Eid ul-Adha mula A hanggang Z (1 bahagi ng 3)
Deskripsyon: Ang mga Muslim ay nagdiriwang ng dalawang kapistahan: Eid ul-Fitr at Eid ul-Adha. Ang mga araling ito ay sasaklaw sa lahat ng bagay na kailangan mong malaman tungkol sa Eid ul-Adha upang gawin itong isang bahagi ng iyong buhay at bigyang lugod si Allah.
NiImam Kamil Mufti (© 2013 NewMuslims.com)
Nai-publish sa13 Apr 2018-Huling binago sa11 Apr 2018
Kategorya: Mga Aralin > Mga Gawaing Pagsamba > Mga Pagdiriwang
Mga Layunin:
· Upang matutunan ang ilang pangunahing mga katotohanan tungkol sa Eid ul-Adha.
· Upang matutunan ang tungkol sa al-Ayyam ul-Ashr (ang Sampung mga Araw) at ang kabuluhan nito.
· Upang matutunan ang tungkol sa Yaum ul-Arafah (Ang Araw ng Arafah) at ang kabuluhan nito.
· Upang matutunan ang tungkol sa kasaysayan at layunin ng Eid ul-Adha.
Mga Katagang Arabe:
· Du’a – pagsusumamo, pagdarasal, paghiling kay Allah ng anuman.
· Eid ul-Fitr – pagdiriwang ng Muslim sa katapusan ng Ramadan.
· Eid ul-Adha – "Pista ng Sakripisyo".
· Ramadan – Ang ika-siyam na buwan ng Islamikong kalendaryong lunar. Ito ang buwan kung saan ang ubligadong pag-aayuno ay itinagubilin.
· Hajj – Ang paglalakbay sa Meka kung saan ang manlalakbay ay nagsasagawa ng isang lipon ng mga ritwal. Ang Hajj ay isa sa limang mga haligi ng Islam, na ang bawat nasa hustong gulang na Muslim ay kailangang isagawa kahit man lang isang beses sa kanilang buhay kung makakaya itong tustusan at makakaya ng pangangatawan.
· Dhul-Hijjah – ang pangalan ng ika-12 buwan ng Islamikong kalendaryong lunar.
· Yaum ul-Arafah – Araw ng Arafah kapag ang mga manlalakbay ay nagtipon sa isang lugar na tinatawag na Arafah.
· Halal – pinahihintulot.
· Al-Ayyam ul-Ashr – Ang Sampung mga Araw ng Islamikong buwan ng Dhul-Hijjah.
· Laylat al-Qadr – isang pinagpalang gabi sa huling sampung araw ng Ramadan, ang buwan ng pag-aayuno.
· SubhanAllah – Anong Sakdal ni Allah (kaperpekto), malayong inaalis si Allah mula sa di-kasakdalan.
· Alhamdulillah – Ang lahat ng papuri at pasasalamat ay ukol kay Allah. Sa pamamagitan ng pagsasabi nito tayo ay mapagpasalamat at ating kinikilalang ang lahat ng bagay ay mula kay Allah.
· Allahu Akbar – Si Allah ay pinakadakila.
Kung walang isang pamilyang Muslim, ang paghalili sa Pasko, Paskuwa, o iba pang relihiyosong mga pagdiriwang ay maaaring maging medyo isang pagbabago. Subalit, walang dapat ipag-alala. Ang unang hakbang upang makagawa ng isang pagbabago ay ang magbasa at matutunan ang tungkol sa isang paksa. Ang pangalawang payo ay ang sundin ang mga mungkahing ibinigay. Ikatlo, magsagawa ng du'a kay Allah, Siya sa katiyakan ay iyong makakatulong. Ang mga araling ito ay magtuturo sa iyo ng lahat ng bagay na iyong kakailanganing malaman kasama ang simpleng mga ideya upang maaari kang makakuha ng higit pa sa kahanga-hangang kapistahang ito at ganap na maranasan ang Islamikong pamumuhay.
Ang Pangunahing mga Katotohanan sa Eid ul-Adha
Ang Islam ay may dalawang magagandang mga pagdiriwang na magiging bahagi ng iyong buhay: ang Eid ul-Fitr at ang Eid ul-Adha. Ang ilang mga pangunahing katotohanan tungkol sa Eid ul-Adha:
· Binibigkas na EED-ul-ADHA, ito ay maaaring isalin bilang ang “Kapistahan ng Sakripisyo.”
· Ang Eid ul-Adha ay nakatali sa Hajj - ang paglalakbay sa banal na lungsod ng Meka na nagdadala ng 2 milyong mga Muslim bawat taon mula sa buong panig ng daigdig.
· Ang Eid ul-Adha ay tumatagal ng apat na araw. Sa kabilang dako, ang Eid ul-Fitr, na ipinagdiriwang sa pagtatapos ng Ramadan, ay isang araw na pagdiriwang.
· Sa Eid ul-Adha, maraming mga pamilyang Muslim ang nagsasakripisyo ng isang hayop at ibinabahagi ang karne sa mga mahihirap.
Alinsunod sa utos ni Allah ang parehong kapistahan ng Muslim ay ipinagdiriwang mula pa nang panahon ni Propeta Muhammad. Kaya ang mga ito ay mula kay Allah at mapananaligan. Walang tao ang nagpakana ng mga ito. Ano ang kanilang diwa? Ang ating Propeta ay nagsabi sa atin,
"May mga araw ng pagkain, pag-inom, at pag-alala kay Allah."[1]
Sa madaling salita, maaari nating tamasain at magkaroon ng halal, pangkalahatang kasiyahan ng hindi nakakalimutan ang ating Tagapaglikha.
Bago ang Eid ul-Adha
Tulad ng sinabi nang una, ang Eid ul-Adha ay nakatali sa Hajj. Ang pagsasagawa ng Hajj ay isa sa limang mga haligi ng Islam na isinasagawa sa ika-12 buwan ng Islamikong kalendaryong kilala bilang "Dhul-Hijjah." Ang Eid ul-Adha ay ipinagdiriwang ng mga Muslim sa buong daigdig sa ika-10 araw ng buwan ng Dhul -Hijjah. Ang unang sampung mga araw ng buwang ito ay may natatanging gantimpala. Sa Arabe, ito ay kilala bilang 'al-Ayyam ul-Ashr.' Ang panahon ng pagsamba ay nagdudulot ng maraming mga pakinabang, tulad ng pagkakataong itama ang kanyang mga pagkakamali at magpuno para sa mga pagkukulang o anumang bagay na maaaring kanyang napalampas.
Mga Kabutihan ng 'Sampung mga Araw'
Ang mga sumusunod ay ang limang mga kabutihan ng ‘al-Ayyam ul-Ashr’ (ang Sampung mga Araw):
1. Si Allah ay nagpahayag ng panunumpa sa pamamagitan ng mga ito sa Qur'an, at ang panunumpa sa pamamagitan ng isang bagay ay nagpapakita sa atin ng pinakamahalagang kabuluhan nito at tunay na pakinabang. Si Allah ay nagsabi:
"Sa pamamagitan ng bukang-liwayway; sa pamamagitan ng sampung mga gabi "(Qur'an 89:1-2)
Sa naunang mga kinauukulan ng Qur'an ay ipinaliwanag na ang talatang ito ay tumutukoy sa unang sampung araw ng Dhul-Hijjah.
2. Upang higit pang mahikayat tayo ng kahalagahan nito, ang Propeta ay nagpatotoong ang mga ito ay ang "pinakamainam" na mga araw sa daigdig. Ang Sampung mga Araw ay higit na mainam kaysa sa lahat ng iba pang mga araw ng taon, nang walang mga pagtatangi, hindi rin ang huling sampung mga araw ng Ramadan! Subalit ang huling sampung mga gabi ng Ramadan ay higit na mainam, dahil kabilang dito ang Laylat al-Qadr ("ang Gabi ng Kapasyahan").
3. Walang mga araw na higit na dakila sa paningin ni Allah na kung saan ang mabubuting gawain ay higit na kamahal-mahal sa Kanya kaysa sa sampung mga araw na ito, kaya ang isang Muslim ay dapat dalasan ang pagsasabi ng "SubhanAllah", "Alhamdulillah" at "Allahu Akbar" sa panahong ito.
4. Ang sampung mga Araw ay kabilang ang mga araw ng sakripisyo at Hajj.
5. Ang ika-9 na araw ng Dhul-Hijjah ay tinatawag na 'Yaum ul Arafah' (Ang Araw ng Arafah). Ito ang araw na ang mga manlalakbay ay nagtitipon sa kapatagan ng Arafah, anim na milya ang layo mula sa Meka. Ang Araw ng Arafah mismo ay may maraming mga kabutihan.
Mga Kabutihan At mga Kasanayan sa Araw ng Arafah
1. Ang Yaum al-Arafah ay ang araw kung saan si Allah ay ginawang ganap ang relihiyong Islam.
2. Ang Yaum al-Arafah ay isa sa pinakamalaking pagtitipon saan mang lugar sa daigdig.
3. Ang Yaum al-Arafah ay isang araw kung saan ang mga pagdarasal ay tinutugon. Ang isa sa mga kaugalian ng pagdarasal sa araw na ito ay ang pagtaas ng mga kamay tulad nang ang Sugo ni Allah ay nagsagawa ng du'a sa Arafah, ang kanyang mga kamay ay itinaas hanggang sa kanyang dibdib (Abu Daud).
4. Iminumungkahing mag-ayuno sa araw ng Arafah para sa mga hindi nagsasagawa ng Hajj. Ang propeta ay nagsabi,
"Ang pag-aayuno sa araw ng Arafah ay isang pagtatakip sa loob ng dalawang taon, ang taong nauna dito at ang taon na sumusunod dito."[2]
"Subalit para sa mga manlalakbay ay hindi kanais-nais ang mag-ayuno sa araw ng Arafah sa Arafah gaya na ang Sugo ni Allah ay sinabihan."[3]
Kung nais mong mag-alay ng sakripisyo o ipagawa ito para sa iyo, dapat mong ihinto ang pagputol ng iyong buhok at mga kuko mula sa simula ng Sampung Araw hanggang matapos mong maihandog ang iyong sakripisyo o inialay para sa iyo.
Kasaysayan at Layunin ng Eid ul-Adha
Ang kasaysayan ng Eid ul-Adha ay bumabalik pa sa panahon ni Propetang Abraham, isang pangunahing pigura sa Hudaismo, Kristiyanidad, at Islam. Ang Eid al-Adha ay nagpapaalaala sa dakilang pangyayari nang utusan ni Allah si Abraham sa isang panaginip na isakripisyo ang kanyang anak bilang isang gawang pagsunod.
"At, nang siya [ang kanyang anak] ay sapat na ang gulang upang lumakad kasama niya, sinabi niya, 'O anak ko! Nakita ko sa isang panaginip na inaalay kita, kaya ano ang masasabi mo! 'Sabi niya,' O aking ama! Gawin mo kung ano ang iniutos sa iyo, kung nais ni Allah, masusumpungan mo akong matiisin. '"(Qur'an 37:102)
Nang isasasakripisyo na ni Abraham ang kanyang anak, si Allah ay nagpahayag sa kanya na ang kanyang "sakripisyo" ay natupad na. Ipinakita niya na ang kanyang pagmamahal para sa kanyang Panginoon ay hinalinhan ang lahat ng iba pang uri ng pagmamahal, na siya ay gagawa ng anumang sakripisyo upang sumuko kay Allah. Isang bersyon ng kasaysayan ay lumitaw din sa Lumang Tipan ng Bibliya.
Ang ilang mga tao ay nalilito kung bakit inutusan ni Allah si Abraham na katayin ang kanyang sariling anak. Ang kilalang klasikal na Islamikong iskolar, na si Ibn al-Qayyim ay ipinaliwanag, "ang layunin ay hindi para katayin ni Abraham ang kanyang anak; sa halip ito ay upang isakripisyo siya na sa kanyang puso ang lahat ng pag-ibig ay pagmamay-ari ni Allah lamang.
Kaya, ito ay isang bahagi ng ating tradisyon na sa panahon ng pinagpalang Sampung Araw ng Dhul-Hijjah at sa araw ng Eid ul-Adha ay ginugunita natin ang sakripisyo ni Abraham. Sinasalamin natin kung ano ang nagdala sa kanya bilang isang malakas na mananampalataya at isa sa kamahal-mahal kay Allah, siyang pinagpala ni Allah at ginawang pinuno ng lahat ng mga bansa upang sundin.
Mga Talababa:
[1] Saheeh Al-Bukhari
[2] Saheeh Muslim
[3] Abu Daud
Mga Gawang Naaayon sa Kalikasan ng Tao (Sunan ul-Fitrah)
Deskripsyon: Ang araling ito ay magtuturo ng tungkol sa likas na mga gawaing likas na angkin ng isang tao.
NiImam Kamil Mufti (© 2013 NewMuslims.com)
Nai-publish sa12 Apr 2018-Huling binago sa11 Apr 2018
Kategorya: Mga Aralin > Islamikong Pamumuhay, Moralidad, at Pagsasagawa > Pangkalahatang Moralidad at Pagsasagawa
Read more: Level 6 lesson 16 Mga Gawang Naaayon sa Kalikasan ng Tao (Sunan ul-Fitrah)
Pagpapakilala sa Shariah (2 bahagi ng 2)
Deskripsyon: Ang mga aralin ay sumasakop sa mga pangunahin ng Shariah at fiqh na kinakailangan upang maunawaan ang mga gawain ng mga Islamikong panuntunan at regulasyon.
NiC. Mofty (© 2013 NewMuslims.com)
Nai-publish sa12 Apr 2018-Huling binago sa11 Apr 2018
Kategorya: Mga Aralin > Kagandahan ng Islam > Mahuhusay na Katangian ng Islam
Read more: Level 6 lesson 15 Pagpapakilala sa Shariah (2 bahagi ng 2)
Pagpapakilala sa Shariah (1 bahagi ng 2)
Deskripsyon: Ang mga aralin ay sumasakop sa mga pangunahin ng Shariah at fiqh na kinakailangan upang maunawaan ang panloob na mga gawain ng mga Islamikong panuntunan at regulasyon.
Ni Imam Kamil Mufti (© 2013 NewMuslims.com)
Nai-publish sa27 Mar 2018-Huling binago sa11 Apr 2018
Kategorya: Mga Aralin > Kagandahan ng Islam > Mahuhusay na Katangian ng Islam
Read more: Level 6 lesson 14 Pagpapakilala sa Shariah (1 bahagi ng 2)
Mga Islamikong alituntunin Para sa pakikisalamuha ng magka-ibang kasarian (part 2 of 2)
Deskripsyon: Ang aral ay nakatuon sa pagtatakda ng mga hangganan sa pagitan ng mga kalalakihan at kababaihan gaya ng tinukoy ni Allah upang protektahan tayo at panatilihin ang ating mga puso at mga pag-iisip na dalisay.
NiImam Kamil Mufti (© 2013 NewMuslims.com)
Nai-publish sa19 Apr 2018-Huling binago sa11 Apr 2018
Kategorya: Mga Aralin > Pakikipag-ugnayang Panlipunan
Mga Layunin:
· Upang matutunan ang tatlong uri ng pinag-babawal na ikhtilaat sa Islam.
· Upang matutunan ang apat na alituntunin na dapat sundin kapag nakikipag-ugnayan sa ibang kasarian.
Mga Terminolohiyang Arabik:
· Ikhtilaat -pisikal na pagdalo ng mga kalalakihan at kababaihan sa isang lugar.
· Khalwah – isang lalaki na nag-iisa kasama isang babae na hindi-nya mahram .
· Mahram – isang tao, lalaki o babae na may kaugnayan sa isang partikular na indibidwal sa pamamagitan ng dugo, kasal o pagpapasuso. Taong hindi sila pinapayagang mag-asawa, tulad ng ama, pamangkin, tiyuhin, atbp.
Paano nahuhulog ang mga tao sa pangangalunya? Bakit nagaganap ang mga romantikong pangyayari? Bakit nagagawang makipagtalik ng lalaking may asawa sa ibang babae? Ang simpleng sagot ay dahil ito ay isang mabagal na proseso ng hindi limitadong mga desisyon. Ito ay isang unti-unting bagay. Isipin mo ang isang maliit na dingding sa paligid mo, na may isang tarangkahan. Ang iyong puso ay nabubuhay sa loob ng pader at sinabi sa iyo ni Allah kung paano kontrolin ang tarangkahan. Mangyayari ang mga masamang bagay kapag hindi mo nalalaman kung ano ang sinabi sa iyo ni Allah o magiging pabaya ka sa kung ano ang napupunta at kung ano ang lumalabas sa tarangkahang iyon.
May tatlong mga uri ng ikhtilaat o pagsasama-sama ng di magkaparehong kasarian na ipinag bawal:
Una, ang hawak ay isang paraan ng komunikasyon na hindi nagsasalita. Ang Islam ay hindi sumang-ayon sa anumang anyo ng pisikal na pakikipag-ugnayan o pakikipaghawakan sa pagitan ng mga kalalakihan at mga kababaihan na hindi-mahram sa isa't -isa. Ang Propeta, sana purihin siya ng Allah, ay nagsabi: "Hindi ako nakikipagkamay sa mga babae." (Muwatta, Sunan Tirmidhi, Nasai, Ibn Majah)
Sinabi rin niya: "Kung ang isa sa inyo ay matutusok sa ulo gamit ang isang karayom na bakal, mas mabuti para sa kanya kaysa hawakan ang isang babae na hindi pinahihintulutan para sa kanya." (At-Tabarani) Kabilang dito ang mga sitwasyon kung saan sapat na malapit ang mga kalalakihan at kababaihan upang humantong sa pisikal na pakikipag-ugnay.
Ngayon, maaaring mayroong isang hindi maiiwasan na sitwasyon o mga pangangailangan ng isang propesyon tulad ng isang nars na humahawak sa isang lalaki na pasyente o paggitgit sa panahon ng Hajj. Kumuha ng kaliwanagan ukol dito sa pamamagitan ng pagsang-guni sa isang may kaalaman na iskolar ng Islam. Ang pangkalahatang tuntunin ay malinaw at ipinaliwanag.
Pangalawa, pakikipagsolo sa isang hindi-mahram na babae. Ito ay kilala bilang khalwah. Sinabi ng Propeta ng Islam, "Hindi kailanman ang isang lalaki ay nag-iisa na may kasamang isang babae maliban na si Satanas ay ang ikatlong partido sa kanila."
Nagaganap ang Khalwah kapag ang isa o higit pang mga lalaki ay nag-iisa na may isang solong di-mahram na babae sa isang lugar kung saan walang makakakita sa kanila. Kung may dalawang babae at isang lalaki, hindi ito matatawag na khalwah. Kung may mangyayari mang hindi hindi kanais-nais o wala ay hindi ito ang punto, ito ay isang kasalanan pa rin. Ang pagsosolo ng ganitong uri ay isang kasalanan kahit pa ano ang mangyayari bilang isang resulta. Ito pa rin ay paunti-unting nakakasama at masama para sa pansariling- layunin.
Halimbawa, huwag mag-isa sa opisina kasama ang isang lalaki. Umalis o magtanong ng babaeng katrabaho na maaring magiging kasama.
Pangatlo, ang isang lalaki na kasama ang babae na di nya mahram sa isang lugar na walang khalwah, ngunit mahina sa pakikipag-kapwa at ang mga paghihigpit at inhibisyon ay binabalewala. Kapareho din nito ang anumang paulit-ulit na pagsasama-sama sa pagitan ng mga kalalakihan at kababaihan. Ang mga paulit-ulit na pagpupulong na binabawasan nya ang mga hangganan at nagpapahintulot ng mga pagkakataon para magkaroon ng isang relasyon.
Dalawang punto ang kailangan natin maunawan dito:
1. May mga sitwasyon at lugar na kontrolado natin at may ilang hindi naman. Maaari tayong mapatawad sa kung ano ang umiiral sa labas hindi natin kontrolado, at dapat nating hilingin ang kapatawaran ng Allah. Kasabay nito ay dapat responsable tayo sa mga lugar na kontrolado natin.
2. Paano tayo dapat kumilos sa mga lugar na hindi natin kontrolado? Ano ang mga tuntuning pag-uugali para sa isang babaeng Muslim kapag nakasalubong niya ang isang lalaki? Paano dapat magtakda ng mga hangganan sa kabaligtarang kasarian ang mga kalalakihan at kababaihang Muslim? Ang mga hangganan ayon sa kanilang layunin ay nagpapahiwatig ng malinaw na linya ng paghihiwalay. Sa ganitong pag-iisip, ano ang malinaw na hangganan ng paghihiwalay sa ating pakikitungo sa mga kasamahan o kapwa mag-aaral ng kabaligtarang kasarian?
Mayroong apat na patnubay:
1. Ibaba ang paningin, limitahan ang pagtititigan sa mata, at malinaw na huwag makipagpalitan ng mga sulyap ng paghanga. Sinasabi sa atin ng Allah sa Quran,
"Sabihin sa mga naniniwalang lalaki na dapat nilang pababain ang kanilang mga titig at bantayan ang kanilang kalinisang-puri. Ito ay mainam para sa kanila. Alam ng Allah ang kung ano ang kanilang ginagawa (alam niya ang mga kagustuhan ng puso at ang mga pasekretong sulyap ng mga kalalakihan). At sabihin sa mga naniniwalang kababaihan na dapat nilang pababain ang kanilang mga paningin at pangalagaan ang kanilang kalinisang puri. "(Quran 24: 30-31)
2. Pananamit
Bawat kalalakihan at kababaihan ay marapat na sumunod at panatilihin ang islamikong alituntunin hinggil sa pananamit.[1]
"... Sila (mga kababaihan) ay hindi marapat na ilantad (ang anumang bagay na nagpapakita) ang kanilang kagandahan, maliban sa kung ano ang nakikita na (ang panlabas na kasuutan na malinaw na hindi maitatago kapag ang isang babae ay umalis sa kanyang tahanan). At dapat nilang isuot ang kanilang mga belo hanggang sa kanilang mga dibdib (upang takpan ang kanilang mga ulo at mga dibdib) ... "(Quran 24:31)
3. Pangungusap ng Katawan
Maging marangal sa iyong wika. bantayan ang iyong mga kilos, asta, at postura. Sinabi ng Allah sa Quran,
"... sila (mga babae) ay hindi dapat ilantad ang kanilang mga paa sa lupa upang ibunyag ang mga kagandahan (alahas) na kanilang itinatago (dapat silang lumakad sa isang paraan na hindi magiging sanhi na ang kanilang mga alahas ay kumalanasing at makaagaw ang pansin) ..." (Qur'an 24:31 )
4. Tono ng Boses
Gumamit ng seryosong tono ng boses at pagpapahayag. Tulad ng isang kutsarang asukal ay maaaring hikayatin ang isang bata na tikman ang masamang gamot, kaya't maaaring matamis na mga salita ang humihikayat sa isang tao mula sa kabaligtaran na kasarian. Hindi mo kailangang maging bastos, ngunit magsasalita sa tonong "mala-negosyante" ang tono. Ang iyong pagsasalita ay dapat na direkta lang at nang sa gayon ay walang pagnanasa ang maaring mapukaw sa ibang tao. Sinabi ng Allah sa Quran,
"... huwag magsalita sa binabaang tono (na may halong matamis na boses) upang hindi siya na may pusong ay isang sakit ng kalaswaan ay hindi mapukaw ang pagnanasa. At magsalita lang sa isang angkop na paraan. "(Quran 33:32)
Sa mga praktikal na termino: huwag lumandi, gumawa ng mga magaspang na biro, humawak o magpahawak, bumungisngis, gumamit ng pahiwatig na wika sa katawan at iwasan ang pagkakaroon ng malayang, impormal, at pakikipag sosyalang pag-uusap.
Mga Talababa:
[1] Para sa iba pang impormasyon, pakitingnan: (http://www.newmuslims.com/lessons/135/) [3 parts]
CLICK PO NATIN ANG ARROW FOR OUR QUIZ CHALLENGE
Level 1
level 2
level 3
Ang lahat po ng larawan na naitala o makikita dito ay kabahagi lamang ng mga ibat ibang programa o activities ng aming Islamic Dawah Center.