SALATOL KUSOOF

Salatol-Kusoof – Ito rin ay tinatawag na “Salatol-Khusoof”. Ito ang hindi karaniwang paglalaho ng liwanag ng isa sa dalawa – araw at buwan.

 

Ang araw at buwan ay ilan lamang sa mga nilikha ni Allah na kabilang sa Kanyang mga tanda. Hindi dapat sambahin o dakilain ang mga ito. Si Allah ay nagsabi:

 

(وَمِنْ آيَاتِهِ اللَّيْلُ وَالنَّهَارُ وَالشَّمْسُ وَالْقَمَرُ لَا تَسْجُدُوا لِلشَّمْسِ وَلَا لِلْقَمَرِ وَاسْجُدُوا لِلَّهِ الَّذِي خَلَقَهُنَّ إِنْ كُنْتُمْ إِيَّاهُ تَعْبُدُونَ) سورة فصلت: 37

"At kabilang sa mga katibayan ni Allâh sa Kanyang nilikha at mga palatandaan ng Kanyang Kaisahan at ang ganap na Kanyang kapangyarihan ay ang pagkakaiba ng gabi at araw at ang pagpapalit-palitan nito, at gayundin ang pagkakaiba ng araw sa buwan at ang pagpapalit-palitan nito, at ang lahat ng mga ito ay nasa ilalim ng Kanyang pangangasiwa at pangunguntrol. Huwag kayong magpatirapa sa araw at sa buwan – dahil ang dalawang ito ay pinangangasiwaan lamang at nilikha, bagkus ay magpatirapa kayo kay Allâh na lumikha ng mga ito, kung kayo ay tunay na sumasamba sa Kanya na Bukod-Tangi na walang katambal."(1)

 

Si Propeta Muhammad ﷺ ay nagsabi:

 

(إنّ الشمس والقمر آيتان من آيات الله لا ينكسفان لموت أحد ولا لحياته، وإنما يخوّف الله بهما عباده). رواه البخاري ومسلم

“Katotohanan, ang araw at buwan ay dalawang tanda mula sa mga tanda ni Allah, hindi naglalaho ang mga ito nang dahil sa pagkamatay o pagkabuhay ng ninuman sa inyo, bagkus, ginagamit ni Allah ang mga ito upang takutin (magbalik-loob sa Kanya) ang Kanyang mga alipin.”(2)

 

 

____________________

(1) Surah Fussilat, Ayah 37

(2) Inulat ni Al-Bukhari (Hadeeth 1048 at 1044), at Muslim (Hadeeth 911)

 

Ang Oras ng Pagsasagawa ng Salatol-Kusoof

Nagsisimula ang oras nito sa pagsisimula ng eklips (paglalaho ng liwanag ng araw o buwan) hanggang sa maglaho ito.(1)

 

Ang Pamamaraan ng Pagsasagawa ng Salatol-Kusoof

  • Ito ay binubuo ng dalawang rak’ah.
  1. Sa unang rak’ah, basahin nang malakas ang Surah Al-Fatihah, pagkatapos ay sundan nang mahabang surah mula sa Qur’an.
  2. Yumuko ng matagal, pagkatapos ay muling tumayo at bigkasin ang “Sami’ Allahu liman hamidah” at “Rabbana wa lakalhamd” (Hindi magpapatirapa).
  3. Basahin muli ang Surah Al-Fatihah nang malakas, pagkatapos ay sundan muli nang mahabang surah mula sa Qur’an.
  4. Yumuko nang matagal, pagkatapos ay muling tumayo mula sa pagkakayuko.
  5. Magpatirapa nang matagal nang dalawang beses.
  6. Muling tumayo mula sa pagpapatirapa at isagawa ang pangalawang rak’ah tulad ng unang rak’ah.
  7. Tashah-hud   Tasleem

 

Search Videos

Ang lahat po ng larawan na naitala o makikita dito ay kabahagi lamang ng mga ibat ibang programa o activities ng aming Islamic Dawah Center.

 

Go to top