الحديث الحادي والعشرون
“قل آمنت بالله ثم استقم”
عن أبي عَمْرو، وَقِيلَ: أبي عَمْرَةَ، سُفْيَانَ بْنِ عَبْدِ اللهِ رَضيَ اللهُ عَنه قَال: قُلْتُ: يا رَسُولَ الله، قُلْ لي في الإِسْلاَمِ قَوْلاً، لاَ أَسْأَلُ عَنْهُ أَحَداً غَيْرَكَ. [قَال: قُلْ: آمَنْتُ باللهِ ثُمَّ اسْتَقِمْ
رَوَاهُ مُسْلِمٌ
HADITH # 21
Mula sa autoridad ni Abu ‘Amr na siya ay tinawag naring Abu ‘Amra- Sufyan na anak ni Abdullah (ra) na kanyang sinabi:Aking sinabi: O Sugo ng Allah, sabihin mo sa akin ang mga bagay sa Islam na wala akong mapagtanungang iba maliban saiyo. Kanyang (saw) sinabi: Sabihin mo: Ako ay naniniwala sa Allah (swt) at pagkatapos ay maging matuwid.
(Mula sa salaysay ni Muslim)
الحديث الثاني والعشرون
“أرأيت إذا صليت المكتوبات وصمت رمضان”
عَنْ أبي عَبْدِ اللهِ جَابِرِ بْنِ عَبْدِ اللهِ الأنْصَارِيِّ رَضي اللهُ عَنْهُما أَنَّ رَجُلاً سَأَلَ رَسُولَ اللهِ صلى الله عليه وسلم فَقال: أَرَأَيْتَ إذَا صَلَّيْتُ الْمكْتُوباتِ، وَصُمْتُ رَمَضانَ، وَأَحْلَلْتُ الْحَلاَلَ، وَحَرَّمْتُ الْحَرَامَ، وَلَمْ أَزِدْ على ذِلكَ شَيْئاً، أَأَدْخُلُ الْجَنَّةَ ؟ قال: [نَعَمْ
رَوَاهُ مُسْلِمٌ
HADITHI 22
Mula sa autoridad ni Abu ‘Abdullah Jabir ang anak na lalaki ni Abdullah al-Ansari (ra):
Ang isang lalaki ay nagtanong sa Sugo ng Allah (saw): (Kanyang sinabi) Sa palagay mo kaya kung isagawa ko ang mga pagdarasal na Fard (obligadong pagdarasal), mag-ayuno sa buwan ng Ramadan, ituring bilang Halal ang mga ipinahihintulot ng batas (ng Islam) at ituring bilang Haram ang mga ipinagbabawal ng batas (ng Islam), at walang ibang bagay na aking idadagdag ditto, ako ba ay makakapasok sa Paraiso? Kanyang sinabi: “Oo”.
[Mula sa salaysay ni Muslim.]
الحديث الثالث والعشرون
“االطهور شطر الإيمان”
عن أبي مالكٍ الحارِثِ بنِ عاصِمٍ الأَشْعَرِيِّ رضي اللهُ عنهُ قال : قال رسولُ اللهِ صلى الله عليه وسلم: [الطُّهُورُ شَطْرُ الإِيَمانِ، والحمدُ لِلهِ تَمْلأُ الْمِيزَانَ، وسُبْحانَ اللهِ والحمدُ لِلهِ تَمْلآنِ – أو تَمْلأُ – ما بَيْنَ السَّمآءِ والأرضِ، والصَّلاةُ نورٌ، والصَّدَقَةُ بُرْهانٌ، والصَّبْرُ ضِيَاءٌ، والْقُرآنُ حُجَّةٌ لَكَ أو عَلَيْكَ، كُلُّ النَّاسِ يَغْدو، فَبائعٌ نَفْسَهُ، فَمُعْتِقُها أَو مُوبِقُها
رَوَاهُ مُسْلِمٌ
HADITH # 23
Mula sa autoridad ni Abu Malik al-Harith na anak ni Asim al-Ash’ari (ra) na nagsabi: Sinabi ng Sugo ng Allah (saw):
Ang kalinisan (o kadalisayan) ay kalahati sa paniniwala. Ang Alhamdulillah ay pupunuin niya ang timbangan, at ang Subhanallah at ang Alhamdulillah ay pupunuin nilang dalawa ang pagitan ng langit at mundo. Ang Salah (Pagdarasal) ay ilaw; ang Sadaqah (Karidad) ay palatandaan, ang Sabr (Pagtitimpi o Pagtitiis) ay liwanag; at ang Qur’an ay maging (para) sa iyo o di kaya ay laban sa iyo. Bawat tao ay nag-uumpisa ng maaga at ibinibinta ang sarili, alin sa dalawa (ang mangyayari) kalayaan o di kaya ay kasiraan.
[Mula sa salaysay ni Muslim]
الحديث الرابع والعشرون
“يا عبادي إني حرمت الظلم على نفسي”
عن أبي ذَرٍّ الْغِفاريِّ رضي الله عنه، عن النبيِّ صلى الله عليه وسلم فيما يَرْويهِ عن رَبِّهِ عَزَّ وجَلَّ أَنَّهُ قال
يا عِبادي إنِّي حَرَّمْتُ الظُلْمَ على نَفْسِي وَ جعَلْتُهُ بَيْنَكُمْ مُحَرَّماً فلا تَظَالَمُوا
.يا عِبادي كُلُّكُمْ ضالٌّ إلا مَنْ هَدَيْتُهُ، فاسْتَهدُوني أهْدِكُمْ
.يا عِبادِي كُلُّكُمْ جائعٌ إلا مَنْ أطْعَمْتُهُ، فاسْتَطْعِمُوني أُطْعِمْكُم
.يا عِبادِي كُلُّكُمْ عَارٍ إلا مَنْ كَسَوْتُهُ، فاسْتكْسوني أَكسُكُم
.يا عِبادِي إِنَّكُمْ تُخْطِئُونَ بالليْلِ والنَّهارِ، وأنا أَغْفِرُ الذُّنُوبَ جَميعاً، فاسْتَغْفِرُوني أُغْفِر لكُمْ
.يا عِبادِي إِنَّكُمْ لنْ تبْلغُوا ضُرِّي فتَضُرُّوني، ولن تبْلُغُوا نفْعي فَتَنْفعُوني
.يا عِبادِي لوْ أَنَّ أَوَّلَكُمْ وآخِرَكُمْ وإنْسَكُمْ وجِنَّكُمْ كانُوا عَلَى أَتْقَى قَلْبِ رَجُلٍ واحدٍ مِنْكُمْ ما زادَ ذلك في مُلْكي شَيئاً
.يا عِبادِي لوْ أَنَّ أَوَّلكُمْ وآخِرَكُمْ وإنْسَكُمْ وجِنَّكُمْ كانُوا عَلَى أَفْجَرِ قَلْبِ رَجُلٍ وَاحدٍ مِنْكُمْ ما نَقَصَ ذَلِكَ مِنْ مُلْكي شَيئاً
يا عِبادِي لوْ أَنَّ أَوَّلَكُمْ وآخِرَكُمْ وإنْسَكُمْ وجنَّكُمْ قاموا في صَعِيدٍ وَاحِدٍ، فَسَأَلُوني، فأَعْطَيْتُ كلَّ واحدٍ مَسْأَلَتَهُ ما نَقَصَ ذلك مِمَّا عِنْدِي إلا كما يَنْقُصُ الْمِخْيَطُ إذا أُدْخِلَ الْبَحْرَ
يا عِبادِي إنَّما هي أعمَالُكُمْ أُحْصِيها لَكُمْ ثُمَّ أُوَفِّيكُمْ إيَّاها، فَمَنْ وَجَدَ خيْراً فَلْيَحْمَدِ اللهَ، ومَنْ وَجَدَ غَيْرَ ذلك فَلا يَلومَنَّ إلا نَفْسَه
رَوَاهُ مُسْلِمٌ
HADITH # 24
Mula sa autoridad ni Dharr Abu al-Ghifari (ra) mula sa Propeta (saw): at kasama sa mga kasabihang kanyang isinalaysay mula sa kanyang Panginoon ay Kanyang sinabi:
O! Aking alipin, katotohanan Aking ipinagbabawal sa Aking sarili ang mang-api (o maniil) at (Aking) ginawang bawal sa bawat isa sa inyo, kaya huwag mang-api sa isa’t-isa.
O! Aking alipin, katotohanan kayong lahat ay naliligaw (ng landas) maliban sa Aking binigyan ng patnubay (sa tamang landas), kaya hanapin ang Aking patnubay (o katuruan) at kayo ay Aking papatnubayan.
O! Aking alipin, katotohanan kayong lahat ay nagugutom maliban silang Aking pinakain, kaya maghingi ng pagkain sa Akin at kayo ay Aking pakakainin.
O! Aking alipin, katotohanan kayong lahat ay nakahubad maliban silang Aking dinamitan, kaya maghingi ng damit sa Akin at kayo ay Aking dadamitan.
O! Aking alipin, katotohanan ikaw ay nagkakasala sa araw at gabi at bibigyan ko ng kapatawaran ang lahat ng pagkakasala, kaya maghingi sa Akin ng kapatawaran at kayo ay Aking patatawarin.
O! Aking alipin, hindi ninyo makakamit na sirain Ako upang Ako ay masira, at hindi ninyo maabot na bigyan Ako ng pakinabang upang Ako ay magkaroon ng pakinabang.
O! Aking alipin, maging ang una sa inyo at ang pinakahuli sa inyo, ang tao sa inyo at Jinn sa inyo na maging banal kasintulad ng pagkabanal ng isa sa inyo, ito ay hindi makapagbibigay ng anumang karagdagan sa Aking kaharian.
O! Aking alipin, maging ang una sa inyo at ang pinakahuli sa inyo, ang tao sa inyo at Jinn sa inyo ay tumayo sa isang pook at maki-usap (o humingi) sa Akin at kung ibibigay Ko sa bawat isa sa kanilang hinihiling, ay hindi ito makakabawas sa (mga kayamanang) nandito sa Akin maliban lang (na mababawas) ang kasintulad ng (patak ng) karayon kapag ito ay inilubog sa dagat.
O! Aking alipin, katotohanan, iyon ay inyong mga gawa na Aking binilang para sa inyo at pagkatapos ay (Aking) babayaran ng sapat, at ang sinuman sa inyo ang makakakita ng maganda ay purihin ang Allah (swt) at ang sinuman ang makakita ng iba maliban dito ay huwag sisihin ang sinuman maliban sa kanyang sarili.
[Mula sa salaysay ni Muslim]
الحديث الخامس والعشرون
“ذهب أهل الدثور بالأجور “
عن أبي ذَرٍّ رضي اللهُ عنه: أَنَّ ناساً من أَصْحابِ رسول الله صلى الله عليه وسلم، قالوا لِلنَّبيِّ صلى الله عليه وسلم: يا رسولَ اللهِ، ذَهَب أَهْلُ الدُّثورِ بالأُجورِ، يُصَلُّونَ كما نُصَلِّي، ويَصُومُونَ كما نَصُومُ، وَيَتَصَدَّقُونَ بِفُضُولِ أَمْوَالِهِمْ. قَالَ: [أوَ لَيْسَ قَدْ جَعَلَ اللهُ لَكُمْ مَا تَصَدَّقُونَ ؟ إنَّ بكلِّ تَسْبيحَةٍ صَدَقَةً، وكُلِّ تَكْبِيرَةٍ صَدَقَةً، وكُلِّ تَحْمِيدَةٍ صَدَقَةً، وَكُلِّ تَهْلِيلَةٍ صَدَقَةً، وَأَمْرٍ بِالْمَعرُوفِ صَدَقَةً، وَنَهْيٍ عَنْ مُنْكَرٍ صَدَقَةً، وفي بُضْعِ أحَدِكُمْ صَدَقَةً]. قَالُوا: يَا رَسُولَ اللهِ، أَيَأْتي أحَدُنَا شَهْوَتَهُ وَيَكُونُ لَهُ فِيهَا أجرٌ ؟ قَالَ
[أَرَأَيْتُمْ لَوْ وَضَعَها في حَرَامٍ، أَكَانَ عَليْهِ وزْرٌ ؟ فَكَذلِكَ إذَا وَضَعَها في الْحَلاَلِ كانَ لَهُ أَجْرٌ]
رَوَاهُ مُسْلِمٌ
HADITH # 25
At mula sa autoridad ni Abu Dharr (ra):
Katotohanan, may mga taong kasama sa mga Sahabah ng Sugo ng Allah (saw) at kanilang sinabi sa Propeta (saw): O! Sugo ng Allah magkakamit ang mga mayayaman ng malalaking gantimpala; sila ay nagdarasal katulad ng aming pagdarasal, sila ay nag aayuno katulad ng aming pag-aayuno at sila ay nagbibigay ng kawang-gawa mula sa sobra ng kanilang kayamanan.
Kanyang sinabi: diba kayo ay binigyan din ng Allah (swt) ng mga bagay na maibibigay bilang kawang-gawa (o karidad), Katotohanan bawat tasbih (Subhanallah) ay karidad, bawat takbir (Allahu Akbar) ay karidad, bawat tahmid ay karidad, bawat tahlil (La ilaha illallah) ay karidad; ang ipag-utos ang mga magagandang gawa ay kadidad at ang ipagbawal ang mga masasamang gawain ay karidad, ang bawat isa sa inyo ay mayroon karidad kapag gumalaw (o sumiping) sa asawa.
Sila ay nagsabi: O! Sugo ng Allah (saw), kahit sa oras na isinasagawa namin ang sarili naming pagnanasa sa aming asawa ay magkakamit kami ng karidad? Kanyang sinabi: Ano kaya sa isipan (o palagay) ninyo kung iyon (ang pagsiping) ay ginawa niya sa paraang ipinagbabawal, hindi kaya siya magkakasal? Ganoon din, kung ito ay ginawa niya sa legal na pamamaraan, siya ay pagkakalooban ng gantimpala.
[Mula sa salaysay ni Muslim]
Ang lahat po ng larawan na naitala o makikita dito ay kabahagi lamang ng mga ibat ibang programa o activities ng aming Islamic Dawah Center.