan ang pagpapabango at pagsusuot ng anumang kasuotan na maaaring magdulot ng fitnah (tukso) sa mga kalalakihan.
- Ang pangkalahatang paksa ng khutbah.
- Ang pagpaparami ng mga pag-aalaala at pagpupuri kay Allah. Sunnah para sa mga kalalakihan ang malakas na boses sa pagtakbeer.
- Ang pagtahak sa ibang daanan sa pag-uwi sa bahay. Ito ang pamamaraan ni Propeta Muhammad ﷺ pagkatapos ng salatol-‘eid pabalik sa kanyang tahanan. Ayon sa mga pantas sa Islam, isa sa mga kadahilanan nito ay upang maging saksi ang dalawang daanang ito para sa kanya.
Ang Pamamaraan ng Pagsasagawa ng Salatol-‘Eid
- Humarap sa Qiblah at mag-intensyon.
- Bigkasin ang takbeeratul-ihram: “Allahu Akbar” habang itinataas ang mga kamay sa magkabilang balikat o higit pa na ang mga palad ay nakaharap sa Qiblah.
- Ilagay ang mga kamay sa dibdib na ang kanang kamay ay nasa ibabaw ng kaliwang kamay.
- Bigkasin ang pambungad na Du’a: “Subhanakallahumma wa bihamdik, wa tabarakasmuka wa ta’ala jadduka wa laa ilaaha ghayruk”.
- Muling bigkasin ang takbeer “Allahu Akbar” habang itinataas ang mga kamay sa magkabilang balikat o higit pa na ang mga palad ay nakaharap sa Qiblah nang pito o anim na beses.(1)
- Bigkasin ang pagpapakupkop kay Allah mula sa isinumpang si Satanas: “A’oodhobillahi minash-shaytaanir Rajeem”.
- Basahin ang Surah Al-Fatihah nang malakas.
- Basahin ang Surah Al-A’laa pagkatapos ng Surah Al-Fatihah sa unang rak’ah, at Surah Al-Ghashiyah sa pangalawang rak’ah.
- Sa pangalawang rak’ah, bigkasin ang takbeer “Allahu Akbar” habang itinataas ang mga kamay sa magkabilang balikat o higit pa na ang mga palad ay nakaharap sa Qiblah nang limang beses.(2)
- Isagawa ang pangalawang rak’ah hanggang matapos ito sa pamamagitan ng tasleem.
- Magbigay ng khutbah pagkatapos ng dalawang rak’ah na salah na katulad ng pamamaraan ng pagbibigay ng khutbah sa araw ng Jumu’ah.(3)
____________________
(1) (2) Sunnah sa bawat takbeer ang taimtim na pagbigkas ng "Allahu Akbaru kabeera, walhamdulillahi katheera, wa subhanallahi bukratan wa aseela, wa sallallahu 'alaa Muhammad wa 'alaa aalihi wa sallama tasleeman katheera."
(3) Al-Mughni (2/232-233)
Puna hinggil sa Paksang tinalakay:
- Kapag ang salatol-‘eid ay tumama sa araw ng jumu’ah, ang mga nakapagsagawa ng salatol-‘eid ay magsasagawa ng salatodh-dhur sa oras nito, subalit mas mainam na sila ay dumalo sa salatol-jumu’ah kung kanilang nanaisin. Ang salatol-jumu’ah ay obligado sa mga hindi nakapagsagawa ng salatol-‘eid kapag umabot ang kanilang bilang sa jama’ah.