FIQH

Tayammum – Ito ang natatanging paraan ng pagpahid ng mukha at dalawang kamay gamit ang malinis na lupa (o buhangin) sa layuning pagsamba kay Allah.

 

Nagkakaisa ang mga Islamikong pantas (ulama) hinggil sa kapahintulutan ng pagsasagawa ng tayammum bilang kapalit ng tubig (sa panahon na walang tubig). Ito ay ipinahintulot ni Allah sa ummah(3) ni Propeta Muhammad ﷺ bilang pagpapagaan para sa kanila. Si Allah ay nagsabi:

 

(وَإِنْ كُنْتُمْ مَرْضَى أَوْ عَلَى سَفَرٍ أَوْ جَاءَ أَحَدٌ مِنْكُمْ مِنَ الْغَائِطِ أَوْ لَامَسْتُمُ النِّسَاءَ فَلَمْ تَجِدُوا مَاءً فَتَيَمَّمُوا صَعِيدًا طَيِّبًا فَامْسَحُوا بِوُجُوهِكُمْ وَأَيْدِيكُمْ مِنْهُ) سورة المائدة: 6

"At kung kayo ay maysakit o di kaya’y nasa paglalakbay at nasa kalusugan naman kayo, o di kaya’y nagbawas kayo (na ang ibig sabihin ay umihi o dumumi kayo), o di kaya ay nakipagtalik kayo sa inyong asawa; at pagkatapos ay wala kayong makitang tubig, samakatuwid sa ganitong kadahilanan ay magsagawa kayo ng ‘Tayammum’ bilang panghalili – ang malumanay na paghahampas o pagdadampi ng inyong mga palad sa lupa at pagkatapos ay ipapahid sa inyong mga mukha at mga kamay."(4)

 

Mga Kondisyon ng Pagsasagawa ng Tayammum

  1. Ang Niyyah o intensyon
  2. Ang Islam (pagiging Muslim)
  3. Matinong Pag-iisip
  4. Wastong Edad
  5. Malinis na lupa (o buhangin)
  6. Sapat na dahilan sa hindi paggamit ng tubig (walang kakayahan sa paggamit ng tubig)

____________________

(1) Inulat ni Al-Bukhari (Hadeeth 249), at Muslim (Hadeeth 318)

(2) Ipinagbabawal sa taong junub ang pagbabasa ng Qur’an kahit sa kanyang mga sauladong talata mula sa Qur'an.

(3) Ummah: Pamayanan o nasyon

(4) Surah Al-Maidah, Ayah 6

Mga Nagpapawalang-Bisa sa Tayammum

  1. Ang lahat ng mga nakasisira o nagpapawalang-bisa sa wudhu ay gayundin namang nagpapawalang-bisa sa tayammum.
  2. Ang pagkakaroon ng sapat na tubig.
  3. Ang pagkakaroon ng kakayahan sa paggamit ng tubig (halimbawa, paggaling mula sa sakit).

 

Ang Pamamaraan ng Pagsasagawa ng Tayammum

 

  1. Ang niyyah o intensyon.
  2. Bigkasin ang "Bismillah."
  3. Ihampas o idikit ang magkabilang palad sa lupa o buhangin nang isang beses, at pagkatapos ay ihipan o itaktak.
  4. Ipahid sa mukha nang isang beses.
  5. Ipahid sa magkabilang kamay hanggang pulso nang isang beses, una ang kanan bago ang kaliwa.

 

Mga Puna hinggil sa Paksang tinalakay:

 

  • Ipinahihintulot ang pagsasagawa ng tayammum sa mga dingding, mesa, upuan, salamin ng sasakyan, at iba pang bagay na maaaring dikitan ng alikabok.
  • Ang hatol ng tayammum ay katulad ng tubig. Ang isang beses na tayammum ay sapat sa pagsasagawa ng dalawa o ilang beses na salah hangga't hindi ito nawawalan ng bisa.
  • Ipinahihintulot ang pagsasagawa ng tayammum sa mga sumusunod na kadahilanan:
  1. Walang matagpuang tubig.
  2. Ang paggamit ng tubig ay makasasama sa maysakit.
  3. Sobrang lamig ng tubig na maaaring magdulot ng sakit, at walang paraan upang mapainitan ito.
  4. Ang pagkuha ng tubig ay magdudulot ng kapahamakan o panganib sa buhay o ari-arian ng isang tao.
  5. Limitado lamang ang dami ng tubig na gagamitin sa pag-inom, pagluluto o sa pagtanggal ng dumi sa katawan.

 

 

 

 GHUSL 

GhuslIto ang natatanging pamamaraan ng pagligo o paglilinis ng buong katawan sa

pamamagitan ng tubig, sa layuning pagsamba kay Allah.

Ang pagsasagawa ng ghusl ay obligado kapag naganap ang isa sa mga kadahilanan ng pagiging obligado nito.

Mga halimbawa kung kailan nagiging obligado ang ghusl:

  1. Paglabas ng Maniy(1) (Halimbawa, pakikipagtalik sa asawa)
  2. Pagpasok ng “Hashafah”(2) o bahagi nito sa ari ng babae.
  3. Pagpasok sa Islam ng hindi Muslim (o ng taong tumalikod sa Islam).
  4. Paglipas ng haydh at nifas (para sa mga kababaihan).
  5. Pagkamatay ng tao (obligado na paliguan ang kanyang bangkay).

 

Mga Halimbawa kung kailan nagiging kanais-nais ang ghusl:

  1. Sa tuwing makikipagtalik.
  2. Sa araw ng Jumu’ah (Biyernes).(3)
  3. Sa araw ng ‘Eid(4) (‘Eidul-Ad-ha at ‘Eidul-Fitr)
  4. Sa pagsuot ng ihram(5) (sa pagsasagawa ng ‘umrah(6) at hajj(7)).
  5. Pagkatapos magpaligo ng patay.

 

Ang Pamamaraan ng Pagsasagawa ng Ghusl

Ito ay may dalawang pamamaraan:

  1. Pamamaraang Ganap at Kanais-nais – Ito ang pagsasagawa ng obligado at kanais-nais sa pagligo. Ang pagsasagawa nito:

Una, isapuso ang layunin. Pangalawa, bigkasin ang "Bismillah" at hugasan ang dalawang kamay ng tatlong beses. Pangatlo, hugasan ang ari sa pamamagitan ng kaliwang kamay. Pang-apat, magsagawa ng kumpletong wudhu. Panglima, kuskusin ng tubig ang ulo (una sa kanang bahagi) hanggang mabasa ang anit nito. Pang-anim, buhusan ng tubig ang buong katawan (una sa kanang bahagi).

 

____________________

(1) Maniy: Punlay o Semilya. Ito ay puting likido na malapot na lumalabas na pabulwak sanhi ng kainitan ng pagnanasa o kasiyahan.

(2) Hashafah: Ito ang ulo ng ari ng lalaki.

(3) Ayon kay Shiekh Muhammad ibn Salih Al-‘Uthaimeen ang pagligo sa araw ng Jumu’ah ay wajib (tingnan sa Silsilato Fatawa Nuron ‘alad-Darb p. 377).

(4) 'Eid: Piyesta sa Islam

(5) Ihram: Dalawang puting balabal na isinusuot sa pagsasagawa ng hajj at ‘umrah sa Makkah.

(6) 'Umrah: Natatanging pagsamba na isinasagawa sa Makkah sa kahit anong oras, araw o buwan. Ito ay binubuo ng tatlong haligi: pagsusuot ng ihram, pagsasagawa ng tawaf sa Ka’bah, at pagsasagawa ng sa’i.

(7) Hajj: Natatanging pagsamba na isinasagawa sa Makkah sa panahon ng Hajj isang beses sa buhay ng isang Muslim.

  1. Pamamaraang Bahagi lamang – Ito ang pagsasagawa ng obligado lamang sa pagligo.

Ang pagsasagawa nito: Una, isapuso ang layunin. Pangalawa, bigkasin ang "Bismillah" at hugasan ang dalawang kamay nang dalawa o tatlong beses. Pangatlo, magmumog. Pang-apat, magsinghot ng tubig. Panglima, hugasan ang mukha at braso. Pang-anim, buhusan ng tubig ang ulo, at ang buong katawan.(1)

 

Mga Gawaing Ipinagbabawal sa Taong Junub

  1. Ang pagsasagawa ng salah.
  2. Ang pagsasagawa ng tawaf.
  3. Ang pagbabasa ng Qur'an.(2)
  4. Ang paghawak sa Mus-haf.
  5. Ang pananatili sa loob ng masjid.

 

 

PAGPAHID NG TUBIG SA MEDYAS SAPATOS BENDA ,IMAMAH AT IBA PA 

Nagkakaisa ang Ahlussunah waljama’ah sa pagpahid ng tubig sa ibabaw ng medyas. Ito ay pinahintulutan ni Allah bilang pagpapagaan para sa Kanyang mga alipin. Ito ay isinagawa ni Propeta Muhammad ﷺ at ng kanyang mga Sahabah [Kasamahan (kalugdan nawa sila ni Allah)]. Naiulat ni Jarir ibn ‘Abdullah (kalugdan nawa siya ni Allah) na kanyang sinabi:

 

(رأيت رسول الله ﷺ بال ثم توضأ ومسح على خفيه). رواه البخاري ومسلم

“Nakita ko ang sugo ni Allah na umihi at pagkatapos ay nagsagawa ng wudhu, at kanyang pinahiran ng tubig ang kanyang dalawang medyas.”(2)

 

Mga Kondisyon ng Pagpahid ng Tubig sa Medyas

  1. Nakapagsagawa ng wudhu bago isuot ang medyas.
  2. Natatakpan ng medyas ang paa hanggang bukong-bukong.
  3. Ang medyas ay hindi mula sa pagnanakaw.
  4. Ang medyas ay hindi gawa mula sa balat na haram (o silk para sa mga kalalakihan).
  5. Hindi lalagpas sa hangganan ng oras ng pagpahid: tatlong araw at gabi (72 oras) para sa naglalakbay, at isang araw at gabi naman (24 oras) para sa hindi naglalakbay.

 

Mga Nagpapawalang-Bisa sa Pagpahid ng Tubig sa Medyas

  1. Kapag hinubad ang isa sa mga ito.
  2. Kapag nangyari ang Hadath Akbar [malaking karumihan (dapat maligo)].
  3. Kapag lumitaw ang ilang bahagi ng paa (bumaba ang medyas sa bukong-bukong).
  4. Kapag lumagpas sa hangganan ng takdang oras nito.

Mga Puna hinggil sa Paksang tinalakay:

 

  • Nagsisimula ang oras ng pagpahid ng tubig sa medyas sa unang pagpahid nito, -- ito ang pinakatumpak na opinyon ng mga ulama.
  • Ang pagpahid ng tubig sa medyas ay isang beses lamang sa ibabaw nito. Sinabi ni ‘Ali ibn Abi Talib (kalugdan nawa siya ni Allah):

 

(لو كان الدين بالرأي لكان أسفل الخف أولى بالمسح من أعلاه، وقد رأيت النبي ﷺ يمسح على ظاهر خفه).

رواه أبو داود والبيهقي

"Kung ang Islam ay ayon sa opinyon, tiyak na ang ilalim ng medyas ang dapat pahiran ng tubig kaysa sa ibabaw nito. Katotohanan, nakita ko ang Propeta na kanyang pinahiran ng tubig ang ibabaw ng kanyang medyas.”(3)

____________________

(1) 'Imamah: Ito ay tela na isinusuot sa ulo ayon sa pamamaraan ni Propeta Muhammad ﷺ.

(2) Inulat ni Al-Bukhari (Hadeeth 203), at Muslim (Hadeeth 272)

(3) Inulat ni Abu Dawud (Hadeeth 162), at Al-Baihaqi (1/292), ayon kay Al-Hafidh ibn Hajar ang Hadeeth na ito ay sahih.

 

Ang Paggamit ng Siwak at ang Sunan Al-Fitrah(2)

 

Siwak – Ito ang paggamit ng ‘Ood Araak (isang uri ng kahoy) at iba pa sa paglilinis ng ngipin at gilagid; upang matanggal ang anumang pagkain na nakasingit sa mga ngipin, at matanggal ang hindi kanais-nais na amoy ng bibig. Ang paglilinis ng ngipin sa pamamagitan ng siwak ay kanais-nais sa lahat ng oras maging sa mga araw ng pag-aayuno. Si Propeta Muhammad ﷺ ay nagsabi:

 (السواك مطهرة للفم مرضاة للرب). رواه البخاري و أحمد والنسائي وصححه الألباني

Ang siwak ay panlinis ng bibig na kalugud-lugod sa Panginoon.”(3)

 

            Siya ﷺ rin ay nagsabi:

(لو لا أن أشق على أمتي لأمرتهم بالسواك عند كل صلاة). رواه البخاري ومسلم

Kung hindi lamang magiging mahirap para sa aking ummah, tiyak na aking ipag-uutos sa kanila ang paggamit ng siwak sa bawat salah.”(4)

____________________

(1) Mus-haf: Ito ang Qur'an.

(2) Sunan Al-Fitrah: Likas na mga tradisyon (o mga paglilinis na ipinag-utos ni Allah sa Kanyang mga Propeta na dapat isagawa

      ng bawat Muslim).

(3) Inulat ni Al-Bukhari (2/40), Ahmad (6/47), at An-Nasai (1/10), ayon kay Sheikh Al-Bani ang Hadeeth na ito ay sahih.

(4) Inulat ni Al-Bukhari (Hadeeth 887), at Muslim (Hadeeth 252)

            Ipinahihintulot ang paggamit ng kanan o kaliwang kamay sa paglilinis ng ngipin sa pamamagitan ng siwak. Ang paggamit ng siwak ay hindi lamang bukod-tangi sa paggamit ng kanang kamay o kaliwang kamay. Ang sunnah(1) ay ang pagsisimula sa kanang bahagi ng ngipin. Ang paggamit ng siwak ay mainam sa tuwing magsasagawa ng wudhu, magbabasa ng Qur’an, magsasagawa ng salah, papasok sa masjid at bahay, matutulog, at sa tuwing nagbabago ang amoy ng bibig.

Ang Sunan Al-Fitrah

            Si Propeta Muhammad ﷺ ay nagsabi:

 

 

(خمس من الفطرة: الاستحداد والختان وقص الشارب ونتف الإبط وتقليم الأظافر). رواه البخاري ومسلم

“Lima mula sa fitrah: pag-ahit ng buhok sa paligid ng ari, pagpapatuli(2), paggupit ng bigote, pagbunot o pag-ahit ng buhok sa kilikili, pagputol ng koko.”(3)

 

         Siya ﷺ rin ay nagsabi:

 

 

)عشر من الفطرة: قص الشارب، وإعفاء اللحية، والسواك، واستنشاق الماء، وقص الأظفار، وغسل البراجم، ونتف الإبط، وحلق العانة، وانتقاص الماء) يعني الاستنجاء. قال مصعب بن شيبة – أحد رواة الحديث - : (ونسيت العاشرة, إلا أن تكون المضمضة). رواه مسلم

Sampu mula sa fitrah: paggupit ng bigote, pagpapanatili ng balbas, siwak, pagsinghot ng tubig, pagputol ng koko, paghuhugas ng mga buko ng daliri, pagbunot o pag-ahit ng buhok sa kilikili, pag-ahit ng buhok sa paligid ng ari, paghuhugas ng ari pagkatapos umihi o dumumi) ibig sabihin ay istinja. Ang sabi ni Mus’ab ibn Shaibah – isa sa mga nag-ulat ng Hadeeth - : (at nakalimutan ko ang pang-sampu, ngunit, maaaring pagmumog ng tubig).(4)

 

Ang Pamamaraan at Mabuting Asal sa Paggamit ng Palikuran

 

Ang Islam ay relihiyon ng kadalisayan at kaayusan. Isinasaayos nito ang buhay ng tao mula sa

Istinja – Ang paglilinis ng mga pribadong bahagi ng katawan sa pamamagitan ng malinis na tubig.

 

Istijmar – Ang paglilinis ng mga pribadong bahagi ng katawan sa pamamagitan ng mga malilinis na bagay katulad ng papel, tissue, bato, at iba pa. Ipinagbabawal ang paggamit ng mga maruruming bagay, pagkain at buto ng hayop sa pagsasagawa ng istijmar.

 

Ang pagsasama ng istinja at istijmar sa paglilinis ng pribadong bahagi ng katawan ay mas mainam, subalit, sapat na ang isa sa mga ito.

____________________

(1) Inulat ni Al-Bukhari (Hadeeth 5478), at Muslim (Hadeeth 1930)

(2) Maytah: Patay na hayop na hindi kinatay (maaaring namatay sa sakit, pagkalunod, pagkasakal at iba pa)

(3) Dabgh: Pagpapatuyo sa balat ng hayop bilang uri ng paglilinis nito

(4) Inulat ni At-Tirmidhi (Hadeeth 1650), at Muslim (Hadeeth 366)

(5) Haram: Ipinagbabawal; ang pagsasagawa sa bagay na ipinagbabawal ay isang kasalanan, ito ay pagsuway kay Allah.

Ang Paggamit ng Kanang Kamay sa Paglilinis

Ipinagbabawal ang paggamit ng kanang kamay sa paglilinis ng mga pribadong bahagi ng katawan, – istinja man o istijmar. Ang kanang kamay ay ginagamit sa mga malilinis na bagay katulad ng pagkain at inumin. Ito rin ang ginagamit sa pagsubo ng pagkain at pag-inom ayon sa paraan ni Propeta Muhammad ﷺ.

 

Ang Pagharap at Pagtalikod sa Qiblah(1)

Hindi ipinahihintulot ang pagharap at pagtalikod sa Qiblah sa pagbabawas (pagdumi at pag-ihi) na walang harang. Si Propeta Muhammad ﷺ ay nagsabi:

 

 

(إذا أتيتم الغائط، فلا تستقبلوا القبلة، ولا تستدبروها، ولكن شرِّقوا أو غرِّبوا). رواه البخاري ومسلم

Kapag kayo ay dudumi, huwag kayong haharap sa Qiblah, at huwag itong tatalikuran, ngunit pumihit sa kanan o kaliwa.”(2)

 

Subalit kung mayroong harang, katulad ng mga palikuran sa loob ng bahay, mall, palengke, at iba pa, ito ay pinahihintulutan sapagkat naiulat ni 'Abdullah ibn ‘Umar (kalugdan nawa siya ni Allah) sa Sahih Al-Bukhari at Muslim, na kanyang nakita ang Propeta ﷺ sa kanyang tahanan na umiihi habang nakaharap sa Sham at nakatalikod sa Ka’bah(3).(4) Kung ang palikuran sa loob o labas ng tahanan ay nakaharap o nakatalikod sa Qiblah, hindi ito kailangang baguhin upang ipihit mula sa Qiblah. Ang paggamit nito ay ipinahihintulot ayon sa Hadeeth na nabanggit. Gayunpaman, mas mainam na iwasan ang paggawa ng palikuran sa loob o labas ng tahanan na nakaharap o nakatalikod sa Qiblah.

 

Mga Kanais-nais na Gawain sa Paggamit ng Palikuran

  1. Bigkasin ang panalangin bago pumasok sa palikuran, (بسم الله اللهم إني أعوذبك من الخبث والخبائث) “Bismillahi Allahumma inniy a’udhobika minal khobothi wal-khabaa-ith.” "Sa Ngalan ni Allah, O Allah! Ako ay nagpapakupkop sa Iyo mula sa masama at demonyong kalalakihan at kababaihan."
  2. Unahin ang kaliwang paa sa pagpasok sa palikuran.
  3. Bigkasin ang panalangin sa paglabas mula sa palikuran, (غفرانك) “Ghufranak.” “O Allah! Hiling ko ang Iyong kapatawaran.”
  4. Unahin ang kanang paa sa paglabas mula sa palikuran.
  5. Huwag itaas ang kasuotan (o ibaba ang pantalon) hangga’t hindi pa nakakaupo.
  6. Magtungo sa lugar na malayo sa paningin ng tao.
  7. Maghugas ng kamay pagkatapos gumamit ng palikuran. Kung walang sabon, maaaring linisin ang mga kamay sa pamamagitan ng pagkuskos ng mga ito sa lupa o buhangin.

 

____________________

(1) Qiblah: Direksyon kung saan humaharap ang mga Muslim sa tuwing magsasagawa ng salah, ito ang kinaroroonan ng

      Ka’bah.

(2) Inulat ni Al-Bukhari (Hadeeth 144), at Muslim (Hadeeth 264)

(3) Ka'bah: Ito ay itinatag ni Propeta Abraham at ng kanyang anak na si Propeta Ismael (Sumakanila nawa ang kapayapaan) sa

      Makkah sa kapahintulutan ni Allah bilang pook sambahan ng mga mananampalataya.

(4) Inulat ni Al-Bukhari (Hadeeth 148), at Muslim (Hadeeth 266)

 

Mga Ipinagbabawal na Gawain sa Pagbabawas

  1. Ang paggamit ng kanang kamay sa paghugas at paghawak sa ari.
  2. Ang pagdumi o pag-ihi sa tubig na hindi dumadaloy.
  3. Ang pagdumi o pag-ihi sa mga lugar na karaniwang ginagamit ng mga tao kagaya ng daanan, tagpuang lugar at lugar na may lilim na madalas silungan ng mga tao.
  4. Ang pagdumi o pag-ihi sa pagitan ng mga puntod (o libingan) ng mga Muslim.
  5. Ang pagdumi o pag-ihi na nakaharap o nakatalikod sa Qiblah na walang harang.
  6. Ang pagdadala ng Qur'an sa loob ng palikuran.

 

Mga Hindi Kanais-nais na Gawain sa Pagbabawas

  1. Ang pag-ihi sa mga butas na lupa.
  2. Ang pagsalungat sa hangin sa pagdumi o pag-ihi, sapagkat, maaaring bumalik o tumalsik ang dumi o ihi sa damit o katawan.
  3. Ang pagsasalita sa loob ng palikuran. Magsalita lamang kung kinakailangan.
  4. Ang pag-ihi na nakatayo sapagkat maaaring tumalsik ang ihi sa damit o katawan.
  5. Ang pagdadala sa loob ng palikuran ng anumang bagay na may nakasulat na pangalan ni Allah, maliban lamang kung nangangambang ito ay mawawala kapag iniwan sa labas.

Puna hinggil sa Paksang tinalakay:

 

  • Hindi ipinahihintulot na ilagay sa alinmang bulsa ng pantalon ang mus-haf(1) bilang paggalang sa Salita ni Allah. Maaari itong ilagay sa bulsa ng damit malapit sa dibdib.

 

 

 

 

Ang Aniyah na gawa mula sa Ginto at Pilak

Ito ay maaaring gamitin sa anumang paggagamitan nito maliban sa pagkain at pag-inom sapagkat ito ay ipinagbawal ni Propeta Muhammad ﷺ. Siya ay nagsabi:

 

(لا تشربوا في آنية الذهب والفضة ولا تأكلوا في صحافها فإنها لهم في الدنيا ولكم في الآخرة). رواه البخاري ومسلم

Huwag kayong iinom sa sisidlan na gawa sa ginto at pilak, at huwag kayong kakain sa mga plato nito, sapagkat katotohanan, ito ay para sa kanila (na mga walang pananampalataya) sa mundo, at ito ay para sa inyo sa Kabilang-Buhay.”(6)

 

Siya ﷺ rin ay nagsabi:

(الذي يشرب في آنية الفضة إنما يجرجر في بطنه نار جهنم). رواه البخاري ومسلم

Ang sinumang umiinom sa sisidlan na gawa sa pilak ay katotohanang maghihilahod sa kanyang tiyan ang apoy ng Impiyerno.”(7)

 

Ang Aniyah ng mga Hindi Muslim

Ito ay ipinahihintulot na gamitin maliban lamang kung ito ay marumi. Ang mga ito ay dapat linisin nang mabuti bago gamitin. Inulat ni Abu Tha’labah Al-Khoshani na kanyang sinabi: “O Sugo ni Allah! Kami ay nasa lupa (o lugar) ng mga Ahlul Kitab (Kristiyano at Hudyo), maaari ba kaming kumain sa kanilang mga lalagyanan?"

____________________

(1) Halal: Malinis na pagkain, paggamit ng mga bagay na ipinahihintulot, karne ng hayop na kinatay sa Islamikong paraan.

(2) Inulat ni Al-Bukhari (Hadeeth 172), at Muslim (Hadeeth 279)

(3) Rijs: Napakarumi, kasuklam-suklam

(4) Surah Al-An’am, Ayah 145

(5) Aniyah: Mga sisidlan o lalagyanan ng tubig at iba pa

(6) Inulat ni Al-Bukhari (Hadeeth 5426), at Muslim (Hadeeth 2067)

(7) Inulat ni Al-Bukhari (Hadeeth 5634), at Muslim (Hadeeth 2065)

Ang Propeta ﷺ ay nagsabi:

 

(لا تأكلوا فيها إلا أن لا تجدوا غيرها فاغسلوها، ثم كلوا فيها). رواه البخاري ومسلم

Huwag kayong kakain sa mga ito, maliban lamang kung wala kayong makitang lalagyanan liban sa mga ito; hugasan ninyo, at pagkatapos ay kumain kayo sa pamamagitan ng mga ito.”(1)

 

Ang Aniyah na gawa mula sa Balat ng Maytah(2)

  1. Balat ng patay na hayop na maaaring kainin ang karne noong nabubuhay pa.

Ito ay ipinahihintulot na gamitin sa lahat ng paggagamitan nito pagkatapos linisin.

 

Si Propeta Muhammad ﷺ ay nagsabi:

 

)أيما إهاب دبغ فقد طهر). رواه الترمذي ومسلم

Anumang balat ang pagkatapos linisin sa pamamagitan ng dabgh(3) ay katiyakang naging malinis.”(4)

 

  1. Balat ng patay na hayop na hindi maaaring kainin ang karne.

Ito ay hindi ipinapahintulot na gamitin sa lahat ng paggagamitan nito kahit pagkatapos  

linisin.

 

Balat ng Hayop na Haram(5) kainin (katulad ng baboy)

Ito ay hindi ipinahihintulot na gamitin sapagkat ito ay marumi.

 

 


Ang Islam at ang Kaalaman


Ang Relihiyong Islam ay nag-aanyaya sa lahat ng tao upang maghanap at magdagdag ng kaalaman, pinupulaan nito ang kamangmangan at nagbibigay-babala ito laban sa pagtalikod sa pag-aaral.

Ang Allah ay nagwika:

(Itataas ng Allah sa antas ng sinuman sa inyo na (tunay na) mananampalataya at yaong mga pinagkalooban ng kaalaman.) (Qur’an 58:11). 

Itinuturing ng Islam na ang paghahanap ng kaalaman, pagsisikap na matuto, at pagtuturo ng kaalaman ay isang paraan upang makapasok sa Jannah (Paraiso).

Ang Sugo ng Islam na si Muhammad ay nagsabi:

“Sinumang maghanap ng kaalaman patungo sa landas ng Allah, ang Allah ay gagawing madali para sa kanya ang daan patungo sa Paraiso.” (Abu Dawud)


Ipinagbabawal ng Allah ang pagtatago ng kaalaman, sapagka’t ito ay isang tungkulin ng bawa′t isa na hanapin. Ang Sugo ng Islam na si Muhammad ay nagsabi:

“Sinumang magtago ng kaalaman ay bubusalan ang kanyang bibig ng isang busal ng Apoy sa Araw ng Pagbabangong-Muli.” (Ibn Hibbaan)

Kinikilala ng Islam nang may mataas na paggalang ang mga paham at inuutusan nito ang mga Muslim na bigyan sila ng kaukulang pitagan. Ang Sugo ng Islam na si Muhammad ay nagsabi:

“Hindi kabilang sa aking mga tagasunod, ang sinumang hindi marunong gumalang sa nakatatanda sa kanya, yaong hindi marunong magpakita ng habag sa nakababata sa kanya, at yaong hindi marunong magbigay ng kaukulang pitagan sa mga pantas.” (Ahmad)

Ang Sugo na si Muhammad ay ipinabatid sa atin ang katayuan at kalagayan ng mga pantas (ng Islam) sa pamamagitan ng kanyang mga sinabi:

“Ang kahusayan ng mga pantas (ng Islam) sa mga karaniwang tao ay katulad ng aking kahusayan sa pinaka-karaniwan sa inyo.” (Tirmidthi)

 

 


ILANG MGA MAGAGANDANG ARAL SA ISLAM PARA SA MGA MUSLIM

 


Ipinag-uutos ang pagiging mahinahon at hindi nagkukulang at hindi rin naman nagmamalabis sa Relihiyon (Deen). Ang Allah ay nagsabi, Qur'an, Kabanata Al-Baqarah, 2:185:

"… Ang Allah ay naglalayon na gawing magaan ito para sa inyo at hindi Niya ninanais na gawing mahirap ang mga bagay para sa inyo. (Nais lamang Niya) na isakatuparan sa ganap na kaayusan ang mga itinakdang araw ng pag-aayuno at Siya ay inyong luwalhatiin nang dahil sa patnubay na ipinagkaloob sa inyo upang kayo ay (matutong) magpasalamat sa Kanya."

At Ang Propeta ay nagsabi:

"Mag-ingat at iwasan ang pagiging mahigpit o mapagmalabis sa Relihiyon, tunay ang isang bagay na nakasira sa mga nauna sa inyo ay ang pagiging mapagmalabis sa Relihiyon." (Iniulat sa Saheeh ibn Hibban)

Ipinag-uutos ang kababaang-loob at ipinagbabawal ang pagmamataas at pagyayabang. Ang Allah ay nagsabi, Qur'an, Kabanata Luqmaan, 31:19:

"At maging mahinahon (huwag magpakita ng kagaspangan) sa inyong paglalakad, ibaba ang inyong mga tinig. Katotohanan, ang pinakamagaspang sa lahat ng tinig ay ang atungal ng isang asno."

Ang Propeta Muhammad ay nagsabi tungkol sa pagmamataas:

"Sinumang may pagmamalaki sa kanyang puso na kahit kasinlaki ng buto ng mustasa ay hindi makakapasok sa Paraiso." Ang isang tao ay nagtanong, 'O Propeta ng Allah, ang mga tao ay nagnanais magsuot ng mga magagandang kasuotan at mga sandalyas.' Ang Propeta ay nagsabi, 'Tunay na ang Allah ay Maganda at minamahal Niya ang magaganda. Ang pagmamataas ay yaong hindi tumatanggap ng katotohanan at ang kanyang pagtingin sa kapwa ay mababa." (Iniulat ni Imam Muslim)

Ang Propeta Muhammad ay nag-ulat tungkol sa mga taong mapagmalaki sa sarili:

"Sinuman ang kumakaladkad ng kanyang damit sa lupa nang may pagmamalaki, hindi siya titingnan ng Allah sa Araw ng Pagbabangong Muli." (Iniulat ni Imam Bukhari)

Ipinag-uutos sa mga tao na magdamayan sa kapwa at hindi dapat ikatuwa ang kalungkutan ng iba. Ang Propeta Muhammad ay nagsabi:

"Huwag maging masaya sa dinaranas na pighati ng iyong kapatid, maaaring magpakita ng habag ang Allah sa kanya at bigyan kayo ng pagsubok." (Iniulat ni Tirmidhi)

Ipinagbabawal sa mga Muslim ang manghimasok sa buhay ng iba kung wala silang kinalaman o kaugnayan tungkol dito. Ang Propeta ay nagsabi:

"Tunay na isang magandang pag-uugali ng isang Muslim ay ang hindi niya panghihimasok o pakikialam sa ibang wala siyang kaugnayan (o kinalaman)." (Iniulat ni Imam Tirmidhi)

Ipinag-uutos ang paggalang sa mga tao at ipinagbabawal ang pang-aalilipusta o panlalait. Ang Allah ay nagsabi, Qur'an, Kabanata Al-Hujuraat, 49:11:

"O, kayong Mananampalataya (mga Muslim)! Huwag na ang isang pangkat sa inyo ay alipustain ang isa pang pangkat, maaaring ang huli ay higit na mabuti kaysa sa una. Maging (ang ilan) sa kababaihan ay huwag alipustain ang ibang kababaihan, maaaring ang huli ay higit na mabuti kaysa sa una. Huwag apihin ang isa sa inyo o di kaya’y hamakin (laitin) ang isa sa pamamagitan ng pagtawag ng masakit na palayaw (o taguri). Sadyang napakasamang hamakin (laitin) ang isang kapatid pagkaraang ito ay nagkaroon ng pananampalataya (sa Allah). At sinuman ang hindi nagsisisi, magkagayon, sila yaong (itinuturing na mga) Dhaleem (mapaggawa ng kamalian)."

Ipinag-uutos ang pangangalaga nang may paninibugho sa kanilang 'maharims' at ipinagbabawal ang pakikipagtalik sa hindi asawa. Ang Propeta ay nagsabi:

"May tatlong uri ng tao na hindi makakapasok sa Paraiso; ang isang walang paggalang sa kanyang magulang, ang isang taong hinahayaan ang kanyang asawa (sa gawaing) bawal na pakikipagtalik at ang mga babaing tinutularan ang mga lalaki." (Mustadrak Al-Haakim)

Ipinagbabawal ang mga tumutulad sa magkabilang kasarian, sinabi ni Ibn 'Abbaas (radia-llahu ´anhu):

"Ang Propeta ng Allah ay isinusumpa ang mga lalaking tinutularan ang mga babae at gayon din ang mga babaing tinutularan ang mga lalaki." (Iniulat ni Imam Bukhari)

Ipinag-uutos sa mga tao ang pagpupunyagi sa paggawa ng mabuti sa kapwa, datapwa't ipinagbabawal ang panunumbat sa kanilang ginawang kabutihan. Ang Propeta Muhammad ay nagsabi:

"Kayo ay binabalaan at iwasan ang panunumbat sa mga ginawa ninyong kabutihan sa kanila, sa katunayan ito ay nagiging sanhi ng kawalan ng pasasalamat (sa ginawan ng buti) at pinapawi nito ang gantimpala (na dapat ay tatanggapin niya nang dahil sa ginawa niyang kabutihan)."

Pagkaraan Ang Propeta ay bumigkas ng Salita ng Allah: (Qur'an, Kabanata Al-Baqarah, 2:264):

"O kayong Mananampalataya (Muslim)! Huwag tulutang mawalang saysay ang inyong Sadaqah (kawanggawa) sa pamamagitan ng pagpapaalala ng iyong kabaitan o (pagyayabang) upang saktan (o sumbatan) ang pinagbigyan, katulad ng taong gumugugol ng kanyang yaman upang makita lamang ng ibang tao at hindi naman naniniwala sa Allah at sa Huling Araw."

Ipinag-uutos na huwag mag-isip ng masama sa kapwa at ipinagbabawal ang panunubok at ang paninira sa talikuran. Ang Allah ay nagsabi, Qur'an, Kabanata Al-Hujuraat, 49:12:

"O, kayong Mananampalataya (mga Muslim)! Iwasan ang labis na hinala sapagka't ang ibang panghihinala ay kasalanan. At huwag maniktik, o manirang puri sa isa’t isa. Nais ba ninyong kainin ang laman ng inyong patay na kapatid ? Inyong kasusuklaman ang gayon (na bagay). At matakot sa Allah. Katotohanan, ang Allah ay (Siyang) Tanging Nagpapatawad at tumatanggap ng pagsisisi, ang Maawain."

Ipinag-uutos na pangalagaan ang dila sa lahat ng masasamang pananalita at dapat niyang gamitin ito sa mabuti para sa kanyang kabutihan o sa panlipunan, tulad ng pag-alaala sa Allah at ang pagpayo sa muling pagkakasundo ng mga tao. Gayon din, ipinagbabawal gamitin ang dila sa kasamaan. Ang Propeta ay nagsabi:

"Ang mga tao ba ay itinatapon sa Impiyerno ng una ang mukha at ilong dahil lamang sa natatamo at inaani ng kanilang dila?" (Iniulat ni Tirmidhi)

Ipinag-uutos ang pakikitungo nang mabuti sa mga kapitbahay at ipinagbabawal ang pananakit sa kanila. Ang Propeta ay nagsabi:

"Isinusumpa ko sa Allah, siya ay hindi tunay na Mananampalataya! Isinusumpa ko sa Allah, siya ay hindi tunay na Mananampalataya! Isinusumpa ko sa Allah, siya ay hindi tunay na Mananampalataya!' At may nagtanong, 'Sino siya o Propeta ng Allah?' (ang inyong tinutukoy). Siya ay sumagot, 'Siya na hindi ligtas ang kanyang kapitbahay mula sa kanyang kasamaan."

Ipinag-uutos na piliin ang mga mabubuting kasamahan at ipinagbabawal ang mga masasamang kasamahan. Ang Propeta ay nagsabi:

"Ang halimbawa ng isang mabuti at masamang kasamahan ay tulad ng isang taong may dala-dalang pabango at ang isang taong panday. Maaaring ang isang taong may dalang pabango ay magbigay o ikaw ay pagbilhan o kaya naman mayroon kang makukuhang nakalulugod o kasiya-siyang amoy. Datapwa't sa isang panday maaaring masunog ang kanyang damit o kaya naman masamang amoy ang makukuha mula sa kanya." (Iniulat ni Imam Al-Muslim)

 

ANG AKLAT NG TAHARAH

 

Ang Taharah


Taharah
– Ito ay salitang Arabe na ang literal na kahulugan ay kadalisayan o kalinisan. Ito ang paglilinis o pagdadalisay sa sarili mula sa anumang uri ng karumihan.

Hadath – Anumang uri ng karumihan (sa katawan o kasuotan) na ipinagbabawal sa salah(1) o anumang pagsamba na nangangailangan ng taharah.

 

  • Ang Taharah sa Islamikong pagpapakahulugan ay may dalawang Uri:
    • Taharah Ma’nawiyyah

Ito ang kalinisan ng puso mula sa mga kasalanan at pagtatambal kay Allah. Ito ay higit na mahalaga kaysa sa kalinisan ng katawan sapagkat ang pagtatambal ang pinakamalaking kasalanan sa paningin ni Allah. Si Allah ay nagsabi sa Qur'an(2):

 

(إِنَّ اللَّهَ لَا يَغْفِرُ أَن يُشْرَكَ بِهِ وَيَغْفِرُ مَا دُونَ ذَٰلِكَ لِمَن يَشَاءُ ۚ وَمَن يُشْرِكْ بِاللَّهِ فَقَدِ افْتَرَىٰ إِثْمًا عَظِيمًا)

سورة النساء: 48

"Katiyakan, si Allâh, hindi Niya pinatatawad at hindi Niya pinalalampas ang kasalanan ng sinumang sumamba ng iba bukod sa Kanya mula sa Kanyang mga nilikha; o di kaya ay nakagawa ng pagtanggi na kahit na anumang uri ng pagtanggi o di-paniniwala; subali’t pinatatawad Niya ang anumang kasalanan maliban sa ‘Shirk’ na ito, sa sinumang Kanyang nais mula sa Kanyang mga alipin; na kung kaya, ang sinumang nagsagawa ng pagtatambal o ‘Shirk’ sa pagsamba kay Allâh ay walang pag-aalinlangan na nakagawa siya ng napakalaking pagkakasala."(3)

 

  • Taharah Hissiyyah

Ito ang pisikal na kalinisan mula sa anumang karumihan. Anumang uri ng dumi na ipinagbabawal sa salah ay obligadong matanggal kung ito ay nakadikit sa katawan (o kasuotan ng magsasagawa ng salah) upang maging katanggap-tanggap ang kanyang salah. Ang kalinisan ay kabilang sa mga kondisyon ng salah. Ito ay obligasyon ng bawat Muslim. Si Propeta Muhammad ﷺ ay nagsabi:

 

(الطُّهُورُ شَطْرُ الإِيمَانِ). رواه مسلم وأحمد

"Ang kalinisan ay kalahati ng pananampalataya.”(4)

 

 

 

____________________

(1) Salah: Ang natatanging pagsamba, pagdarasal, pagpupuri at pasasalamat ng mga Muslim kay Allah.

(2) Qur'an: Ito ang Huling Kapahayagan mula kay Allah. Ito ay purong salita ni Allah na Kanyang ipinahayag sa Kanyang huling sugo na si Muhammad ﷺ sa pamamagitan ni Anghel Gabriel. Ang pagbabasa nito ay isang uri ng pagsamba. Ito ay nagsisimula sa Surah Al Fatihah at nagtatapos sa Surah an-Nas.

(3) Surah An-Nisa, Ayah 48

(4) Inulat ni Muslim (Hadeeth 223), at Ahmad (Hadeeth 22902)

 

  • Dalawang uri ng Taharah Hissiyah:
    • Taharato Hadath

Ito ay tumutukoy lamang sa karumihan ng katawan. Ito ay may dalawang uri:

  1. Hadath Asgar (Maliit na Karumihan). Ito ay nangangailangan lamang ng wudhu, katulad ng pagdumi at pag-ihi.
  2. Hadath Akbar (Malaking Karumihan). Ito ay nangangailangan ng ghusl (ligo), katulad ng paglabas ng maraming punlay sanhi ng pakikipagtalik sa asawa o panaginip.
    • Taharato Khabath  Ito ay tumutukoy sa karumihan ng katawan, kasuotan at lugar.

 

Ang Paggamit ng Tubig sa Paglilinis

            Ang tubig ay kabilang sa mga biyayang ipinagkaloob ni Allah sa Kanyang mga nilikha. Ito ay kabilang sa mga pangangailangan ng tao, na kung maglaho ay magdudulot ng kapahamakan sa kanyang buhay. Bilang Habag ni Allah, Siya ay lumikha ng tubig-ulan mula sa kalangitan upang magamit ng mga tao liban pa sa mga ilog at karagatan na kanilang pinakikinabangan. Ang mga tao, Muslim man o hindi Muslim, ay magkatulad na nakikinabang sa tubig sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay. Ngunit ang kaibahan at kahigtan ng Muslim ay ang paggamit nito hindi lamang sa kanyang mga pangangailangan, kundi sa kanyang mga pagsamba at pagdakila kay Allah. Ang pag-aaksaya sa paggamit nito, maging sa mga pagsamba kay Allah, ay ipinagbabawal ayon sa batas ng Islam.

 

Ang usaping kalinisan ay hindi lamang katuruan sa Islam, bagkus ito ay isang kautusan, na siyang kaganapan ng pananampalataya ng bawat Muslim. Ang tubig ang pangunahing gamit ng Muslim sa paglilinis upang sambahin si Allah. Kaya't ang paggamit nito ay isa sa mga gawaing pinaglaanan ng Islam ng batas.

 

  • Dalawang Uri ng Tubig:
  1. Malinis na Tubig

Ito ang tubig na nananatili sa likas nitong anyo ng pagkakalikha. Ang tubig na ito ang pangunahing gamit sa paglilinis ng anumang karumihan. Ang mga halimbawa nito ay ulan, tubig mula sa ilog, lawa, dagat, balon at iba pa.

 

Si Allah ay nagsabi:

 

(وَيُنَزِّلُ عَلَيْكُمْ مِنَ السَّمَاءِ مَاءً لِيُطَهِّرَكُمْ بِهِ) سورة الأنفال: 11

"At ibinaba para sa inyo ang tubig-ulan mula sa ulap; upang linisin kayo mula sa pisikal na karumihan."(1)

           

Siya rin ay nagsabi:

 

(وَأَنْزَلْنَا مِنَ السَّمَاءِ مَاءً طَهُورًا) سورة الفرقان: 48

"At ibinaba Namin mula sa kalangitan ang dalisay na tubig bilang paglilinis."(2)

____________________

(1) Surah Al-Anfal, Ayah 11

(2) Surah Al-Furqan, Ayah 48

 

Si Propeta Muhammad ﷺ ay nagsabi hinggil sa tubig-dagat,

 

(هو الطهور ماؤه، الحلُّ ميتته). أخرجه أبو داود والترمذي والنسائي وابن ماجه وصححه الألباني

“Ang tubig nito ay malinis, at ang maytah (patay na hayop) nito ay halal.”(1)

 

  1. Maruming Tubig Ito ang tubig na nagbago ang kanyang likas na anyo; kapag nagbago ang kanyang amoy, lasa at kulay, o isa man sa mga ito, nang dahil sa maruming bagay na naihalo rito, ay hindi maaaring gamitin sa paglilinis. Ang mga halimbawa nito ay tubig-kanal, tubig mula sa toilet bowl, isang basong tubig na napatakan ng dugo o ihi o dumi na nagbago sa likas nitong anyo, at iba pa.

Mga Puna hinggil sa Paksang tinalakay:

 

  • Anumang tubig na tuluyang nagbago ang amoy, o lasa, o kulay nito kahit na ito ay malinis, katulad ng softdrinks, sabaw, buko juice, kape, tsaa at iba pa ay hindi maaaring gamitin sa paglilinis ng katawan.
  • Ang Qullatayn ay dalawang Qullah.(2) Ang bawat isang qullah ay katumbas ng 160.5 liters (160.5 liters X 2 qullah = 321 liters). Si Propeta Muhammad ﷺ ay nagsabi:

 

ذا بلغ الماء قلتين لم يحمل الخبث). أخرجه أحمد وأبو داود والترمذي والنسائي وابن ماجه وصححه الألباني

 

Kapag umabot ang tubig sa qullatayn, hindi ito nababago ng dumi.”(3)

 

  • Ang tubig na nahaluan ng mga bagay na malinis katulad ng sabon, lupa, mga dahon ng puno, at iba pa ay maaaring gamitin sa paglilinis kung hindi nito tuluyang nabago ang likas na anyo ng tubig.
  • Ang tubig na ginamit sa wudhu ay maaaring gamitin muli sa paglilinis kung hindi nagbago ang amoy, lasa o kulay nito. Inulat ni Imam Al-Bukhari, kapag ang Propeta ﷺ ay nagsasagawa ng wudhu, ang mga Sahabah [kasamahan ng Propeta ﷺ (kalugdan nawa sila ni Allah)] ay halos maglaban-laban sa pagsalo ng tubig mula sa kanyang wudhu.(4) Gayundin naman, inulat ni Al-Bukhari at Muslim, nang si Jabir (kalugdan nawa siya ni Allah) ay nagkasakit, binuhusan siya ng Propeta ﷺ ng tubig na kanyang ginamit sa kanyang wudhu.(5)
  • Ang tubig na nabilad sa araw o pinakuluan sa pamamagitan ng kuryente o apoy ay maaaring gamitin sa paglilinis ng katawan, damit at iba pa.

 

 

____________________

(1) Inulat ni Abu Dawud (Hadeeth 83), At-Tirmidhi (Hadeeth 69), An-Nasai (Hadeeth 59), at Ibn Majah (Hadeeth 3246), ayon

      kay Sheikh Al-Bani ang Hadeeth na ito ay sahih.

(2) Qullah: Imbakan ng tubig, paso o timba

(3) Inulat ni Ahmad (2/27), Abu Dawud (Hadeeth 63), At-Tirmidhi (Hadeeth 67), A-Nasai (Hadeeth 52), Ibn Majah (Hadeeth     

      517), ayon kay Sheikh Al-Bani ang Hadeeth na ito ay sahih.

(4) Inulat ni Al-Bukhari (Hadeeth 189)

(5) Inulat ni Al-Bukhari (Hadeeth 5651), at Muslim (Hadeeth 1616)

 

  • Ang natirang tubig mula sa ininom ng tao, Muslim man o hindi Muslim, haydh (may regla) man o junub (nasa estado ng janaba, halimbawa; nakipagtalik sa asawa), ay malinis; gayundin naman ang tubig na ininom ng mga hayop na halal(1) kainin katulad ng kambing, kalabaw, baka at iba pa, at ang mga hayop na katulad ng tigre, pusa, agila, at iba pa, kung hindi nagbago ang amoy, lasa at kulay ng tubig. Ngunit sa mga hayop na hindi halal ang karne katulad ng baboy at aso, ito ay marumi. Si Propeta Muhammad ﷺ ay nagsabi:

 

 (طهور إناء أحدكم إذا ولغ فيه الكلب، أن يغسله سبع مرات، أولاهن بالتراب). رواه البخاري ومسلم

Ang paglinis ng inyong sisidlan (lagyanan ng tubig at pagkain) kapag dinilaan ng aso, ay ang paghugas nito ng pitong ulit; una sa mga ito ay sa pamamagitan ng lupa.”(2)

 

Ang baboy ay binanggit ni Allah sa Qur’an bilang “Rijs”.(3) Si Allah ay nagsabi:

 

(أَوْ لَحْمَ خِنْزِيرٍ فَإِنَّهُ رِجْسٌ) سورة الأنعام: 145

 "O di kaya ito ay laman ng baboy dahil sa ito ay marumi."(4)

 

Ang Paggamit ng Aniyah(5)


Ang Aniyah na gawa mula sa Ginto at Pilak

Ito ay maaaring gamitin sa anumang paggagamitan nito maliban sa pagkain at pag-inom sapagkat ito ay ipinagbawal ni Propeta Muhammad ﷺ. Siya ay nagsabi:

 

(لا تشربوا في آنية الذهب والفضة ولا تأكلوا في صحافها فإنها لهم في الدنيا ولكم في الآخرة). رواه البخاري ومسلم

Huwag kayong iinom sa sisidlan na gawa sa ginto at pilak, at huwag kayong kakain sa mga plato nito, sapagkat katotohanan, ito ay para sa kanila (na mga walang pananampalataya) sa mundo, at ito ay para sa inyo sa Kabilang-Buhay.”(6)

 

Siya ﷺ rin ay nagsabi:

(الذي يشرب في آنية الفضة إنما يجرجر في بطنه نار جهنم). رواه البخاري ومسلم

Ang sinumang umiinom sa sisidlan na gawa sa pilak ay katotohanang maghihilahod sa kanyang tiyan ang apoy ng Impiyerno.”(7)

 

Ang Aniyah ng mga Hindi Muslim

Ito ay ipinahihintulot na gamitin maliban lamang kung ito ay marumi. Ang mga ito ay dapat linisin nang mabuti bago gamitin. Inulat ni Abu Tha’labah Al-Khoshani na kanyang sinabi: “O Sugo ni Allah! Kami ay nasa lupa (o lugar) ng mga Ahlul Kitab (Kristiyano at Hudyo), maaari ba kaming kumain sa kanilang mga lalagyanan?"

____________________

(1) Halal: Malinis na pagkain, paggamit ng mga bagay na ipinahihintulot, karne ng hayop na kinatay sa Islamikong paraan.

(2) Inulat ni Al-Bukhari (Hadeeth 172), at Muslim (Hadeeth 279)

(3) Rijs: Napakarumi, kasuklam-suklam

(4) Surah Al-An’am, Ayah 145

(5) Aniyah: Mga sisidlan o lalagyanan ng tubig at iba pa

(6) Inulat ni Al-Bukhari (Hadeeth 5426), at Muslim (Hadeeth 2067)

(7) Inulat ni Al-Bukhari (Hadeeth 5634), at Muslim (Hadeeth 2065)

Ang Propeta ﷺ ay nagsabi:

 

(لا تأكلوا فيها إلا أن لا تجدوا غيرها فاغسلوها، ثم كلوا فيها). رواه البخاري ومسلم

Huwag kayong kakain sa mga ito, maliban lamang kung wala kayong makitang lalagyanan liban sa mga ito; hugasan ninyo, at pagkatapos ay kumain kayo sa pamamagitan ng mga ito.”(1)

 

Ang Aniyah na gawa mula sa Balat ng Maytah(2)

  1. Balat ng patay na hayop na maaaring kainin ang karne noong nabubuhay pa.

Ito ay ipinahihintulot na gamitin sa lahat ng paggagamitan nito pagkatapos linisin.

 

Si Propeta Muhammad ﷺ ay nagsabi:

 

)أيما إهاب دبغ فقد طهر). رواه الترمذي ومسلم

Anumang balat ang pagkatapos linisin sa pamamagitan ng dabgh(3) ay katiyakang naging malinis.”(4)

 

  1. Balat ng patay na hayop na hindi maaaring kainin ang karne.

Ito ay hindi ipinapahintulot na gamitin sa lahat ng paggagamitan nito kahit pagkatapos  

linisin.

 

 

 

Ang Pamamaraan at Mabuting Asal sa Paggamit ng Palikuran

 

Ang Islam ay relihiyon ng kadalisayan at kaayusan. Isinasaayos nito ang buhay ng tao mula sa araw ng kanyang kapanganakan hanggang sa araw ng kanyang pagpanaw. Kabilang sa mga kaayusang ito ang mga mabubuting asal at pamamaraan sa paggamit ng palikuran batay sa katuruan ng huling Propeta na si Muhammad ﷺ.

 

Ang Istinja at Istijmar

Istinja – Ang paglilinis ng mga pribadong bahagi ng katawan sa pamamagitan ng malinis na tubig.

 

Istijmar – Ang paglilinis ng mga pribadong bahagi ng katawan sa pamamagitan ng mga malilinis na bagay katulad ng papel, tissue, bato, at iba pa. Ipinagbabawal ang paggamit ng mga maruruming bagay, pagkain at buto ng hayop sa pagsasagawa ng istijmar.

 

Ang pagsasama ng istinja at istijmar sa paglilinis ng pribadong bahagi ng katawan ay mas mainam, subalit, sapat na ang isa sa mga ito.

____________________

(1) Inulat ni Al-Bukhari (Hadeeth 5478), at Muslim (Hadeeth 1930)

(2) Maytah: Patay na hayop na hindi kinatay (maaaring namatay sa sakit, pagkalunod, pagkasakal at iba pa)

(3) Dabgh: Pagpapatuyo sa balat ng hayop bilang uri ng paglilinis nito

(4) Inulat ni At-Tirmidhi (Hadeeth 1650), at Muslim (Hadeeth 366)

(5) Haram: Ipinagbabawal; ang pagsasagawa sa bagay na ipinagbabawal ay isang kasalanan, ito ay pagsuway kay Allah.

Ang Paggamit ng Kanang Kamay sa Paglilinis

Ipinagbabawal ang paggamit ng kanang kamay sa paglilinis ng mga pribadong bahagi ng katawan, – istinja man o istijmar. Ang kanang kamay ay ginagamit sa mga malilinis na bagay katulad ng pagkain at inumin. Ito rin ang ginagamit sa pagsubo ng pagkain at pag-inom ayon sa paraan ni Propeta Muhammad ﷺ.

 

Ang Pagharap at Pagtalikod sa Qiblah(1)

Hindi ipinahihintulot ang pagharap at pagtalikod sa Qiblah sa pagbabawas (pagdumi at pag-ihi) na walang harang. Si Propeta Muhammad ﷺ ay nagsabi:

 

 

(إذا أتيتم الغائط، فلا تستقبلوا القبلة، ولا تستدبروها، ولكن شرِّقوا أو غرِّبوا). رواه البخاري ومسلم

“Kapag kayo ay dudumi, huwag kayong haharap sa Qiblah, at huwag itong tatalikuran, ngunit pumihit sa kanan o kaliwa.”(2)

 

Subalit kung mayroong harang, katulad ng mga palikuran sa loob ng bahay, mall, palengke, at iba pa, ito ay pinahihintulutan sapagkat naiulat ni 'Abdullah ibn ‘Umar (kalugdan nawa siya ni Allah) sa Sahih Al-Bukhari at Muslim, na kanyang nakita ang Propeta ﷺ sa kanyang tahanan na umiihi habang nakaharap sa Sham at nakatalikod sa Ka’bah(3).(4) Kung ang palikuran sa loob o labas ng tahanan ay nakaharap o nakatalikod sa Qiblah, hindi ito kailangang baguhin upang ipihit mula sa Qiblah. Ang paggamit nito ay ipinahihintulot ayon sa Hadeeth na nabanggit. Gayunpaman, mas mainam na iwasan ang paggawa ng palikuran sa loob o labas ng tahanan na nakaharap o nakatalikod sa Qiblah.

 

Mga Kanais-nais na Gawain sa Paggamit ng Palikuran

  1. Bigkasin ang panalangin bago pumasok sa palikuran, (بسم الله اللهم إني أعوذبك من الخبث والخبائث) “Bismillahi Allahumma inniy a’udhobika minal kubshi wal khabaith  .” "Sa Ngalan ni Allah, O Allah! Ako ay nagpapakupkop sa Iyo mula sa masama at demonyong kalalakihan at kababaihankhobothi wal-khabaa-ith."
  2. Unahin ang kaliwang paa sa pagpasok sa palikuran.
  3. Bigkasin ang panalangin sa paglabas mula sa palikuran, (غفرانك) “Ghufranak.” “O Allah! Hiling ko ang Iyong kapatawaran.”
  4. Unahin ang kanang paa sa paglabas mula sa palikuran.
  5. Huwag itaas ang kasuotan (o ibaba ang pantalon) hangga’t hindi pa nakakaupo.
  6. Magtungo sa lugar na malayo sa paningin ng tao.
  7. Maghugas ng kamay pagkatapos gumamit ng palikuran. Kung walang sabon, maaaring linisin ang mga kamay sa pamamagitan ng pagkuskos ng mga ito sa lupa o buhangin.

 

____________________

(1) Qiblah: Direksyon kung saan humaharap ang mga Muslim sa tuwing magsasagawa ng salah, ito ang kinaroroonan ng

      Ka’bah.

(2) Inulat ni Al-Bukhari (Hadeeth 144), at Muslim (Hadeeth 264)

(3) Ka'bah: Ito ay itinatag ni Propeta Abraham at ng kanyang anak na si Propeta Ismael (Sumakanila nawa ang kapayapaan) sa

      Makkah sa kapahintulutan ni Allah bilang pook sambahan ng mga mananampalataya.

(4) Inulat ni Al-Bukhari (Hadeeth 148), at Muslim (Hadeeth 266)

 

Mga Ipinagbabawal na Gawain sa Pagbabawas

  1. Ang paggamit ng kanang kamay sa paghugas at paghawak sa ari.
  2. Ang pagdumi o pag-ihi sa tubig na hindi dumadaloy.
  3. Ang pagdumi o pag-ihi sa mga lugar na karaniwang ginagamit ng mga tao kagaya ng daanan, tagpuang lugar at lugar na may lilim na madalas silungan ng mga tao.
  4. Ang pagdumi o pag-ihi sa pagitan ng mga puntod (o libingan) ng mga Muslim.
  5. Ang pagdumi o pag-ihi na nakaharap o nakatalikod sa Qiblah na walang harang.
  6. Ang pagdadala ng Qur'an sa loob ng palikuran.

 

Mga Hindi Kanais-nais na Gawain sa Pagbabawas

  1. Ang pag-ihi sa mga butas na lupa.
  2. Ang pagsalungat sa hangin sa pagdumi o pag-ihi, sapagkat, maaaring bumalik o tumalsik ang dumi o ihi sa damit o katawan.
  3. Ang pagsasalita sa loob ng palikuran. Magsalita lamang kung kinakailangan.
  4. Ang pag-ihi na nakatayo sapagkat maaaring tumalsik ang ihi sa damit o katawan.
  5. Ang pagdadala sa loob ng palikuran ng anumang bagay na may nakasulat na pangalan ni Allah, maliban lamang kung nangangambang ito ay mawawala kapag iniwan sa labas.

Puna hinggil sa Paksang tinalakay:

 

Hindi ipinahihintulot na ilagay sa alinmang bulsa ng pantalon ang mus-haf(1) bilang paggalang sa Salita ni Allah. Maaari itong ilagay sa bulsa ng damit malapit sa

 

Search Videos

Ang lahat po ng larawan na naitala o makikita dito ay kabahagi lamang ng mga ibat ibang programa o activities ng aming Islamic Dawah Center.

 

Go to top