Mga Madaliang Pagsusulit

Ang Mga Boluntaryong Pag-aayuno

 

Voluntary Fasts. 001


Deskripsyon: Ang mga pangunahing kaalaman ng boluntaryo o nafl na pag-aayuno ay ituturo sa araling ito.

Ni Imam Kamil Mufti (© 2013 NewMuslims.com)

Nai-publish sa18 Apr 2018-Huling binago sa11 Apr 2018

 

Ang Pagpapalakas ng Pananampalataya (2 of 2)

Palakasin ang iyong pananampalataya at magkamit ng gantimpala

 

send me back


Deskripsyon: Isang maikling listahan ng mga pamamaraan para sa isang mananampalataya upang palakasin ang kanyang pananampalataya.

NiAisha Stacey (© 2013 NewMuslims.com)

Nai-publish sa18 Apr 2018-Huling binago sa11 Apr 2018


Kategorya: Mga Aralin > Mga Paraan sa Pagpapalawak ng Paniniwala > Mga Paraan sa Pagpapalawak ng Paniniwala

Mga Layunin

· Upang maunawaan kung paano ilagay ang mga simple at epektibong pagpapalakas ng Imaan sa pamamagitan ng pagsasagawa nito.

Terminolohiyang Arabik

· Du’a - panalangin, pagdarasal, at paghingi kay Allah ng anuman.

· Sadaqah - boluntaryong kawanggawa.

· Imaan - pananampalataya, paniniwala o pananalig.

Sapagkat si Allah ang ating Tagapaglikha at alam Niya ang likas na katangian ng tao na Siya ay nagbigay sa atin ng patnubay na parehong may katuturan sa sangkatauhan at madali para sa atin na gawin ito. Ganun paman nakikita natin ang antas ng ating pananampalataya (Imaan) na tumataas at bumababa na madalas na walang palatandaan o sapat na dahilan. Sa kabilang dako ang paggawa ng kasalanan o hindi kanais-nais na gawain ang siyang kadalasang mabilis na nagpapahina ng ating Imaan. Bilang tugon sa ating mga pangangailangan, binigyan tayo ng Allah ng maraming paraan upang madagdagan ang ating pananampalataya, at alinsunod sa ating iba't ibang mga kakayahan na magkakaiba. Ang isang tao ay maaaring magkaroon ng kakayahang madagdagan ang kanyang kusang-loob na mga pagdarasal, ang isa nama'y maaaring madaling mag-ayuno at ang iba nama'y maaaring sa paraan ng pagbibigay ng kawanggawa.

Walong Paraan Upang Mapalakas Ang Isang Nanghihinang Pananampalataya

1. Pag-aralan ang mga bagay tungkol sa Allah mula ng Kanyang mga Pangalan at mga Katangian
Ang mga mananampalataya ay hinihimok na alalahanin ang Allah at magpasalamat sa Kanya sa lahat ng oras ,ang kapaki-pakinabang na paraan ng paggawa nito, ay ang pag-alaala at maunawaan ang Kanyang Magagandang Mga Pangalan. Sa pamamagitan ng mga Pangalan na ito, makikilala natin ang ating Taga-paglikha at matututunan natin kung paano purihin at sambahin Siya(Allah), at manalangin sa Kanya sa pamamagitan ng Mga Pangalan na tumutukoy sa ating mga pangangailangan. "Sabihin : "kayo ay manawagan sa Allah o manawagan sa Ar-Rahman ( ang Pinakamahabagin). Sa Anumang [Kanyang pangalan] ang inyong tawagin- sa Kanya ang pagmamay-ari ng mga Pinakamagagandang Pangalan '... "(Quran 17: 110))

2. Pagmumuni-muni sa mga Palatandaan ng Allah sa Sanlibutan
“At sa kalupaan ay may mga palatandaan - para sa mga may pananampalataya ng may katiyakan. At maging sa inyong mga sarili. Hindi ba ninyo baga nakikita? ?” (Quran 51:20-21) Ang Sanlibutan ay sumasaksi sa kaisahan ng Allah. Sa pag-alaala o pagmumuni-muni sa sanlibutan, mula sa pinakamainam na butil ng buhangin hanggang sa naglalakihan at nag gagandahang mga bundok, makikita ng isang tao ang kagandahang-loob at Kadakilaan ng Allah. Ang malawak na uniberso[sanlibutan] ay umiikot ng naaayon sa isang angkop at tiyak na sistema nito, ang lahat ay nasa tamang lugar , at nilikha sa tamang mga sukat.

3. Ang palagiang pagDu-du'a[Panalangin] sa Bawat Pagkakataon
Ang Du'a[Panalangin] ay ang nagpapasigla, nagpapalakas, nagpapalaya at nagpapabago sa atin at isa ito sa pinakamalakas at epektibong mga gawain ng pagsamba na maaaring magawa ng isang tao. Ang Du'a ay tinatawag na "armas ng mananampalataya". Ito'y nagpapatunay sa paniniwala ng isang tao sa Allah at sa pamamagitan ng pag-iwas sa lahat ng anyo ng idolatrya o Pagsamba sa maraming dyos dyosan at ito ay nagpapatibay at nagpapataas ng pananampalataya. “At kapag ang Aking mga alipin ay magtanong (O Muhammad) tungkol sa Akin, ay (sagutin), Tunay na Ako ay malapit (sa kanila sa pamamagitan ng aking Kaalaman). Tinutugon Ko ang mga panalangin ng bawa't dumadalangin kapag siya ay nananalangin sa Akin (nang walang ibang tagapamagitan). Kaya, hayaan silang sumunod at maniwala sa Akin, upang sa gayon sila ay mapatnubayan. ” (Quran 2:186)

4. Ang Pag-alaala kay Allah
Ang Qur'an ay puno ng mga talata kung saan ay naghihikayat sa atin na alalahanin ang Allah sa lahat ng oras hanggat maari.

"…Katotohanang, sa pag-alaala kay Allah ang mga puso ay makakatagpo ng kapahingahan." (Quran 13:28)

"O kayong mga naniniwala, Wag ninyong hahayaan na ang inyong yaman at mga anak na ilayo kayo mula sa pag-alaala kay ALLAH ..." (Quran 63:10)

" O kayong mga naniwala,alalahanin ninyo ang Allah ng palagiang pag alaala. At inyong luwalhatiin ang Allah sa umaga't hapon." (Quran 33:41-42)

Ang pag-alala sa Allah sa pamamagitan ng mga gawaing pag- alaala ay nagdudulot ng kapayapaan at kapanatagan. Kabilang sa ilang mga kapaki-pakinabang na mga parirala:

SubhanAllah - Kaluwalhatian sa ALLAH!

Al-hamdu-lillah - Ang lahat ng pagpupuri at pasasalamat ay kay Allah lamang.

Allahu Akbar - Ang Allah ay dakila.

La ilaha il-lal-lah - Walang karapat dapat na sambahin liban kay Allah.

5. Ang Pagbigkas, Pagbabasa or Pakikinig sa Banal na Quran
Ang Quran ay gamot o panlunas ng katawan at kaluluwa. Sa tuwing ang buhay ay nagiging napakahirap o tayo ay napapalibutan ng pinsala, sakit o kalungkutan, Ang Quran ay liwanag sa ating daan na siyang magpapagaan sa ating mga pagsubok at suliranin. Siya (Ang Qur'an) ang pinanggagalingan ng kaginhawaan at katiwasayan. Sa panahon natin ngayon ay marami sa mga tao ang may hindi mabilang na yaman at karangyaan subalit walang kakontentuhan sa buhay. Ang Quran ang nagbubusog sa ating mga puso, isip at kaluluwa at nagpapalakas sa ating pananampalataya. Ang Propheta Muhammad ay nagpadala ng mga guro ng Koran sa mga malalayong mga tribo at malalayong mga lungsod at nagsabi na ang pinakamabuti sa kanyang mga tagasunod ay ang mga natuto ng Quran at pagkatapos ay itinuro ito sa iba. [1]

6. Ang Pagkalap ng Tamang Kaalaman sa Islam
Ang pagkakaroon ng kaalaman ay nagbibigay-daan sa mga mananampalataya upang pagmasdan ang mundo na nakakapaligid sa kanya at pagnilayan ang mga nakamamanghang nilikha ng Allah. Ang tama at tunay na kaalaman ay nagpapalakas ng pananampalataya at ang pagpapatupad ng kaalamang iyon ay nag bibigay daan sa isa na sumamba nang may katiyakang pagpapasakop.“At upang nang sa ganoon yaong mga nabiyayaan ng kaalaman ay mabatid na itong ( Quran) ay ang katotohanan galing sa iyong Panginoon, ng sa ganoon sila ay maniwala, at ang kanilang mga puso ay magpasakop dito nang may pagpapakumbaba. At katotohanang, ang Allah ang gabay sa mga naniniwala, sa Tuwid na Landas. "(Quran 22:54)

7. Pagpaparami ng mga boluntaryong mga gawain tulad ng paggawa ng mga kabutihan, at pagbibigay ng sadaqah (pagkakawanggawa)
Isa sa pinaka mainam na gawain para mapalakas ang pananampalataya ay ang paggawa ng kabutihan. “Sinumang gumawa ng kabutihan - maging lalaki man o babae - habang siya ay isang tunay na mananampalataya, katotohanang magbibigay Kami ng isang mabuting pamumuhay at Kami ay magbibigay sa kanila ng tiyak na gantimpala katumabas sa kanilang pinakamabubuting ginagawa (ie Paraiso sa Kabilang Buhay)" (Quran 16:97)

Kung daragdagan natin ang ating mga mabubuting gawain, ay mas lalo ring tataas ang antas ng ating pananampalataya at sa gayon, asahan ang mga gantimpala ni Allah maging sa buhay dito sa mundo at sa Kabilang Buhay.

8. Paghahanap ng mabuting mga kaibigan
Ang pagkakaibigan at pagsasama ay mahalaga sa Islam. Ang mabuting kaibigan ay siyang tinatanggap ang iyong nga kamalian ngunit ito'y kanyang isinasaayos sa abot ng kanyang makakaya. Madali tayong maimpluwensiyahan ng mga taong nakapaligid sa atin at unti-unti nating nakokopya ang kanilang mga gawi at mga katangian nang hindi namamalayan ito. Kung ang mga ito ay mahusay na mga katangian ito makabubuti ngunit paano kung ang mga tao na iyong itinatangi ay sila ring sanhi nang pagbaba ng iyong Imaan? Ito ay maaaring isang kapahamakan, at nagbababala ang Diyos tungkol dito sa Quran. "At (tandaan) ang Araw kung kailan ang makasalanan ay kakagatin ang kanyang kamay ( sa pagsisisi), ang ika nya: ‘Oh! Sana ay aking nasundan ang landas na tinahak ng Sugo. Ah! Sa aba ko! Sana ay hindi ko kinuha si ganito-si-ganyan bilang isang kaibigan! Sa katunayan, pinalayo lamang niya ako sa mga Paalala (ang Qur-an) nang siya ay dumating sa akin...’” (Quran 25:27)


Footnotes:
[1] Saheeh Muslim

error messagebox
00:00

ya allaah

 

Paki click lamang po natin ang arrow para sa ating quiz challenge

 

Ang Pagpapalakas ng Pananampalataya (bahagi 1 ng 2)

Kung bakit ang pananampalataya ay hindi laging matatag

34198409 2200465776855252 4515455858821300224 n
Deskripsyon: Isang panimula sa pagpapalakas ng antas ng pananampalataya (Imaan). Dito ay nagsimula tayong suriin ang kahulugan ng salitang pananampalataya at natuklasan natin na ang pananampalataya ay nadadagdagan at bumababa lalo na dahil sa likas na katangian ng tao at sa iba't ibang mga pangyayari na hinaharap natin sa ating pang-araw-araw na buhay.

Ni Aisha Stacey (© 2013 NewMuslims.com)

Nai-publish sa18 Apr 2018-Huling binago sa11 Apr 2018


Kategorya: Mga Aralin > Mga Paraan sa Pagpapalawak ng Paniniwala > Mga Paraan sa Pagpapalawak ng Paniniwala

Mga Layunin

· Upang matuklasan kung ano ang ibig sabihin ng salitang pananampalataya, lalo na sa kahulugan nito sa Islam.

· Upang maunawaan kung paano at bakit ang antas ng pananampalataya ng isang tao ay hindi matatag, ngunit ito'y lumalakas at humihina sanhi ng maraming mga kadahilanan.

Mga Terminolohiyang Arabik

Imaan - pananampalataya, paniniwala o pananalig.

· Ramadan - Ang ikasiyam na buwan sa kalendaryong na base sa lunar. Ito ay ang buwan kung saan ipanag-utos ang obligadong pag-aayuno.

· Shaytan - paminsan-minsan ay binabaybay bilang Shaitan o Shaytaan. Ito ang salitang ginamit sa Islam at sa wikang Arabo upang tukuyin ang diyablo o si Satanas, ang pagkatawan ng kasamaan.

· Shahadah - Ang Pagpapahayag ng Pananampalataya.

· Salah - ang salitang Arabo na tumutukoy sa isang direktang koneksyon sa pagitan ng mananampalataya at sa kanyang panginoon (ang Allah). Higit sa lahat, sa Islam ito ang tumutukoy sa pormal na limang pang-araw-araw na pagdarasal at ang pinakamahalagang anyo ng pagsamba.

· Sawm - Pag-aayuno

· Hajj - Isang paglalakbay sa Mecca kung saan ang mga manlalakbay ay nagsasagawa ng hanay ng mga ritwal. Ang Hajj ay isa sa limang haligi ng Islam, kung saan ang bawat may sapat na edad na Muslim ay kailangang magsagawa ng nito(Hajj) ng isang beses sa kanilang buhay kung ito'y kanilang makakaya sa pananalapi at pisiskal na pangangatawan(kalusugan).

· Zakah - obligadong kawanggawa.

Ano ang pananampalataya?

  Ang Merriam Webster Online Dictionary ay binigyan nya ng kahulugan ang salitang pananampalataya na kinabibilangan ng mga sumusunod: Paniniwala at tiwala sa Diyos at katapatan, paniniwala sa mga tradisyonal na doktrina ng relihiyon, at isang bagay na pinaniniwalaan lalo na sa matibay na pananalig.

Ang pananampalataya sa Islam ay nangangahulugan ng pagsasa alang-alang, nang walang pag-aalinlangan, isang bagay na dapat totoo. Maaari lamang itong maipagkaloob sa taong nanaisin ng Allah at kasama ang paniniwala at pagkilala kay Allah bilang ang nag iisang Diyos at wala ng iba. Ang isang taong may pananampalataya ay nauunawaan at tinatanggap niya ang kanyang posisyon bilang Alipin ng Allah at kinikilala ang karapatan ni Allah na sundin at pasalamatan. Kabilang din sa pananampalataya ang pag-alam na ang mga pangako ng Allah sa Kanyang tapat na alipin ay totoo at mangyayari.

Ang pananampalataya o Imaan ay bagay na binibigkas na salita, upang maniwala sa loob ng puso, at upang gawin.

Sinabi ni Propeta Muhammad na ang pananampalataya ay mayroong pitumpu't-magkaka-ibang mga sanga, ang pinakamalaki rito ay ang pagsasabi ng 'Walang (totoong) diyos kundi ang Allah lamang' at ang pinakamababa nito ay ang tanggalin ang isang balakid mula sa daanan."[1].

Ang pananampalataya ay ipinahayag sa mga salitang "La ilaha illa Allah wa Mohammad rasulullah", ibig sabihin: Walang tunay na diyos maliban sa Allah at si Muhammad ay Kanyang sugo at mensahero. Isinasabuhay ang pananampalataya sa pamamagitan ng pagsunod sa limang haligi ng Islam at pagpapanatili sa puso na may paniniwala sa anim na haligi ng pananampalataya.

Ang Limang haligi ng Islam
· Shahadah: taos puso na pagbigkas ng pagpapahayag ng Pananampalataya.

· Salah: ang wastong pagganap ng pagdarasal at ito'y ang limang beses kada araw.

· Zakat: ang pagbibigay ng permanenting porsyentong kabayaran o sukat sa kawang-gawa at ito'y para sa kapakanan ng mga mahihirap at nangangailangang bigyan.

· Sawm: pag-aayuno sa buwan ng Ramadan.

· Hajj: ang paglalakbay sa Mecca (matatagpuan sa kasalukuyan sa Saudi Arabia) kung saan ang mga manlalakbay ay nagsasagawa ng mga ritwal na gawain.

Ang Anim na Haligi ng Pananampalataya
· Ang paniniwala kay Allah.

· Ang paniniwala sa mga anghel.

· Ang paniniwala sa mga kapahayagan (mga banal na aklat).


· Ang paniniwala sa mga Sugo at mga Propeta.


· Ang Paniniwala sa Huling Araw.


· Ang Paniniwala sa tadhana (masama man o mabuti).


Ang Paniniwala (Imaan) ay Lumalakas at Humihina
Sinabi ng Propeta Muhammad (SAW), "... Ang puso ay parang isang balahibo na nasa ugat ng isang punong kahoy, at ito'y nababalikbaliktad sa bawat pag-ihip ng hangin dito." [2]

Ito ay pananampalataya, na kumpletong pag-sandal sa Allah, na nagpaparamdam sa atin na tayo'y ligtas, ligtas at malapit sa Allah - gayun paman ang pananampalataya ay hindi permihan at palagian, ito ay lumalakas at humihina rin. Ang pananampalataya ay kadalasang nagbabagu-bago ayon sa kalagayan ng buhay, ngunit anuman ang dahilan ng pagbabago-bago ang pananampalataya ay napapalakas sa pagsunod sa Allah at humihina ito sa pagsuway sa Kanya (Allah). Bilang mga mananampalataya, dapat nating sikaping malaman ang mga bagay-bagay, tulad halimbawa ng mga kakulangan natin sa panalangin at pagdarasal o mga bulong ng Shaytan, na siyang nag papahina sa ating pananampalataya. Ang susunod na dapat nating gawin ay ang mga angkop na hakbang upang maiwasan ang mga bagay o sitwasyon na yaon, at gayundin na subukan nating palakasin ang ating pananampalataya sa pamamagitan ng paggawa ng mga gawain na kamahal mahal sa Allah. Tayong lahat ay may mga sandali sa ating buhay na nararamdaman natin ang pangangailangan ng pagsasagawa ng mga pagsamba at ito ay natural at ito'y nangyayari ng maraming beses sa buong buhay natin. Kaya ang patatagin at palakasin ang ating pananampalataya ay isa sa mga pinakamahalagang bagay na dapat gawin ng isang mananampalataya. Ang panimulang punto upang mapalakas ang antas ng pananampalataya sa puso ay ang malaman niya na may problema.

Ang mga Bagay na Nagpapahina sa ating Pananampalataya
· Ang pag papabaya sa pagdarasal.

· Paggawa ng kasalanan. Lalo na ang patuloy na paggawa ng kasalanang maliliit.

· Ang kamangmangan sa mga Pangalan at Katangian ng Allah.

· Ang Hindi pag-alaala sa mga palatandaan ng kadakilaan ni Allah. Lalo na ang mga nakikita natin araw-araw tulad ng araw, buwan at mga bituin, o ang kakayahang huminga o magparami.

· Ang kawalan ng pasasalamat sa Allah sa kahit na sa pinaka-maliit na kakayahaan at biyaya na pag-aari na binigay sa atin.

· Ang kakulangan sa sapat na kaalaman.

· Ang hindi paggawa ng mabuting gawain, kahit man lang ang pag ngiti.

· Ang pagsayang sa oras mula sa mga walang katuturang bagay.

· Ang pagkalimot sa pinaka rason o dahilan ng pagkakalikha sa atin yun ay ang sambahin ang Allah.

· Ang pagiging mapagmalabis sa mga pangangailangan sa buhay. Halimbawa, kumakain ng sobra, sobrang pagtulog sa buong araw, ang pagpupuyat ng walang kadahilanan, ang pakikipag-usap para sa walang magandang dahilan at pagiging abala sa kayamanan.

Kung minsan, nadarama ng mga tao kung saan sinusubukan nila ang lahat ng kanilang makakaya hangga't maaari at hindi nila maunawaan kung bakit ang kanilang pananampalataya ay tila bumababa. Sa puntong ito mahalaga na tandaan na ang pinakamasamang kaaway ng tao, si Shaytan, ay nagnanais na makalimutan ng mga tao kung ano ang kanilang pinakamainam na interes. Si Shaytan ay naghihikayat ng kapabayaan at katamaran, na parehong mga katangian na nagdudulot ng pagbaba o paghina ng pananampalataya.

Ang pabago-bago na antas ng pananampalataya ay normal. Ang lahat ay nakakaranas ng mga ito. Sa ganitong mga panahon mahalaga na gawin ang lahat ng mga obigadong gawain ng pagsamba kaya wag kailanman iiwan ang ganap na landas ng Allah. Dahil hanggat merong katiting na pananampalataya sa puso, ay may pag asa.

Sa mga susunod na aralin ay matutuklasan natin na may napakaraming paraan upang mapalakas ang pananampalataya.


Talababa:

[1] Saheeh Al-Bukhari, Saheeh Muslim

[2] Imam Ahmad

 

Click po natin ang arrow for our quiz challenge

 

Pagsisinungaling, Panlilibak At Paninirang Puri (2 of 2)

ssss
Deskripsyon: Ipinaliliwanag ng araling ito ang paninirang-puri at ang panlilibak sa etika ng Islam.

Ni Imam Kamil Mufti (© 2013 NewMuslims.com)

Nai-publish sa18 Apr 2018-Huling binago sa11 Apr 2018

 

Pagsisinungaling, Panlilibak At Paninirang Puri (part 1 of 2)


1e6fa94aa6056ecfaba3c0973b787ffc

Deskripsyon:Ipinaliliwanag ng araling ito ang isyu ng pagsisinungaling sa etika ng Islam.

Ni Imam Kamil Mufti (© 2013 NewMuslims.com)

Nai-publish sa18 Apr 2018-Huling binago sa11 Apr 2018

 

Search Videos

Ang lahat po ng larawan na naitala o makikita dito ay kabahagi lamang ng mga ibat ibang programa o activities ng aming Islamic Dawah Center.

 

Go to top