Comparative in Tagalog

 

Kung tutuusin, ang paniniwalang ito ay walang anumang batayan sa mga tinuran ni Hesus (as). Bagkus ang Bibliya ay nagtataglay ng mga talatang sumasalungat sa ganitong paniniwala.

Ayon sa Ebanghelyo ni Juan mababasa ang ganito "Nang makita siya ng mga punong saserdote at ng mga bantay sila'y sumigaw: Ipako siya sa krus! Ipako sa krus! Ngunit sinabi ni Pilato: Kunin ninyo siya at kayo ang magpako sa krus, para sa akin ay wala akong makitang dahilan upang isakdal siya. Sinagot siya ng mga Hudyo: May kautusan kami, at ayon sa kautusang iyon, dapat siyang mamatay sapagka't nagpapanggap siyang "anak ng Diyos." (Juan 19:6-8)

     Ang Ebanghelyo ni Mateo ay kanyang sinimulan ng talaan ng angkan ni Hesus. Siya ay nagsabi: "Ito ang  talaan ng angkan ni Hesu-Kristo na mula sa angkan ni  David na buhat sa lahi ni Abraham".(Mateo 1:1)

    Ang talaang ito ay isang pagpapatunay na si Hesus ay isang tao na sadyang hindi naaayon sa mga sinasabi tungkol sa kanya bilang anak ng Diyos. Kapansin-pansin na ang katawagang "anak ng Diyos" ay pilit na itinatangi lamang kay Hesus –kaya naman siya raw ay anak ng Diyos sa literal na kahulugan nito.

     Ang katotohanan, hindi lamang si Hesus ang tinatawag na anak ng Diyos. Bagkus  ang  Bibliya ay nagsasaad na may ibang mga Propeta, mga tao at mga bansang binigyan ng katawagang "anak ng Diyos". Upang mapatunayan ito , basahin ang  (Exodus 4:22, Mga awit 2:7, 1-mga Cronica 22:9-10, Mateo 5:9, Lukas 3:38 at Juan 1:12).

Ngayon ng katanungan, bakit ang mga naturang tao na tinawag na anak ng Diyos ay hindi ini-angat sa antas tulad ng ginawang pag-angat kay Hesus?

Ayon sa Ebanghelyo ni Juan, ang katawagang "anak ng Diyos" ay nangangahulungang isang taong matapat na sumasampalataya sa Diyos.

 Siya ay nagsabi: "Ngunit, ang lahat ng tumanggap at nanalig sa Kanya ay pinagkalooban Niya ng karapatang maging anak ng Diyos."

Samakatuwid baga'y ang lahat ng sumasampalataya sa Kanyang pangalan ay matatawag na anak ng Diyos.

 


Ang ganitong paniniwala ay hindi makikita sa anumang rebelasyon na nagmula sa Diyos. Kaya naman, ang Kristiyanismo ay walang katibayan tungkol dito maging sa Bibliya. Ang walang pagkiling na pagsisiyasat sa mga turo ni Hesus ayon sa Injeel (Ebanghelyo) ay tiyak na makikita na ang pinakabuod na kanyang mensahe ay ang pag-aanyaya sa paniniwala sa Allah, ang pagtuturo na ang DIYOS ay walang kawangis sa Kanyang mga nilikha, Ang pagtuturo na ang lahat maliban sa Allah ay walang anumang katangiang pagka-Diyos at nagtuturo na ang Allah lamang ang karapat-dapat pag-ukulan ng pagsamba.
Kung ating babasahin ang mga nabanggit na mga talata sa Bibliya, (Lucas 24:18-19, Lucas 7:16, Mga Gawa 2:22, Juan 17:3, at Barnabas 1:94), tunay na ang mga sinasabi namin ay pawang katotohanan na walang pag-aalinlangan. Bukod pa rito, ang Kristiyanismo ay nagpapalagay na ang Diyos ay may tatlong persona na magkakapantay: Ang Ama (ang una) ang Anak (ang pangalawa) at ang Espiritu Santo (ang ikatlo).
Ito ay malayo sa katotohanan, sapagka't ang Kristiyanismo mismo ay naniniwala na ang Espiritu ay nagmula sa Ama at Anak. Samakatuwid, hindi maaring maging pantay sa pagiging walang simula ang tatlong persona kung ang ikatlo ay nagmula sa dalawang higit na nauna sa kanya. Gayundin naman, ang bawat isa sa kanila ay may sariling mga katangian nauukol lamang sa kanya na hindi maaring iukol sa iba. At ang Ama ay laging nasa unahan, kasunod niya ang anak at kasunod naman nito ang Espiritu Santo….

Ngunit kailanmana'y hindi ginawang baligtarin ang pagkakasunod-sunod ng Trinidad, halimbawa gawing una ang Espiritu Santo at ang anak ang nasa ikalawa at ang Ama ang nasa ikatlong antas. Ang ganitong pagkakasunod-sunod ay itinuturing nilang isang kawalang pananampalataya sa diyos at paglabag sa Relihiyon. Kaya't paano maging magkapantay ang mga ito? Gayon din, ang pagtawag na "Banal" na Espiritu Santo ay isa pang patunay ang hindi pagkakapantay.

5.) Ang paniniwalang si Hesus (as) ay ipinako at namatay sa krus.
Ang ganitong paniniwala ay pinabulaanan mismo ng Bibliya, sapagka't ayon na rin dito, ang taong ipinako ay isinumpa. Ayon sa Deuteronomio ang mababasa ay ganito: "Huwag ninyong pabayaang magdamag na nakabitin ang bangkay. Dapat siyang ilibing sa araw ring iyon, sapagka't sinumang ibinitin sa kahoy ay isinumpa ng Diyos, huwag ninyong abusuhin ang lupaing ibinigay sa inyo ng Panginoon ninyong Diyos." (Deuteronomio 21:23)
Ayon sa Ebanghelyo ni Lucas, binanggit na si Hesus ay iniligtas ng Allah mula sa masamang balak ng mga Hudyo, anupa't hindi nila naipako si Hesus. "Tumayo silang lahat at itinaboy siya sa labas ng bayan, hanggang sa taluktok ng burol para ibulid sa bangin. Datapuwa't, nagdaan siya sa kalagitnaan nila at umalis." (Lucas 4:29-30)
Ayon naman sa Ebanghelyo in Juan nabanggit ang ganitong talata:
"Dumampot sila ng mga bato upang siya ay batuhin, ngunit nagtago si Hesus at patalilis na umalis sa loob ng Templo". (Juan 8:59)
"Muli nilang pinagtangkaang dakpin siya ngunit hindi nila nahuli"
(Juan 10:39)
Ang ganitong mga talata at marami pang iba ay nagbibigay-diin na si Hesus ay pinangalagaan ng Allah laban sa sabwatan ng mga Hudyo. Karagdagan pa rito, mayroon pang ibang mga talatang nagpapatunay

 

GAANO KATOTOO ANG IYONG RELIHIYON?
ni: bro. ahmad erandio

 

Most Important Question 1024x1024

ANO BA ANG IBIG SABIHIN NG RELIHIYON?

Relihiyon ay gabay at daan kung paano tayo mamumuhay ayon sa batas ng Diyos.

Isa pangpakahulugan ng relihiyon ay sistimang pang ispiritwal, pang pisikal at pang ikonomiyang pamumuhay ng isang taong deboto sa kanyang kinaanibang pananampalataya anuman mayroon siya nito.

Ang bawat tao ay isinilang sa kalagayang hindi sa kanyang sariling kagustuhang pumili, kundi ayon sa relihiyon ng kanyang mga magulang o idolohiya ng lipunan na siyang kinagisnan.

 

 
Ang ganitong paniniwala ay pinabulaanan mismo ng Bibliya, sapagka't ayon na rin dito, ang taong ipinako ay isinumpa. Ayon sa Deuteronomio ang mababasa ay ganito: "Huwag ninyong pabayaang magdamag na nakabitin ang bangkay. Dapat siyang ilibing sa araw ring iyon, sapagka't sinumang ibinitin sa kahoy ay isinumpa ng Diyos, huwag ninyong abusuhin ang lupaing ibinigay sa inyo ng Panginoon ninyong Diyos." (Deuteronomio 21:23)
Ayon sa Ebanghelyo ni Lucas, binanggit na si Hesus ay iniligtas ng Allah mula sa masamang balak ng mga Hudyo, anupa't hindi nila naipako si Hesus. "Tumayo silang lahat at itinaboy siya sa labas ng bayan, hanggang sa taluktok ng burol para ibulid sa bangin. Datapuwa't, nagdaan siya sa kalagitnaan nila at umalis." (Lucas 4:29-30)
Ayon naman sa Ebanghelyo in Juan nabanggit ang ganitong talata:
"Dumampot sila ng mga bato upang siya ay batuhin, ngunit nagtago si Hesus at patalilis na umalis sa loob ng Templo". (Juan 8:59)
"Muli nilang pinagtangkaang dakpin siya ngunit hindi nila nahuli" (Juan 10:39)
Ang ganitong mga talata at marami pang iba ay nagbibigay-diin na si Hesus ay pinangalagaan ng Allah laban sa sabwatan ng mga Hudyo. Karagdagan pa rito, mayroon pang ibang mga talatang nagpapatunay

 

LET THE BIBLE AND THE QUR’AN TELL THE TRUTH ABOUT GOD AND JESUS
(by: ahmad erandio)

download 4


It is common nowadays to the non-Muslim to say’s Jesus (pbuh) is God but if we read the Bible and Qur’an we found out that God and Jesus (pbuh) not the same nature.

Allah (swt) has prevented any of His creation from encompassing and grasping Him, He is Omnipotent over everything that is in existence, the whole of creation is subject and indebted to Him and yielding before His greatness.

 

Search Videos

Ang lahat po ng larawan na naitala o makikita dito ay kabahagi lamang ng mga ibat ibang programa o activities ng aming Islamic Dawah Center.

 

Go to top