40 Hadith


الحديث السادس والثلاثون


arbaina1


"من نفس عن مسلم كربة"
عن أبي هُرَيْرَة رضي اللهُ عنه، عن النَّبِيِّ صلى الله عليه وسلم قال: [ مَنْ نَفَّسَ عَنْ مُؤمِنٍ كُرْبَةً مِنْ كُرَبِ الدُّنْيا نَفَّسَ اللهُ عَنْهُ كُرْبَةً من كُرَبِ يوْمِ القيامَةِ، ومَنْ يَسَّرَ على مُعْسِرٍ يَسَّرَ اللهُ عليه في الدنْيا والآخِرَةِ، وَمَنْ سَتَرَ مُسْلِماً سَتَرَهُ الله في الدُّنْيا والآخِرَةِ واللهُ في عَوْنِ الْعَبْدِ ما كانَ الْعَبْدُ في عَونِ أخيهِ. ومَنْ سلك طَريقاً يَلْتَمِسُ فِيهِ عِلْماً سَهَّلَ اللهُ له بِهِ طَرِيقاً إلى الجنَّةِ

وَمَا اجتَمَعَ قَوْمٌ في بَيْتٍ مِنْ بُيُوتِ اللهِ يَتْلُونَ كِتَابَ اللهِ ويَتَدَارَسُونَهُ بَيْنَهُمْ، إلا نَزَلَتْ عليهمُ السَّكِينَةُ، وغَشِيَتْهُمُ الرَّحْمَةُ، وحَفَّتهُمُ المَلائِكَةُ، وذَكَرَهُمُ اللهُ فيمَنْ عِنْدَه  وَمَنْ بَطَّأ بِه عَمَلُهُ لمْ يُسْرِعْ به نَسَبُهُ

رَوَاهُ مُسْلِمٌ بهذا اللفظ


HADITH # 36


Mula sa autoridad ni Abu Huraira (ra) na sinabi ng Propeta (saw):

Ang sinumang alisin sa (kapatid na) Mu’min, ang isang kalungkutan (lumbay, pagdadalamhati, pighati at iba pang katulad nito) mula sa mga kalungkutan sa mundong ito, ay aalisin ng Allah sa kanya ang isa sa mga kalungkutan mula sa mga kalungkutan sa Araw ng Paghuhukom. Ang sinumang pagaanin (o bigyan ng kaginhawahan) ang isang (taong) naghihirap, ay pagkakalooban siya ng Allah ng kaginhawahan sa mundong ito hanggang sa Kabilang Buhay. Ang sinumang ipagsanggalang (mula sa mga kapintasan, pagkukulang o kahihiyan) ang (kapatid na Muslim), siya’y ipagsanggalang ng Allah (swt) (mula sa mga kapintasan, pagkukulang o kahihiyan) sa mundong ito hanggang sa Kabilang Buhay. May tulong ang Allah (swt) sa Kanyang alipin habang ang alipin ay matulungin sa kanyang kapatid. Ang sinumang sumunod sa landas upang maghanap ng kaalaman (sa Islam), ay pagagaanin ng Allah (swt) para sa kanya ang landas patungo sa Paraiso. At walang pagtitipon ng mga tao na sila’y nagtitipon-tipon sa isa sa mga bahay ng Allah (swt), at binibigkas ang Aklat ng Allah (swt) at pinag-aaralan ito ng bawat isa sa kanila, ay hindi maaaring hindi makarating sa kanila ang kapanatagan, at mababalot sila sa awa (at habag) ng Allah (swt), ang mga anghel ay papaligiran sila, at babanggitin sila ng Allah (swt) sa mga nakatabi sa Kanya. Ang sinumang naging banayad (bumagal) ng kanyang mga gawa ay hindi maitutulak pasulong ng (mabilisan ng dahil sa) kanyang angkan.”

[Mula sa salaysay ni Muslim sa ganitong pananalita.]


 

 


الحديث السابع والثلاثون


arbaina1


"إن الله كتب الحسنات والسيئات" 

عَن ابْنِ عَبَّاسٍ رَضِيَ اللهُ عَنْهُمَا عَنِ النبي صلى الله عليه وسلم فِيْمَا يَرْوِيْهِ عَنْ رَبِّهِ تَبَارَكَ وَتَعَالى أَنَّهُ قَالَ

إِنَّ الله كَتَبَ الحَسَنَاتِ وَالسَّيئَاتِ ثُمَّ بَيَّنَ ذَلِكَ؛ فَمَنْ هَمَّ بِحَسَنَةٍ فَلَمْ يَعْمَلْهَا كَتَبَهَا اللهُ عِنْدَهُ حَسَنَةً كَامِلَةً،وَإِنْ هَمَّ بِهَا فَعَمِلَهَا كَتَبَهَا اللهُ عِنْدَهُ عَشْرَ حَسَنَاتٍ إِلَى سَبْعِمائَةِ ضِعْفٍ إِلىَ أَضْعَاف كَثِيْرَةٍ. وَإِنْ هَمَّ بِسَيِّئَةٍ فَلَمْ يَعْمَلْهَا كَتَبَهَا اللهُ عِنْدَهُ حَسَنَةً كَامِلَةً،وَإِنْ هَمَّ بِهَا فَعَمِلَهَا كَتَبَهَا اللهُ سَيِّئَةً وَاحِدَةً
رَوَاهُ البُخَارِيُّ وَمُسْلِمٌ في صَحِيْحَيْهِمَا بِهَذِهِ الحُرُوْفِ


 HADITH # 37


Mula sa salaysay ng anak ni Abbas (ra) mula sa Sugo ng Allah (saw) ay kasama sa mga kasabihang kanyang isinalaysay mula sa kanyang Panginoon ay Kanyang sinabi:

Katotohanan naisulat ng Allah (swt) ang mga mabubuting gawa at ang masasama. Pagkatapos ay Kanyang ipinaliwanag (sa pagsasabi) ang siyang may hangaring gumawa ng kabutihan at hindi ito naisagawa, ipasusulat ito ng Allah (swt) para sa kanya bilang ganap na gawaing mabuti, subalit kung ito (ang hangaring mabuti) ay sinadya niyang gawin at naisagawa ito, ipasusulat ito ng Allah (swt) para sa kanya mula sa sampung mabubuting gawa hanggang pitong daang beses o di kaya ay mas maraming beses. Subalit kung siya ay naghangad ng masamang gawa at hindi niya ito naisagawa, ipasusulat ito para sa kanya ng Allah (swt) bilang ganap na gawaing mabuti, subalit kung ito (ang hangaring masama) ay sinadya niyang gawin at naisagawa niya, ipasusulat ito ng Allah (swt) para sa kanya bilang isang masamang gawa.”

[Mula sa salaysay ni Bukhari at Muslim sa kanilang dalawang Sahih sa ganitong pangungusap]


 

 


الحديث الثامن والثلاثون


arbaina1


"من عادى لي وليا فقد آذنته بالحرب"

عن أبي هُرَيْرَةَ رضي الله عنه قال: قال رَسُولُ اللهِ صلى الله عليه وسلم : [إنَّ الله تَعالَى قَال : مَنْ عَادَى لي وَلِيّاً فَقَدْ آذَنْتُهُ بِالْحَرْبِ، وَمَا تَقَرَّبَ إلَيَّ عَبْدِي بِشَيْءٍ أَحَبَّ إلَيَّ مِمَّا افْتَرَضْتُهُ عَلَيْهِ، وَلا يَزَالُ عَبْدِي يَتَقَرَّبُ إلَيَّ بِالنَّوَافِلٍ حَتَّى أُحِبَّهُ، فإذَا أَحْبَبْتُهُ كُنْتُ سَمْعَهُ الَّذِي يَسْمَعُ بهِ، وَبَصَرَهُ الَّذِي يُبْصِرُ بهِ، وَيَدَهُ الّتي يَبْطِشُ بهَا، وَرِجْلَهُ الّتي يَمْشي بِهَا، وَلَئِنْ سَأَلِني لأعْطِيَنَّهُ، ولَئِن اسْتَعَاذَنِي لأُعِيذَنَّهُ 

رَوَاهُ الْبُخَارِيُّ


HADITH # 38


Mula sa autoridad ni Abu Huraira (ra) na nagsabi: Sinabi ng Sugo ng Allah (saw):

Katotohanan sinabi ng Allah ang Lubos na Makapangyarihan: Ang sinumang magpakita ng poot sa Aking alipin, Ako ay magiging kaaway niya. Ang paglapit sa Akin  ng Aking alipin ay sa pamamagitan ng isang bagay na kanais-nais na (ito ay) mas mainam para sa Akin kaysa sa Aking itinakda (espirituwal na tungkulin) sa kanya, at tuloy-tuloy ang paglapit sa Akin ng Aking alipin sa pamamagitan ng mga gawaing sunnat (o mga labis na pagtupad sa tungkulin) hanggang sa siya ay Aking mahalin. Sa oras na siya ay Aking mahalin Ako ay magiging kanyang pandinig na ginagamit niya sa kanyang pandinig, at (Ako ay magiging kanyang) paningin na ginagamit (niya) sa kanyang paningin, at kamay na (ginagamit niya sa) pang hampas (o mga galaw na pangangailangan), at paang (ginagamit sa) kanyang paglakad. Kung siya ay humingi sa Akin ay katotohanan siya ay Akin bibigyan; at kung siya ay magpapakupkup sa Akin ay katotohanan siya ay Aking kukupkupin. 

[Mula sa salysay ni al-Bukhari]


 

 


الحديث التاسع والثلاثون


arbaina1


 "إن الله تجاوز لي عن أمتي الخطأ والنسيان"

عَن ابْنِ عَبَّاسِ رَضِيَ الله عَنْهُما: أن رَسُوَل اللهِ صلى الله عليه وسلم قَالَ : [إنَّ الله تَجاوَزَ لِي عَنْ أُمَّتي: الْخَطَأَ، والنِّسْياَنَ، وَمَا اسْتُكْرِهُوا عَلَيْهِ
حَدِيثٌ حَسَنٌ، رَوَاهُ ابْنُ مَاجَهْ وَالْبَيْهَقِيّ وَغيرهما


 HADITH # 39


Mula sa autoridad ng anak ni Abbas (ra) katotohanan sinabi ng Sugo ng Allah (saw):

Ang Allah (swt) ay magbibigay ng kapatawaran sa aking mga tauhan (dahil sa akin) sa kanilang mga pagkakamali at pagkalimot at sa mga gawaing sila’y napilitan.”

[Ito ay magandang Hadith mula sa salaysay ni Ibn Maja, al-Baihaqi, at iba pa.]


 

 


الحديث الأربعون


arbaina1


"كن في الدنيا كأنك غريب أو عابر سبيل"

[ عن ابنِ عُمَرَ رضي اللهُ عنهما قال: أَخَذَ رسُول اللهِ صلى الله عليه وسلم بِمَنْكِبيَّ فقال : [ كُنْ في الدُّنْيا كأنَّكَ غَرِيبٌ، أو عابرُ سبِيلٍ

وكانَ ابنُ عُمَرَ رَضي اللهُ عنهما يقولُ: إذا أمْسَيْتَ فلا تَنْتظِرِ الصبَّاحَ، وإذا أصْبَحْتَ فلا تَنْتَظِرِ الَمسَاءَ، وخُذْ مِنْ صِحَّتِكَ لِمَرضِكَ، ومِنْ حَياتِكَ لِمَوْتِك

رَوَاهُ الْبُخَارِيُّ


 HADITH # 40


Mula sa autoridad ng anak ni ‘Umar (ra) na sinabi:

Ang Sugo ng Allah (saw) ay hinawakan ang aking balikat at kanyang sinabi: Gawin ang iyong sarili na parang dayuhan (o manlalakbay) sa mundong ito.”

Ang anak ni ‘Umar (ra) ay malimit niyang sabihin:

Kapag ikaw ay umabot sa gabi huwag mong asahan ang (mabuhay pa sa) umaga, at sa umaga ay huwag mong asahan ang (mabuhay pa sa) gabi. Kumuha sa iyong kalusugan para sa iyong pagkasakit at (kumuha) mula sa iyong buhay para sa iyong pagkamatay.” 

[Mula sa salaysay ni al-Bukhari]


 

 

Search Videos

Ang lahat po ng larawan na naitala o makikita dito ay kabahagi lamang ng mga ibat ibang programa o activities ng aming Islamic Dawah Center.

 

Go to top