Ang Kapanganakan at Apatnapung Taon bago Ihirang na Propeta
Ang Kapanganakan :
Ipinanganak ang pinuno ng lahat ng Sugo e sa panig ng bani Hashim sa
Makkah umaga araw ng Lunes ganap na ika-siyam sa buwan ng Rabi'ulAwwal. Kasabay na taon ng pangyayari tungkol sa elepante at apatnapung taon na pamumuno ng hari ng Kisra (Khosru Nushirwan). Ito ay tumatapat sa ika-dalawampu o ika-dalawamput dalawa sa buwan ng Abril taong 571 matapos isilang si Hesus ayon sa pagsasaliksik ng dalubhasang si Muhammad Sulaiman Al-Mansur Furiy at ng astronomiyong si Mahmud Pasha[1].
Isinalaysay ni Ibn Sa'ad na ang ina ng Sugo ni Allah e ay nagwika : "Nang ipinanganak ko siya ay may lumabas na liwanag mula sa pribadong bahagi ng aking katawan na nagbigay liwanag sa mga palasyo ng sinaunang Syria". At isinalaysay ni Ahmad mula kay Al-Arbad bin Sariyah ang halos katulad din nito.[2]
At isinalaysay din na marami pang ibang tanda ang kaagapay ng kanyang pagsilang, sinasabing labing-apat na balkonahe sa palasyo ni Kisra ang bumagsak. At namatay ang sagradong apoy na sinasamba ng mga Magian at ang ibang simbahan na nasa paligid sa Heerah at nawasak at bumagsak matapos na ito ay lumubog sa lawa ng Sawah. Isinalaysay ito ni AlBayhaqiy[3]. Subalit hindi ito inayunan ni Muhammad Al-Ghazaliy[4].
Nang ipinganak siya ng kanyang ina ay mabilis nitong ipinaalam kay Abdul-Muttalib ang magandang balita ng pagkakasilang nga apo niya. Masaya itong dumating at kinuha niya ang sanggol at dinala sa Ka'bah. Nanalangin siya kay Allah at pinasalamatan niya ito. At noon din ay pinili niya bilang pangalan nito na Muhammad. Ang pangalang iyon ay hindi popular noon sa mga Arabe at tinuli siya sa ika-pitong araw tulad ng dating nakaugalian na ng mga Arabe.[5]
Ang unang babae na nagpasuso sa kanya matapos ang ina niya e ay si
Thuwaybah - ang pinalayang alipin ni Abu Lahab - kasabay ng anak nito na
si Masruh. Nauna na nitong pinasuso noon si Hamzah bin Abdul-Muttalib at pagkatapos ay si Abu Salamah bin Abdul Asad Al-Makhzumiy[6].
Sa Bani Sa'ad
Noon ang kinaugaliang tradisyon ng mga Arabeng naninirahan sa mga bayan ay ang ipadala ang kanilang mga anak sa mga kababaihang naninirahan sa disyerto upang pasusuhin ito. At upang makaiwas sa mga sakit na nasa kabayanan, upang lumakas ang pangangatawan nila, maging malusog, at ng maging bihasa ang kanilang mga dila sa pagsasalita ng wikang arabe sa piling nila at matutunan rin niya ang mga kaugalian ng mga naninirahan sa disyerto. Kaya't naghanap si Abdul-Muttlib para sa Sugo ni Allah e ng babaeng magpapasuso dito. At ipinagkatiwala siya sa isang babae mula sa Bani Sa'ad bin Bakr at ito ay si Halimah bint Abi Dhuaib at ang asawa niya ay si Al-Harith bin Abdul-Uzza na may palayaw na Abu Kabshah mula sa tribo ring iyon.
Ang mga kapatid niya e doon sa gatas ay sila Abdullah bin Al-Harith, Anisah bint Al-Harith, Hudhafah o Judhamah bint Al-Harith na may palayaw na Ash-Shayma, at naging tagapag-alaga ng Sugo ni Allah e, at si Abu Sufyan bin Al-Harith bin Abdul-Muttlib pinsan ng Sugo ni Allah e
At noon ang kanyang tiyuhin na si Hamzah bin Abdul-Muttlib ay pinasususo rin sa bani Sa'ad. Pinasuso ng ina niya ang Sugo ni Allah e ng siya ay nasa piling ng kanyang ina na si Halimah. Kaya't si Hamzah ay kapatid sa gatas ng Sugo ni Allah e sa pamamagitan ng dalawang babae, sa panig ni Thuwaybah, at sa panig ng As-Sa'diyah na nagpasususo rin naman sa Propeta e.2
Nakita ni Halimah ang biyayang dulot niya e na talaga namang kamangha-mangha, hayaan nating siya ang magsalaysay nito ng detalyado :
Ayon kay ibn Ishaq : "Ayon sa salaysay ni Halimah na minsan siya ay lumabas mula sa kanilang lugar kasama ng kanyang asawa at ng isang maliit na anak na lalaki na sumususo pa. Kasama namin ang ilan pang mga kababaihan mula sa Bani Sa'ad bin Bakr upang maghanap ng mapapasusong bata. At iyon ay taon ng sobra ang tagtuyot at wala kaming anuman na makain. At ayon sa kanya : "Lumabas ako sakay ng aking kulay kapeng babaeng asno, dala rin namin ang aming matandang babaeng kamelyo. Sumusumpa ako kay Allah wala kaming makuha kahit isang patak man lang ng gatas. At hindi rin kami makatulog sa gabi kaming lahat dahil sa ang batang kasama namin ay iyak ng iyak sa sobrang gutom. Wala ring sapat na gatas sa aking dibdib pati na rin ang aming dalang kamelyo ay wala ring gatas. Patuloy ang aming panalangin at pag-asa na bumuhos ang ulan at pagdating ng tulong. Sakay ako ng asnong iyon ay humayo kami ng lakad dumanas kami ng sobrang pagod at hirap sa paglalakbay naming iyon hanggang sa makarating kami ng Makkah sa paghahanap ng batang pasususuhin. Walang sinuman sa aming mga kababaihan liban na lamang na inalok ang Sugo ni Allah e sa bawat isa sa amin subalit ang lahat ay tumatanggi kapag napag-alaman na siya ay ulila sa ama. Sapagkat noon kami ay nagnanais ng gantimpala mula sa ama ng bata. Aming sinasabi noon : Ulila? Ano kaya ang gagawin ng kanyang ina at lolo? Kinamumuhian naming lahat iyon at tinanggihan namin siya sa kadahilanang iyon.
Lahat ng kasamahan kong babae ay nakakuha na ng aalagaan at pasususuhing bata maliban sa akin. Nang kami ay nakahanda na para magbalik sa amin ay sinabi ko sa aking asawa : Sumusumpa ako kay Allah ayaw kong magbalik kasama ng iba pang kababaihan na wala akong dalang bata. Babalikan ko ang ulilang batang iyon at kukuhanin ko siya. Sagot ng asawa niya : Wala namang kaso kung gagawin mo iyon. At umasa tayo kay Allah na biyayaan tayo sa pamamagitan ng batang iyon. At sinabi niya : Kaya't humayo ako at kinuha ko ang batang iyon, hindi ko sana kukuhanin ang batang iyon wala lang talaga akong matagpuan na ibang bata liban sa kanya. Nang makuha ko siya ay bumalik na ako sa aking sasakyang hayop, at ng ilagay ko siya sa aking mga kamay at ilapit ko sa aking dibdib ay laking gulat ko ng matagpuan kong ang dami na nitong gatas. Uminom siya hanggang sa mabusog at uminom din ang kapatid niya hanggang sa mabusog at nakatulog silang dalawa. Kami at ang aking anak ay hindi makatulog noong mga nagdaang gabi. At tumayo ang aking asawa upang gatasan ang babaeng kamelyo at laking gulat niya ng matagpuan niya itong nagtataglay ng maraming gatas. Ginatasan niya ito at uminom kaming pareho hanggang sa mabusog kami ng todo at nakatulog kami ng mahimbing ng gabing iyon. At sinabi pa niya : Nang magising kami kinaumagahan ay sinabi ng aking asawa : Sumusumpa ako Kay Allah O Halimah ! Dapat mong maunawaan na nakakuha ka ng isang mabibiyang bata. At tinugon ko : Sumusumpa ako kay Allah na iyon din ang inaasahan ko. Ayon pa rin sa kanya : Pagkatapos ay sumakay akong muli sa aking asno at kinarga ko ang bata kasama ko, sumusumpa ako kay Allah bumilis ang takbo ng sasakyang asno ko na halos malampasan ang mga sasakyang kabayo ng mga kasama ko. Sabi nga ng ilang kababaihang kasama ko : O anak ni Abi Dhu'aib balikan mo kami, hindi ba iyan din ang asnong sinakyan mo ng umalis tayo? Sinagot ko sila : Eto nga iyon. At kanilang sinabi : Sumusumpa kami kay Allah na mayroon siyang taglay na kakaiba. At pagkatapos ay narating namin ang aming mga tahanan ang pamayanan ng bani Sa'ad at wala akong nalalamang lupain mula sa mga lupain ni Allah na mas tuyot pa sa lupaing ito. Ayon pa sa kanya : Ang aking mga alagang tupa ay umaalis upang manginain at kapag nagbalik ang mga ito ay busog na busog. Ginagatasan namin ang mga iyon at nakakainom kami ng gatas nito. Samantalang ang iba ay walang makuha na kahit isang patak na gatas sa mga alaga nila hanggang ang mga kababayan nga naming ay nag-uutos sa mga pastol nila na isuga ang mga alaga nilang tupa sa lugar kung saan isinusuga ang mga alagang hayop ni Bint Abi Dhu'aib at mula sa pinagsugahan ay babalik ang mga alaga nilang hayop na gutom pa rin walang maibigay kahit isang patak na gatas at babalik naman ang mga tupa ko na busog at maraming gatas. At hindi tumigil ang mga biyayang iyon at kabutihan mula kay Allah hanggang sa dumaan ang dalawang taon ng pagkakawalay.
Unti-unting siyang lumalaki subalit hindi siya katulad ng mga pangkaraniwang bata. Hindi pa ito umaabot ng dalawang taon hanggang sa ito ay maging isang ganap na malaking bata na. Sinabi ni Halimah : Ibinalik namin siya sa kanyang ina subalit malaki ang aming pagnanais na manatili pa siya sa amin , dahil sa nakita naming mga biyaya mula sa kanya, kaya't kinausap namin ang kanyang ina at sinabi ko sa kanya : Mas maganda siguro kung pababayaan mo muna sa amin ang aking anak hanggang sa maging makisig at malakas sapagkat ako ay nangangamba sa kanya na maimpeksiyon siya sa Makkah. At sa wakas ay nakumbinsi ulit namin siya na ibalik muli sa amin ang bata.[7]
At ganoon nga nanatili ang Sugo ni Allah e sa Bani Sa'ad hanggang sa noong siya ay apat o limang taon[8] mula ng isilang siya ay naganap ang pangyayaring biniyak ang kanyang dibdib. Isinalaysay ni Muslim mula kay Anas na ang Sugo ni Allah e ay pinuntahan ni Anghel Gabriel habang siya ay nakikipaglaro sa dalawang bata, kinuha niya ito at inilapag sa lupa at biniyak niya ang dibdib nito at inilabas ang puso, at may inalis ditong namumuong dugo at sinabi : "Ito ay bahagi ni satanas mula sa iyo". At pagkatapos ay hinugasan ito sa isang lalagyang ginto sa pamamagitan ng tubig na Zamzam. At pagkatapos ay muli itong isinaayos at muling ibinalik sa kinalalagyan nito. Ang dalawang batang lalaki na kanyang kalaro ay mabilis na nagtungo sa kanyang ina na kanyang tagapag-alaga at sinabing : "Si Muhammad ay pinatay", kaya't nagmamadali silang nagtungo sa kinaroroonan niya at nadatnan nilang siya ay maayos at ang kanyang mukha ay namumutla.3
[1] Muhaadaraat Taarikh Al-Umamul Islamiyah ni Al-Khudariy 1/62. Rahmatun Lil-'Alamin 1/38,39.
[2] Mukhtasar Seeratir-Rasul ni Shaik Abdullah An-Najdiy pahina 12. at Ibn Sa'ad 1/63.
[3] Dala'il ni Al-Baihaqiy 1/126-127.
[4] Fiqhus Seerah ni Muhammad Al-Ghazaliy pahina 47.
[5] Ibn Hisham 1/159,160. Muhaadaraat Taarikh Al-Umamul Islamiyah ni Al-Khudariy 1/62. At may nagsasabing siya ay ipinanganak na tuli na. Tingnan ang librong :T alqih Fuhum Ahlil-Athar pahina 4. At ayon kay Ibn AlQayyim : "Walang matibay na Hadith tungkol dito". Tingnan ang librong : Zadul Ma'ad 1/19.
[6] Talqih Fuhum Ahlil-Athar pahina 4. Mukhtasar Seeratir-Rasul ni Shaik Abdullah An-Najdiy pahina 13. 2 Zadul Ma'ad 1/19.
[7] Ibn Hisham 1/162-163.
[8] Ito ang pananaw ng karamihan sa mga Iskolar ng Seerah. At ayon naman kay Ibn Ishaq ito ay naganap noong ikatlong taon. Tingnan ang librong : Ibn Hisham 1/164,165. 3 Sahih Muslim. Kabanata : Al-Isra 1/92.