الحديث السابع والثلاثون
"إن الله كتب الحسنات والسيئات"
عَن ابْنِ عَبَّاسٍ رَضِيَ اللهُ عَنْهُمَا عَنِ النبي صلى الله عليه وسلم فِيْمَا يَرْوِيْهِ عَنْ رَبِّهِ تَبَارَكَ وَتَعَالى أَنَّهُ قَالَ
إِنَّ الله كَتَبَ الحَسَنَاتِ وَالسَّيئَاتِ ثُمَّ بَيَّنَ ذَلِكَ؛ فَمَنْ هَمَّ بِحَسَنَةٍ فَلَمْ يَعْمَلْهَا كَتَبَهَا اللهُ عِنْدَهُ حَسَنَةً كَامِلَةً،وَإِنْ هَمَّ بِهَا فَعَمِلَهَا كَتَبَهَا اللهُ عِنْدَهُ عَشْرَ حَسَنَاتٍ إِلَى سَبْعِمائَةِ ضِعْفٍ إِلىَ أَضْعَاف كَثِيْرَةٍ. وَإِنْ هَمَّ بِسَيِّئَةٍ فَلَمْ يَعْمَلْهَا كَتَبَهَا اللهُ عِنْدَهُ حَسَنَةً كَامِلَةً،وَإِنْ هَمَّ بِهَا فَعَمِلَهَا كَتَبَهَا اللهُ سَيِّئَةً وَاحِدَةً
رَوَاهُ البُخَارِيُّ وَمُسْلِمٌ في صَحِيْحَيْهِمَا بِهَذِهِ الحُرُوْفِ
HADITH # 37
Mula sa salaysay ng anak ni Abbas (ra) mula sa Sugo ng Allah (saw) ay kasama sa mga kasabihang kanyang isinalaysay mula sa kanyang Panginoon ay Kanyang sinabi:
Katotohanan naisulat ng Allah (swt) ang mga mabubuting gawa at ang masasama. Pagkatapos ay Kanyang ipinaliwanag (sa pagsasabi) ang siyang may hangaring gumawa ng kabutihan at hindi ito naisagawa, ipasusulat ito ng Allah (swt) para sa kanya bilang ganap na gawaing mabuti, subalit kung ito (ang hangaring mabuti) ay sinadya niyang gawin at naisagawa ito, ipasusulat ito ng Allah (swt) para sa kanya mula sa sampung mabubuting gawa hanggang pitong daang beses o di kaya ay mas maraming beses. Subalit kung siya ay naghangad ng masamang gawa at hindi niya ito naisagawa, ipasusulat ito para sa kanya ng Allah (swt) bilang ganap na gawaing mabuti, subalit kung ito (ang hangaring masama) ay sinadya niyang gawin at naisagawa niya, ipasusulat ito ng Allah (swt) para sa kanya bilang isang masamang gawa.”
[Mula sa salaysay ni Bukhari at Muslim sa kanilang dalawang Sahih sa ganitong pangungusap]