الحديث التاسع والعشرون
"تعبد الله لا تشرك به شيئا"
عن معاذِ بن جبلٍ رضي الله عنه قال: قلت: يا رسول الله، أخْبِرني بِعَمَلٍ يُدْخِلُني الجنَةَ ويُبَاعِدُني عَنِ النارِ. قال: [لَقَدْ سألْتَ عَنْ عَظيمٍ، وإنَهُ لَيَسيرٌ عَلى من يَسَّرَهُ اللهُ تعالى عَلَيْهِ : تَعْبُدُ اللهَ لا تُشْرِكُ بِهِ شَيئاً، وتُقيمُ الصَّلاةَ ،وتُؤتي الزكاةَ، وتصومُ رمضانَ، وتَحُجُّ البيتَ] .ثم قال: [ ألا أَدُلُّكَ على أبْوَابِ الخيرِ؟: الصَّومُ جُنَّةٌ، والصَّدقةُ تُطْفِىءُ الخَطِيئةَ كما يُطْفىءُ الماءُ النارَ، وصَلاةَ الرَّجُلِ في جَوْفِ الَّليْلِ، ثم تلا: {تَتَجَافَى جُنُوبُهُمْ عَنْ الْمَضَاجِعِ} - حتى بلغ - يَعْمَلُونَ]
[ثم قال: [ ألا أُخْبِرُكَ بِرَأسِ الأمْرِ وَعَمودِهِ وَذِرْوَةِ سَنَامِهِ؟ ] قلتُ: بَلىَ يا رسول الله. قال: [ رَأْسُ الأمْرِ الإسلامُ، وعَمُودُهُ الصَّلاةُ، وَذِرْوَةُ سَنَامِهِ الجِهادُ
ثم قال: [ ألا أخْبِرُكَ بِمِلاكَ ذَلِكَ كلِّهِ ؟] فَقُلْتُ بَلَى يا رَسول الله، فأخَذَ بِلِسانِهِ وقال: [كُفَّ عَلَيْكَ هذا] . قلت : يا نبيَّ الله، وإنَّا لمؤاخَذُونَ بِما نَتَكَلَّمُ بِه ؟ فقال: [ثَكِلَتْكَ أمُّكَ يَا مُعَاذُ, وَهَلْ يَكُبُّ الناسَ في النارِ على وُجُوهِهِمْ ] أو قال: [على مناخِرِهِم - إلاَّ حَصَائدُ ألسِنَتهم
رَوَاهُ التِّرْمِذِيُّ وَقَالَ: حَدِيثٌ حَسَنٌ صَحِيحٌ
HADITH # 29
Mula sa autoridad ni Mu’adh na anak ni Jabal (ra) na nagsabi:
Aking sinabi: O Sugo ng Allah (saw), sabihin mo sa akin ang mga gawain na siya ang magdadala sa akin sa Paraiso at ako ay mailalayo sa Impiyerno. Kanyang sinabi: Katotohanan tinanong mo ako sa bagay na malaki, katunayan ito ay magaan para sa kanya na iyon ay ginawang magaan ng Allah (ang maawain) para sa kanya. Kinakailangang sambahin mo ang Allah (swt), huwag Siyang bigyan ng katambal; kinakailangang isagawa mo ang mga pagdarasal; kinakailangang bayaran mo ang Zakat; kinakailangang mag-ayuno ka sa (buwan ng) Ramadan; at kinakailangang isagawa mo ang peregrinasyon (banal na paglalakbay) sa Bahay.
At pagkatapos siya ay nagsabi: Tandaan (mong mabuti) at ituturo ko sa iyo ang pintuan ng kabutihan. Ang pag-aayuno ay pananggalang; Ang Karidad ay pinapatay niya ang mga pagkakasala katulad ng pagpatay ng tubig sa apoy; at ang dasal ng isang lalaki sa kalagitnaan ng gabi.
At pagkatapos ay kanyang isinaulo: “Silang lumayo sa kanilang higaan upang tumawag sa kanilang Panginoon ng pagtakot at pag-asa, at ginugol nila ( sa kawang-gawa para sa landas ng Allah) ang ipagkakaloob Namin sa kanila. Walang kaluluwang alam kung ano ang nakatago para sa kanila upang maging masaya bilang gantimpala sa kanilang mga gawain.”
Pagkatapos ay kanyang sinabi: Tandaan (mong mabuti) at sasabihin ko saiyo ang tugatog ng mga gawain, at ang kanyang haligo, at ang pinakamataas na bahagi? Aking sinabi: Opo, Sugo ng Allah, at kanyang sinabi: Ang tugatog ng mga gawain ay ang Islam; ang kanyang haligi ay ang pagdarasal; ang pinakamataas na bahagi ay jihad.
Pagkatapos ay kanyang sinabi: Tandaan (mong mabuti) at sasabihin ko sa iyo kung paano ang pamamahala sa lahat nang iyan? Aking sinabi: Opo, Sugo ng Allah at hinawakan niya ang kanyang dila at sinabi: pigilin ito, Aking sinabi: O Propeta ng Allah, katotothanan kami ay parurusahan dahil sa mga sinabi namin?
Kanyang sinabi: pabayaan ka sana ng iyong nanay, Mu’adh! Mayroon bang bagay na maitutulak ang tao sa impiyerno nang dahil sa kanilang mga mukha o di kaya ay dahil sa kanilang mga ilong maliban sa naaani ng kanialng dila?
[Mula sa salaysay ni at-Tirmidhi, na nagsabi na ito ay maganda at matatag na Hadith]