Ang Saligan ng Batas Islamiko


Usool al-Fiqh: Mga Batayan ng Batas ng Islam

Ang batas Islamiko ay hango sa dalawang pangunahing pinanggalingan ng banal na kapahayagan: ang Qur’an na kumakatawan sa tuwirang (direct) salita ng Diyos sa tao, at ang Sunnah na maaring tawagin na di-tuwirang (in-direct) salita ng Diyos. Tungkol sa mga salita ni Propeta Muhammad, sinabi ng Allah sa Qur’an:   ".....at ang kanyang sinasabi ay hindi nagmula sa kanyang sariling kagustuhan kundi ang Qur’ân at ang ‘Sunnah’ ay walang iba kundi kapahayagan na mula sa Allâh tungo sa Kanyang Propeta na si Muhammad. (Surah an-Najm 53:3-4)



Ang mga batas na nilalaman ng dalawang pinagmumulan na ito ay mga pangunahing batas na hindi nagbabago kahit na sa anong panahon.

Subalit, sa pagunawa at pagsagawa ng mga batas na ito, bumulangkas (evolve)/ sumibol ang mga pumapangalawang pinagmumulan (ng batas). Ang pinakamahalaga sa mga ito sa pag-aaral ng Usool al Fiqh ay ang Ijmaa’, pagkakaisa ng pasya, at ang Qiyas, paghulo ng rulings sa pamamagitan ng pagkumpara (deduction of rulings by comparison).

Pamamaraan

Kung ibig natin malaman kung papaano pamamahalaan ang isang bansa, o papaano tayo manghuhukom sa mga kriminal, at pati na rin sa paglutas ng mga hidwaan at sigalutan ng mga tao, at pati ang pagpapatakbo ng ating pamilya, tayo ay dapat sumangguni muna sa Qur’an upang ating malaman kung ano ang sinasabi ng Allah tungkol dito. Kapag tayo ay hindi makahanap ng sapat na kasagutan sa Qur’an, tayo ay tumutungo sa Sunnah upang ating malaman kung ano ang ginawa o sinabi ng Propeta kaugnay sa paksa. Kung hindi pa rin natin makita ang ating hinahanap, tayo ay tutungo sa mga points of law ng kung saan ang mgaSahaba ay nagkasundo. Ang pagkakasundo na ito ay tinatawag na Ijmaa’. Kapag hindi pa rin natin makita kung ano ang ating hinahanap, tayo ay pinahihintulutang gumamit ng ating pangangatwiran upang tayo ay makapagpasya. Nararapat na may support ang pasya na ito mula sa Qur’an, sa Sunnah, o Ijmaa’, at kung ito nga ay may support, ito ay tinatawag na Qiyas.

I. Ang Qur’an

Ang Qur ‘an ay ang salita ni Allah na naipahayag sa Kanyang huling Propeta na ni Muhammad, sa arabic rhyme, na kung saan ang kanyang recitation ay ginagamit sa Salaah at sa ibang uri ng pagsamba at ang kanyang pinakamaliit na kabanata ay mircle in itself.

Milagro ng Qur’an

Hinamon nin Allah ang mga arabo at pati na rin ang lahat ng sangkatauhan, sinasabi Niya sa kanila 2:2. Alam natin lahat na ang pinakamaikling Surah sa loob ng Qur’an ay ang Surah al-Kawthar na naglalaman lamang ng tatlong talata, ngunit sa kabila nito, hindi pa rin makagawa ng isang kagaya nito ang mga arabo sa panahon na naipahayag ang Qur’an: Ang Qur’ân na ito ang dakilang Aklat na katiyakang nagmula sa Allâh, na kung kaya, huwag ninyong pag-alinlanganan ang mga nasa loob nito, na ang tanging makikinabang lamang ng patnubay nito ay ang mga ‘Al-Muttaqûn’ (ang mga may takot sa Allâh) na mga sumusunod sa Kanyang batas. (Al-Baqarah 2:2)


Ang Qur’an ay naglalaman ng syentipikong katotohanan na hindi pa nalalaman sa mga panahon na iyon. Halimbawa, sinabi ni Allah sa sumisikip ang mga dibdib (hirap sa paghinga) ng mga di-nananampalataya na tila bagang sila ay umaakyat sa kalangitan. 6:125. At sinuman ang ninais ng Allâh, na gabayan upang tanggapin ang katotohanan, ay bubuksan Niya ang kalooban nito sa Islâm; at sinuman ang naisin Niya na maligaw ay gagawin Niya ang kalooban nito na sarado at masikip na siya ay mahihirapan sa pagtanggap ng patnubay, na ang katulad niya ay ang isa na umaakyat paitaas, na nagkakaroon ng paninikip sa kanyang paghinga. (Al-An'am 6:125)

Kailan lang na discover ng tao na kapag siya ay maglalakbay pataas ng atmosphere, mas kakaunti ang oxygen. Kaya naman kapag ang tao ay aangat ng may sapat na kataasan, mahihrapan siyang huminga at kanyang mararamdaman na maninikip ang kanyang dibdib dahil kakaunti ang oxygen. Ang Allah ay nagsabi rin sa Qur’an tungkol sa pag-galaw ng araw at buwan, Kanyang sinabi:

At ang Allâh, ang Siyang lumikha ng gabi; upang makapagpahinga ang mga tao, at gayundin ang ‘nahâr’ (buong maghapon); upang sila ay makapaghanap-buhay, at nilikha Niya ang araw (‘shams’ o ‘sun’) bilang tanda ng liwanag ng araw, at nilikha Niya ang buwan bilang tanda ng gabi, at bawa’t isa sa dalawa ay nasa ‘Falak’ (‘orbit’ o ligiran) na di lilihis mula sa kinaroroonan nito. (Al-Anbiya 21:33)

Ilang taon lang ang nakalipas nang malaman ng tao na ang buwan ay naglalakbay paikot ng daigdig in an oribit. Ang araw naman, kanilang inaamin ngayon na ito ay gumagalaw sa loob ng Milky Way Galaxy, na siya rin namang gumagalaw sa kalawakan. Ngunit sa ngayon, hindi pa nila ma determine king ano ang exact pattern ng pag-galaw nito. Mayroong nagsasabi na ito ay diretso at ang iba naman ay nagsasabi na ito ay paikot. Napakaraming syentipikong katotohan nabanggit sa Qur’an na totally unknown 1400 taon na ang lumipas, na nagpapatunay na ito ay maaaring manggaling lamang sa Manlilikha.]

Ginawa ni Allah ang Qur’an na madaling masaulo. Napakadali nito na milyon-milyong mga Muslim na ang nakapagsaulo nito mula nang ito ay nahayag. Ito ay hindi naman kaliitan sa bagong tipan na sinusunod ng mga Kristiyano, ngunit wala man lang sa kanila ang napapagsaulo ng bagong tipan na ating nalalaman.

Pinanatili ni Allah ang Qur’an laban sa anumang pagbabago. Ito ay nanatiling pareho mula nang ito ay naipahayag hanggang sa ngayon. Sa loob ng Qur’an, ang Allah ay nangako nang ito ay naipahayag, na ito ay kanyan protektahan mula sa pagbabago. 9. Walang pag-aalinlangan, Kami ang nagbaba ng Qur’ân kay Propeta Muhammad at walang pag-aalinlangan na Kami rin ang patuloy na mangangalaga nito mula sa pagdaragdag o pagbabawas, o sa anumang kasiraan.(Al-Hijr 15:9). Kapag ang lahat ng pang-relihiyong aklat at masisira, ang tanging aklat na masusulat muli exactl as it is ay ang Qur’an

Mga halimbawa ng batas na makukuha s Qur’an

a. Pagmana (Inheritance)

Kapag namatay ang tao at siya’y nag-iwan ng kayamanan sa kanyang mga anak, ito ay dapat na mabahagi sa kanyang tagapagmana ayon sa some system or patakaran. Ang Qur’an ay nag-bigay ng mga batas sa pagbabahagi ng mana sa kamag-anak ng namatay. Sinabi ni Allah: Pinapayuhan kayo ng Allâh () at inuutusan hinggil sa inyong mga anak, na kapag namatay ang isa sa inyo at naiwan niya ang kanyang mga anak. (An-Nisa 4:11) 

b. Pagnakaw

Gayun din, kapag nahuli ang isang tao na nagnakaw, nabanggit ang kaparasuhan sa ganitong uri ng kirmen sa Qur’an:

Ang nagnakaw na lalaki at nagkanaw na babae, putulin ninyo, O kayong mga namumuno, ang kanilang kamay ayon sa batas bilang parusa sa kanila sa nagawa nilang pagnakaw sa kayamanan ng mga tao na wala silang karapatan, at bilang kaparusahan upang pigilin ng Allâh () sa pamamagitan nito ang iba pa sa kanila na gagawa ng katulad ng kanilang ginawa. Ang Allâh () ang Siyang ‘`Azeez’ – Kataas-Taasan at Punung-Puno ng Karangalan na Ganap na Makapangyarihan sa Kanyang mga Kaharian, na ‘Hakeem’ – Ganap na Maalam sa Kanyang pag-aatas at pagbabawal. (Al-Ma'ida 5:38)

II. Ang Sunnah

Ang sunnah ay kumakatawan sa record ng tunay na kasabihan, gawain, at approvals ng Propeta na naisalaysay ng kanyang Sahabah sa mga sumunod na henerasyon ng mga Muslim at nalikom sa mga aklat ng mga Dalubhasa na sumunod sa kanila. Pagkamatay ng Propeta, naiwan sa mga Sahabah ang pagpapatakbo ng Islamic State hango sa mga principles/saligang matatagpuan sa Qur’an at kung anupaman ang naituro sa kanila ng Propeta. Kapag may suliraning hindi malutas sa pag-gamit/pagsangguni sa Qur’an lamang, ang Khaleefah ay nagtatanong sa mga Sahaabah kung mayroon silang narinig mula sa Propeta tungkol dito. Kadalasan, mayroong tatayo at magsasabi na narinig niya ang Propeta na nagsasabi ng ganoon, o di kaya’y nakita ko siyang ginawa ito o yaon. Sa ganitong paraan, naging marami ang nakaalam ng kasabihan at gawain ng Propeta. Nang lumaki ang sakop ng lupain ng Islamic State at napakaraming tao na tumanggap ng Islam, marami ang naglalakbay ng malayo upang magaral sa mga Sahabah upang sila ay matuto ng Islam. Sinasabi sa kanila ng mga Sahaabah kung ano ang kanilang narinig sa Propeta, o di kaya’y kanilang ipinapakita sa kanila ang mga gawain ng Propeta. Sa ganitong paraan, na-handed down ang mga kasabihan at gawain ng Propeta sa sumunod na salinglahi ng mga Muslim na tinatawag na Taabi’oon. Nagsimulang nasulat on a fairly large scale ang mga Hadeeth sa panahon ng mga Tabi’oon, subalit na organize ang hadeeth ayon sa subject matter sa panahon ng sumunod na salinlahi, ang mga atba-tabi’oon, at ito ay naitala sa anim na major aklat ng hadeeth na tinatawag na Sihaah as-Sittah.

Mga halimbawa ng batas na hango mula sa Sunnah

a.) Pagmana

Ang pagbahagi ng mana ng malapit na kamaganak ay malinaw na naipaliwanag sa Qur’an. Subalit ang pag-iwan ng mana sa di-Muslim na kamag-anak ay hindi nabanggit sa Qur’an. Sa Sunnah, ating matatagpuan na sinabi ng Propeta na, “A Muslim may not inherit from a non-Muslim, nor may a non-Muslim inherit from a Muslim. [1]

b.) Pagnakaw

Ang pinakamaliit na halaga na kung kailan maaring putulin ang kamay ng magnanakaw at hanggang saan bahagi ng kamay ang pinuputol ay maari lamang matagpuan sa Sunnah.

Si ‘Aishah nagreport na sinabi ng Sugo ng Allah, “The hand of a thief can only be cut off for (the value) of a quarter of a dinar and upwards.”[2]

III. Ijmaa’

Ang Ijmaa’ ay ang napagkasunduan ng mga Sahabah sa isang point ng Batas ng Islam na hindi matatagpuan sa Qur’an man o Sunnah, subalit ito ay dapat hango sa kanila (hindi sumasalungat sa nilalaman nila). Kung may mga suliraning lumitaw pagkatapos ng namatay ang Propeta, ang mga Sahaabah ay tuwinang nagtatagpo upang lutasin ang mga problemang iyon. Sila ay tumutungo sa Qurán upang kanilang malaman kung may sinasabi ang Allah tungkol sa paksang iyon, at kung hindi sila makahanap, ang Khaleefah ay magtatanong kung mayroong nakarinig sa Propeta tungkol sa paksang iyon. At kung hindi pa rin sila makahanap ng kasagutan, ang Khaleefah kung gayon ay mabibigay ng kanyang hatol at maging ang iba rin kung kanilang inaakala na ang kanilang iminumungkahi ay mas mainam. Ang mga hatol at mungkahi ay kanilang pinagaaralan hangga’t sila ay magkasundo sa pinakamainam sa lahat, at ito ay kanilang gagawing batas para sa lahat ng Muslim.

Sa ganitong paraan ang Batas ng Islam ay maaring mahubog upang ito ay matugma sa lahat ng panahon at pagkakataon. Ang mga bagong batas na hango mula sa Ijmaa’ ay hindi mga basic laws. Sapagkat lahat ng mga Basic Laws ay naitatag na ng Allah sa Qurán at ng Propeta sa kanyang Sunnah. Ang mga batas na ito ay mga secondary laws na maaring magbago ayon sa iba’t-ibang pagkakataon.

Mga halimbawa ng Batas hango mula sa Ijmaa’

a). Ang paglikom ng Qurán

Ang Qurán ay naipahayag sa Propeta, in sections, sa loob ng 23 taon. Tuwing may talata (ng Qurán) naipahayag, inaatasan ng Propet ang iilan sa kanyang mga kasamahan na isulat ito sa anumang available (na mapagsusulatan), at ito ay nasasaulo ng marami kung ito ay recited ng Propeta sa Salaat. Hindi nilikom ng Propeta ang Qurán sa isang aklat sa kanyang buhay. Nang siya ay namatay, samu’t saring bahagi ng Qurán na naisulat sa tree barks, balat ng mga hayop at buto, ay nanatiling sa possession ng mga Sahaabah. Karamihan sa kanila ay nakapagmemorya din ng Qurán sa panahon ng Propeta, subalit kakaunti lamang ang nakapagsaulo ng lahat ng Qur’an.

b.) Ang mga Adhaan ng Jumuáh

Sa panahon ng mga Propeta, iisa lamang ang adhan sa Jumuáh at ito ay ginagawa kung ang Propeta ay papasok na sa Masjid at magsasabi ng “assalamu alaikum”. Ito ay nanatili sa reign ng una at pangalawang propeta, subalit sa panahon ng pangatlong Khalifah, si Úthman ibn Affan, ito ay nadadagdagan ng isang adhan. Naging malaki ang lunsod ng Madeenah at pati na rin ang market place nito hangga’t hindi na marinig ang adhan dahil sa ingay ng mga mangangalakal at namimili. Realizing this, nag suggest si Caliph Úthman sa ibang Sahaabah na magtawag ng isang Adhan bago itawag ang main adhan, at ito ay itawag sa gitna ng market. Lahat sila ay nagkasundo sa pamamagitan ng Ijmaa’, at samakatuwid, isa pang adhan ang nadagdag.

IV. Qiyaas

Ang Qiyaas ay deduction ng Batas Islamiko na hindi matatagpuan sa Qurán, sa Sunnah o sa Ijmaa’, subalit hango sa mga batas na matatagpuan sa isa sa kanila. Kung may suliraning lilitaw na hindi tuwirang ina-adress ng tatlong pangunahing batayan, tayo ngayon ay hahanap ng batas na kapareho ang cause mula sa kanila at iuuri ang suliranin ayon sa kaparehong manner.

Mga Halimbawa ng Batas na hango sa Qiyaas

a.) Droga

Halimbawa, ang mga droga katulad ng marijuana at cocaine ay hindi pa nadidiskubre sa panahon ng Propeta o di kaya‎‎’y sa panahon ng mga Sahaabah, kaya namang walang sinasabi sa mga ito ng tuwiran. Subalit sinabi ng Propeta: “Every intoxicant is Khamr so every intoxicant is Haraam [3].” Ating maoobserbahan na ang mga humihithit at nag-inject ng marijuana, cocaine o ibang kaparehas na droga na nawawalan ng kanilang senses at sila ay naging high (intoxicated). Samakatuwid, maarin nating sabihin na ang marijuana at cocaine ay uri ng Khamr, at nang sa gayon ito ay mga Haraam. Sa mga taong nagsasabi nakung sila ay gagamit nito ng pakaunti lamang, hindi naman sila na-intoxicate, sinabi rin ng Propeta na, “Whatever intoxicates in large amounts is Haraam in small amounts.” [4]

b.) Pagsisigarilyo

Nang umabot ang sigarilyo at tobacco sa Ottoman Muslim Empire sa ika 17th siglo, karamihan ng mga pantas/paham/dalubhasa sa naghatol na ito ay Makrooh (disliked), sapagkat ang tanging masamang epekto na nalalaman sa panahon noon ay ay mabahong hininga ng mga naninigarilyo. Ang hatol ay hango sa Saheeh Hadeeth ng Propeta, “whoever eats any of these offensive plant (garlic) should not come to the mosque.” The people said, “it has been forbidden! It has been forbidden!” When this reached th Prophet, he said, “O people, I can not forbid what Allah made lawful, but it is a plant whose odor I dislike.” [5] Sa ibang pagkakataon kanyang isinali ang sibuyas at leek na offensive. Subalit sa panahon natin ngayon, ang medical profession ay nagsasabi na ang pagsigarilyo ay nagsasanhi ng kanser kasama na ng samu’t-saring uri ng sakit. Sapagkat sa maraming pagkakataon ang kanser ay nagsasanhi ng kamatayan, maari nating sabihin ngayon na ang paninigarilyo ay nakakamatay. Nang dahil dito, may mga scholars na humahatol na haraam ang paninigarilyo, sapagkat ang gumagawa nito ay sa katunayan ay nagpapakamatay, at sinabi ni Allah sa Qur’an: 4:29, 2:195

Sinabi rin ng Propeta na: Whoever kills himself with a knife will be in hell forever stabbing himself in his stomach. Whoever drinks poison and kills himself will drink eternall in the Hell fire. And whover kills himself by falling off a mountain will forever fall in the fire of hell fire.

Ayon sa batas ng Islam, walang pagkakaiba kung ang isang tao ay uminom ng kakaunti ng lason sa loob ng mahabang panahon, o di kaya’y uminom ng marami ng sa isang pagkakataon. Haraam na gumamit/uminom ng substance na alam na ito ay nakakasama.

Kahalagahan

Sa pag-gamit ng principles ng Qiyaas ang mga basic laws ng Islam ay na applied sa lahat ng pagkakataon at lugar. Maaring magawa ang mga bagong hatol sa anu pamang pangyayri, hango sa kanilang pagkakaparehas sa mga basic laws ng Qur’an at Sunnah. Sa ganitong paraan ang banal na mga Batas na napahayag sa Qur’an at Sunnah ay nanatiling walang pagbabago nang hindi nagiging outdated (luma/lumilipas). It can not be successfully argued that Islamic Law can not be applied I nthe 20th century because it is 1400 years old. Ang mga pangunahing batas ng Islam ay ginawa ng Diyos na Lumikha sa tao at Kanyang nalalaman kung ano ang pinakamainam sa kanya sa lahat ng pagkakataon at pangyayari. Mayroong mga basic na katangian ang tao na hindi nagbabago sa panahon o lugar. It is in these areas which basic laws of Islaam address. Sa mga aspects naman ng buhay ng tao na nagbabago, ang Qur’an at Sunnah ay nag provide ng basic principles na maaring magamit kung damay pangangailangan. Samakatuwid, ang batas ng Islam ay angkop sa sangkatauhan sa lahat ng lugar man siya nabubuhay, maging ito ay sa daigdig man o sa mga ibang planeta o di kaya’y sa malayong bituin.

--------------------------------------------------------------------------------

[1] Reported by Usaamah ibn Zaud and collected by Muslim (Sahih Muslim (English Trans), vol. 3, p. 852, no. 3928).

[2] Sahih Muslim (English Trans.) col. 3, p. 907, no. 4179.

[3] Reported by Umar and collected by al-Bukharee and Muslim

[4] Reported by Jaabir ibn Abdillah and collected by Ibn Maajah and Abu Daawood

[5] Reported by Abu Sa;eed and collected by Muslim

 

Search Videos

Ang lahat po ng larawan na naitala o makikita dito ay kabahagi lamang ng mga ibat ibang programa o activities ng aming Islamic Dawah Center.

 

Go to top