Utusang ito, ang tao at jinn ay Kanyang nilikha. ang katibayan mula sa Banal na Qur’an tungkol sa nabanggit na paksa Ang Salita ng dakilang Allah: {At hindi Ko nilikha ang Jinn at Tao, maliban na sila ay sumamba (lamang) sa Akin}. [Qur’an 51:56] ang ibig sabihin ng “Sumamba (lamang) sa Akin ang maniwala sa ganap na Kaisahan ng Allah, ang maniwala na ang Allah ang Siyang Tanging Diyos na nagbigay Kautusan sa kanila at Siyang Tanging Diyos na nagtakda ng mga ipinagbabawal sa kanila.

ang pinakadakilang bagay na ipinag-uutos ng Allah
ang Tawheed o Kaisahan ng Allah
Ang Tawheed o Kaisahan ng Allah ay ang pagpapahayag na ang Allah lamang ang bukod-tanging Diyos na nararapat na sambahin nang makatotohanan at tanggapin (kilalanin) ang Kanyang mga Katangian na Siya mismo sa Kanyang Sarili ang naggawad (at nagtaglay) at ang mga katangiang binanggit ng Kanyang Sugo).
ang pinakamalaking bagay na ipinagbawal ng Allah Ang Shirk o Politeismo (Idolatriya o pagbibigay katambal sa Kaisahan ng Allah). ang Shirk (Politeismo)?
Ito ay ang gawang-pagsamba sa mga huwad o diyus-diyusan na iniuugnay o itinatambal sa Tunay na Diyos (Allah) at ang pagbibigay karibal sa Allah gayong Siya lamang ang Tanging lumikha sa lahat ng bagay. ang katibayan tungkol sa nabanggit na paksa sa itaas ang Salita ng Dakilang Allah mula sa Banal na Qur’an: {At sambahin ninyo ang Allah at huwag kayong magbigay (ng anumang) katambal sa Kanya (sa pagsamba)…} [Qur’an 4:36]

 


 

 

 

Search Videos

Ang lahat po ng larawan na naitala o makikita dito ay kabahagi lamang ng mga ibat ibang programa o activities ng aming Islamic Dawah Center.

 

Go to top