ANG PANGANGALAGA NG KANYANG MABAIT NA LOLO
Dinala (at iniuwi) ni Abdul Muttalib ang bata sa Makkah. Siya ay mayroong damdamin ng pagmamahal at pagkagiliw sa bata, ang kanyang ulilang apo, na ang mapait na pagdadalamhati (sa pagkamatay ng kanyang ina) ay nakaragdag sa mga nakaraan pang kapaitan. Si Abdul Muttalib ay higit na mapagmahal sa kanyang apo kaysa sa kanyang sariling mga anak. Hindi niya kailanman hinayaang mahulog ang bata sa kalungkutan, bagkus higit niyang itinangi ito nang higit kaysa sa kanyang sariling mga anak. Si Ibn Hisham ay nag-ulat: Isang higaan ang inilagay sa lilim ng Ka’bah para kay Abdul Muttalib. Ang kanyang mga anak ay lagi nang nagsisiupo sa gilid ng higaang ito bilang pagpaparangal (at paggalang) sa kanilang ama, nguni’t si Muhammad (Sumakanya nawa ang kapayapaan ) ay laging umuupo sa higaang ito. Siya ay lagi namang iniaalis ng kanyang mga amain, subali’t kapag si Abdul Muttalib ay naroroon, siya ay nagsasabing: “Inyong iwanan ang aking apo. Ako ay sumusumpa sa Allah na ang batang ito ay gaganap (o tatangan) ng isang mahalagang tungkulin.” Palagian niyang iniuupo ang bata sa kanyang higaan, tinatapik (at hinihimas-himas) ang likod nito at lagi nang nalulugod sa anumang gawin ng bata. Nang si Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan) ay walong taon, dalawang buwan at sampung
araw na gulang, ang kanyang lolong si Abdul Muttalib ay yumao sa Makkah. Kaya, ang pangangalaga sa Propeta (sumakanya nawa ang kapayapaan) ay iniatang sa kanyang amaing si Abu Talib, na kapatid ng kanyang yumaong ama. Pinangalagaan nang buong husay ni Abu Talib ang kanyang batang pamangkin. Isinama niya ito sa kanyang mga anak at higit na itinangi kaysa sa mga ito. Itinangi ng may pagmamahal, paggalang at pagpapahalaga. Si Abu Talib ay nanatili sa loob ng apat napung taong pagmamahal sa kanyang pamangkin at siya ay kanyang pinagkalooban ng lahat ng pangangalaga at siya ay kanyang dinamayan. Ang kanyang pakikipag-ugnayan (at mabuting pakikitungo) sa mga ibang tao ay batay sa pakikitungo na kanilang ipinakikita sa Propeta (sumakanya nawa ang kapayapaan ). Si Ibn Asakir ay nag-ulat mula sa mapananaligang salaysay ni Jalhamah bin Arfuta na nagsabi: “Ako ay dumating sa Makkah nang ito ay taon ng walang ulan, kaya ang mga Quraish ay nagsabi ‘O Abu Talib, ang lambak ay nawalan ng mga dahon (o nangatuyot) at ang mga bata ay nagugutom, halina tayong magdasal para sa pag-ulan.’ Si Abu Talib ay nagtungo sa Ka’bah kasama ng batang si Muhammad na sadyang makisig tulad ng kakisigan ng araw, at ang isang maitim na ulap ay nasa dakong itaas ng kanyang ulo. Si Abu Talib at ang batang si Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan) ay tumayo sa dingding ng Ka’bah at nagdasal para sa ulan. Kapagdaka’y ang mga ulap ay nagsitipon sa lahat ng dako ng alapaap at ang ulan ay bumuhos nang malakas at naging sanhi upang umagos ang mga bukal at sumibol ang mga halamanan sa buong kabayanan (ng Makkah at sa buong Arabia).”
Ang Paglalakbay sa Basra - Isang Kristiyanong Monghe ay Nagpatotoo Kay Muhammad (sunakanya nawa ang kapayapaan )
Nang si Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan ) ay labingdalawang taon (12) gulang, siya ay sumama sa tiyuhin niyang si Abu Talib para sa kalakalang paglalakbay patungong Syria, at sila ay nakarating hanggang sa malayong bayan ngBasra. Ang paglalakbay ay nagtagal ng mga ilang buwan. Sa bayan ng Basra, si Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan) ay nakilala ng isang kristiyanong monghe. Ayon sa kasaysayan, ang kristiyanong monghe na ito ay nagbabala at sinabi kay Abu Talib: “Ibalik mo ang batang lalaking ito at siya ay iyong pangalagaan laban sa poot ng mga Hudyo, sapagka’t mayroong dakilang pangyayari ang naghihintay para sa iyong pamangkin.Basra. Ang paglalakbay ay nagtagal ng mga ilang buwan. Sa bayan ng Basra, si Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan) ay nakilala ng isang kristiyanong monghe. Ayon sa kasaysayan, ang kristiyanong monghe na ito ay nagbabala at sinabi kay Abu Talib: “Ibalik mo ang batang lalaking ito at siya ay iyong pangalagaan laban sa poot ng mga Hudyo, sapagka’t mayroong dakilang pangyayari ang naghihintay para sa iyong pamangkin.” Ang Matapat at Marangal na Pag-uugali ni Muhammad (sumakanya ang kapayapaan) Pagkaraan ng paglalakbay na ito, ang batang si Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan) ay lumaking tulad ng karaniwang bata, nguni’t lahat ng mamamayan ng Makkah ay nagkakaisa sa pagkilala sa kanya bilang isang batang nag-aangkin ng isang mataas na antas ng kagandahang-asal, dalisay at pinagkakapuring pag-uugali na sadyang bihirang taglayin ng ibang mga mamamayan ng Makkah. Ang maganda at marangal na pagkatao ng batang ito ay nagkamit ng mga papuri sa mga mamamayan ng Makkah, kaya siya ay tinawag na “Al-Ameen” na ang malapit na kahulugan ay “Ang matapat (o ang mapagkakatiwalaan).” Sa kanyang mga nauna at maagang taon, si Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan ) ay hindi malaya mula sa mga tungkulin ng buhay. Siya ay naging pastol ng mga tupa ng kanyang amain, na tulad ng ibang angkan ng Bani Hashim, ang malaking bahagi ng yaman ay ginugol at inilaan para sa pag-aalaga ng mga hayupan.
Ang Pagiging Mapag-isa ni Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan ) sa Kanyang Pamamaraan ng Buhay Mula sa kabataan hanggang sa kanyang paglaki, siya ay namuhay sa pagiging mapag-isa. Ang kawalan ng batas na laganap sa mga ”mamamayan ng Makkah, ang biglaang silakbo ng walang kabuluhang awayan ng mga tribu, ang mga kalaswaan at kawalan ng paniniwala ng mga Quraish, ay likas na nagdulot ng damdamin ng pagkahabag at kalungkutan sa puso ng isang maramdaming bata.
Ang gayong mga tagpo mula sa isang lipunang pinamugaran ng karukhaan at kawalan ng relihiyon ay nagpapahiwatig na ito ay isang masamang kapanahunan.Ang Pagpapakasal ni Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan ) Kay Khadijah Nang si Muhammad () ay umabot sa dalawamput limang (25) taong gulang, siya ay muling naglakbay sa Syria bilang tagapag-angkat ng kalakal ng isang marangal at mayamang biyudang babae na nagmula sa kilalang angkan ng Quraish na nagngangalang Khadijah. At bunga ng kanyang katapatan sa mga kalakal ng babaing ito, hindi naglaon, siya ay inalok ng kasal. Ang pag-aasawang ito ay naging matagumpay at maligaya. Si Khadijah ay higit na matanda sa kanyang asawa, nguni’t sa kabila ng agwat ng gulang sa kanilang pagitan, ang tunay na pagmamahal ay nanatili sa kanilang dalawa. Ang magandang ugnayan ng mag-asawa ay nagbigay sa kanya (kay Muhammad ) ng isang babae na may pusong mapagmahal na lagi nang nakaagapay sa kanya sa panahon ng kanyang kalungkutan at sa alab ng pag-asa sa panahon na walang sinuman ang naniwala sa kanya habang ang mundong kanyang kinagalawan ay lubhang makulimlim sa kanyang mga mata.