الحديث السادس والثلاثون
"من نفس عن مسلم كربة"
عن أبي هُرَيْرَة رضي اللهُ عنه، عن النَّبِيِّ صلى الله عليه وسلم قال: [ مَنْ نَفَّسَ عَنْ مُؤمِنٍ كُرْبَةً مِنْ كُرَبِ الدُّنْيا نَفَّسَ اللهُ عَنْهُ كُرْبَةً من كُرَبِ يوْمِ القيامَةِ، ومَنْ يَسَّرَ على مُعْسِرٍ يَسَّرَ اللهُ عليه في الدنْيا والآخِرَةِ، وَمَنْ سَتَرَ مُسْلِماً سَتَرَهُ الله في الدُّنْيا والآخِرَةِ واللهُ في عَوْنِ الْعَبْدِ ما كانَ الْعَبْدُ في عَونِ أخيهِ. ومَنْ سلك طَريقاً يَلْتَمِسُ فِيهِ عِلْماً سَهَّلَ اللهُ له بِهِ طَرِيقاً إلى الجنَّةِ
وَمَا اجتَمَعَ قَوْمٌ في بَيْتٍ مِنْ بُيُوتِ اللهِ يَتْلُونَ كِتَابَ اللهِ ويَتَدَارَسُونَهُ بَيْنَهُمْ، إلا نَزَلَتْ عليهمُ السَّكِينَةُ، وغَشِيَتْهُمُ الرَّحْمَةُ، وحَفَّتهُمُ المَلائِكَةُ، وذَكَرَهُمُ اللهُ فيمَنْ عِنْدَه وَمَنْ بَطَّأ بِه عَمَلُهُ لمْ يُسْرِعْ به نَسَبُهُ
رَوَاهُ مُسْلِمٌ بهذا اللفظ
HADITH # 36
Mula sa autoridad ni Abu Huraira (ra) na sinabi ng Propeta (saw):
Ang sinumang alisin sa (kapatid na) Mu’min, ang isang kalungkutan (lumbay, pagdadalamhati, pighati at iba pang katulad nito) mula sa mga kalungkutan sa mundong ito, ay aalisin ng Allah sa kanya ang isa sa mga kalungkutan mula sa mga kalungkutan sa Araw ng Paghuhukom. Ang sinumang pagaanin (o bigyan ng kaginhawahan) ang isang (taong) naghihirap, ay pagkakalooban siya ng Allah ng kaginhawahan sa mundong ito hanggang sa Kabilang Buhay. Ang sinumang ipagsanggalang (mula sa mga kapintasan, pagkukulang o kahihiyan) ang (kapatid na Muslim), siya’y ipagsanggalang ng Allah (swt) (mula sa mga kapintasan, pagkukulang o kahihiyan) sa mundong ito hanggang sa Kabilang Buhay. May tulong ang Allah (swt) sa Kanyang alipin habang ang alipin ay matulungin sa kanyang kapatid. Ang sinumang sumunod sa landas upang maghanap ng kaalaman (sa Islam), ay pagagaanin ng Allah (swt) para sa kanya ang landas patungo sa Paraiso. At walang pagtitipon ng mga tao na sila’y nagtitipon-tipon sa isa sa mga bahay ng Allah (swt), at binibigkas ang Aklat ng Allah (swt) at pinag-aaralan ito ng bawat isa sa kanila, ay hindi maaaring hindi makarating sa kanila ang kapanatagan, at mababalot sila sa awa (at habag) ng Allah (swt), ang mga anghel ay papaligiran sila, at babanggitin sila ng Allah (swt) sa mga nakatabi sa Kanya. Ang sinumang naging banayad (bumagal) ng kanyang mga gawa ay hindi maitutulak pasulong ng (mabilisan ng dahil sa) kanyang angkan.”
[Mula sa salaysay ni Muslim sa ganitong pananalita.]