Agham at Qur'an 9:
Ang Banal na Qur′an Tungkol sa mga Hayop
Ang Allah ay nagwika:
"At katotohanan, sa mga hayupan (kawan ng bakahan) ay may isang aral para sa inyo. Kayo ay binigyan Namin ng inumin na nasa kanilang mga tiyan, mula sa pagitan ng pagdumi at dugo, (ito ay) malinis na gatas; (na) mainam na inumin sa mga umiinom." (Qur'an, an-Nahl 16:66).
Agham at Qur'an 8:
Ang Banal na Qur′an Tungkol sa Pagbuo ng Ulap at Ulan
Matutunghayan sa Banal na Qur’an:
"At Siya (Allah) ang nagpadala ng mga hangin bilang tagapaghatid ng mga magagandang balita, na pumapalaot bago dumating ang Kanyang Habag (ang ulan). hanggang sa pasanin ng mga ito ang mabigat na ulap, Aming itinaboy ito patungo sa tigang na lupa, pagkaraa ’y pinangyari Naming bumuhos dito. Pagkaraan, Aming pinatubo ang bawa′t uri ng bungang-kahoy dito. Sa (paraang) kahalintulad nito, Aming ibabangong muli ang patay upang kayo ay (matutong) makaalala o tumalima (sa kautusan ng Allah)." (Qur'an, al-A'raf 7:57).
Agham at Qur'an 6:
Ang Banal na Qur’an Tungkol sa Pagbabago ng Embryo sa Sinapupunan
Ang Allah ay nagwika:
"At katotohanan, Aming nilikha ang tao mula sa hinangong luwad (tubig at lupa). Pagkaraan nito’y ginawa Namin siyang isang Nutfah (pinaghalong patak ng semilya ng lalaki at babae at inilagak) sa isang matiwasay na sisidlan (sa sinapupunan ng ina). Pagkaraa’y Aming ginawa ang Nutfah na isang Alaqah (namuong kimpal ng dugo), pagkaraan ay ginawa Namin ang namuong kimpal ng dugo na isang Mudhgah (maliit na kapirasong laman), at mula sa maliit na kapirasong laman, ginawa Namin ang buto, at pagkaraan ay binalutan ang mga buto ng laman at pagkaraa’y Aming nilikha ito bilang isa na namang nilikha (ang tao). Kaya, Kaluwalhatian sa Allah, ang Pinakamahusay sa mga manlilikha. At pagkaraan nito’y, katiyakang kayo ay mamamatay. Katiyakan, pagkaraa’y kayo ay ibabangon sa Araw ng Pagkabuhay-Muli." (Qur'an, al-Mu'minun 23:12-14).
Agham at Qur'an 7:
Ano ang Nabanggit sa Banal na Qur′an Tungkol sa Karagatan
Ang Allah ay nagwika:
"At Siya ang nagpalaya sa dalawang dagat (dalawang uri ng tubig), ito ay naiinom at malinis, at iyon (ang isa naman) ay maalat at mapait; at Kanyang inilagay sa pagitan nito ang isang harang at isang ganap na pagkakahati sa pagitan nila." (Qur'an, al-Furqan 25:53).
Agham at Qur'an 5:
Ang Banal na Qur′an Tungkol sa Atomo (Atom)
Ang Allah ay nagwika:
"At walang anumang maitatago sa inyong Panginoon (kahit na) ang timbang ng isang atomo sa kalupaan at kalangitan. Ni hindi (maitatago) ang anumang liliit kaysa rito o anumang higit na malaki kaysa rito, bagkus ang mga ito’y nakatala sa isang Malinaw na Talaan." (Qur'an, Yunus 10:61).
Ang lahat po ng larawan na naitala o makikita dito ay kabahagi lamang ng mga ibat ibang programa o activities ng aming Islamic Dawah Center.