Ang Islam At Ang Agham

 

Agham: Ambag mula sa Islam

Medisina
Sa Islam, ang katawan ng tao ay isang pinagmumulan ng pagpapahalaga, dahil ito ay nilikha ng Makapangyarihang Allah (Diyos). Paano ito gumagana, paano ito pananatilihing malinis at ligtas, paano maiiwasan ang mga karamdaman mula sa pag-atake dito o lunasan ang mga karamdamang yaon, ay naging mahalagang mga usapin para sa mga Muslim.

 


Agham: Ambag mula sa Islam

Matematika
Ang mga Muslim na matematiko ay nanguna sa heometriya, na maaring makita sa kanilang mga sining grapiko, at siya ay ang dakilang Al-Biruni (na siyang nanguna din sa mga larangan ng kasaysayang pangkalikasan, maging sa heolohiya, at mineralohiya) na siyang nagtatag ng trigonomitriya bilang isang natatanging sangay ng matematika. Ang ibang mga Muslim na matematiko ay nakagawa ng makabuluhang pag-unlad sa teorya ng numero.

 


Agham: Ambag mula sa Islam

Heograpiya
Ang mga pantas na Muslim ay nagbigay ng malaking pansin sa heograpiya. Sa katunayan, ang malaking pagpapahalaga ng mga Muslim sa heograpiya ay nagmula sa kanilang relihiyon.

 

 

Agham: Ambag mula sa Islam 

Sangkatauhan
Ang paghahanap ng kaalaman ay tungkulin sa Islam para sa bawat Muslim, lalaki at babae. Ang pangunahing pinagkukunan ng Islam, ang Quran at ang Sunnah (mga tradisyon ni Propeta Muhammad), hinihikayat ang mga Muslim na maghanap ng kaalaman at maging mga pantas, yamang ito ang pinakamainam na paraan para sa mga tao upang makilala si Allah (Diyos), upang pahalagahan ang Kanyang mga kamangha-manghang mga nilikha at maging mapagpasalamat para sa mga ito.

 

Agham: Ambag mula sa Islam

Astronomiya

Ang mga Muslim ay laging may natatanging pagkahilig sa larangan ng Agham tulad ng Astronomiya. Ang buwan at ang araw ay napakahalaga sa araw-araw na pamumuhay ng bawat Muslim. Sa pamamagitan ng buwan, ang mga Muslim ay nalalaman ang simula at katapusan ng mga buwan sa kanilang kalendaryong lunar. Sa pamamagitan ng araw, ang mga Muslim ay natatantiya ang mga oras ng pagdarasal at pag-aayuno.

 

Search Videos

Ang lahat po ng larawan na naitala o makikita dito ay kabahagi lamang ng mga ibat ibang programa o activities ng aming Islamic Dawah Center.

 

Go to top