40 Hadith


الحديث السادس


 arbaina1


“إن الحلال بين وإن الحرام بين

عَنْ أبي عَبْدِ اللهِ النُّعْمَانِ بْنِ بَشِيرٍ رَضِيَ اللهُ عَنْهُما قَالَ : سمعتُ رَسُولَ اللهِ صلى الله عليه وسلم يَقُولُ

 إن الْحَلالَ بَيِّنٌ وَإنَّ الْحَرَامَ بَيِّنٌ وَبَيْنَهُما أمورٌ مُشْتَبِهَاتٌ لا يَعْلَمُهُنَّ كَثيِرٌ مِنَ الناسِ، فَمَنِ اتَّقَى الشُّبُهَاتِ فَقَد اسْتَبْرَأَ لِدِينِهِ وَعِرْضِهِ، وَمَنْ وَقَعَ في الشَّبُهاتِ وَقَعَ في الْحَرَامِ، كالرَّاعِي يَرْعَى حَوْلَ الْحِمَى يُوشِكُ أَنْ يَرْتَعَ فِيهِ، أَلا وَإنَّ لِكُلِّ مَلِكٍ حِمىً أَلا وَإنَّ حِمَى الله مَحَارِمُه، أَلا وَإنَّ في الجَسَدِ مُضْغَةً إذَا صَلَحَتْ صَلَحَ الْجَسَدُ كُلُّهُ وإذَا فَسَدَتْ فَسَدَ الْجَسَدُ كُلُّهُ، أَلا وَهِيَ الْقَلْبُ

رَوَاهُ الْبُخَارِيُّ وَمُسْلِمٌ


شرح الحديث مع فضيلة الشيخ مُحَمّد بن صَالِح العُثَيْمِين رحمه الله تعالى



HADITHI 06


Mula sa autoridad ni Abu Abdullah an-Nu’man na anak na lalaki ni Bashir (ra) na kanyang sinabi: Narinig ko na sinabi ng Sugo ni Allah (saw):
Ang Halal (hindi bawal) ay malinaw at ang Haram (ipinagbabawal) ay malinaw at sa pagitan ng dalawang ito ay mga bagay na kaduda-duda na hindi alam ng karamihan sa tao. Samakatuwid, ang sinuman ang umiwas sa mga bagay na nakakaduda ay nalinis niya ang kanyang sarili sa relihiyon at karangalan, subalit ang sinumang pagbigyan ang bagay na kaduda-duda ay kahalintulad ng isang pastol na namamastol sa isang pook na malapit sa santuwaryo (Hima) ng iba at maaring kahit anumang oras siya ay may pananagutang makapasok doon. Katotohanan bawat hari ay santuwaryo at katotohanan ang santuwaryo ng Allah (swt) ay ang Kanyang ipinagbabawal. Katotohanan sa ating katawan ay may kapirasong laman na kung ito ay malusog ang buong katawan ay magiging malusog subalit kung ito ay may karamdaman ang buong katawan ay nagkakaroon ng karamdaman. At (Katotohanan) ito ang puso. [Mula sa salaysay ni al-Bukhari at Muslim]


 

 


الحديث السابع


arbaina1 


“الدين النصيحة”

عن أبي رُقَيَّةَ تَمِيمِ بنِ أوْسٍ الدَّارِيِّ رضي اللهُ عنه: أَنَّ النَّبي صلى الله عليه وسلم قالَ:[الدِّينُ النَّصِيحَةُ]. قُلْنَا: لِمَنْ ؟ قالَ: [للهِ، ولِكِتَابِهِ، ولِرَسُولِهِ، ولِلأَئِمةِ المُسْلِمِينَ، وعامَّتِهِمْ

رَوَاهُ مُسْلِمٌ


شرح الحديث مع فضيلة الشيخ مُحَمّد بن صَالِح العُثَيْمِين رحمه الله تعالى



 HADITHI 07


Mula sa autoridad ni Abu Ruqayya Tamim na anak ni Aus ad-Dari (ra) na sinabi ng Propeta (saw):
Ang relihiyon ay pagkamatapat. Sinabi naming: Para kanino? Kanyang sinabi: Para sa Allah (swt) at sa Kanyang Aklat, at sa Kanyang Sugo (saw) at sa mga pinuno ng mga Muslim at sa kanilang lahat.
[Mula sa salaysay ni Muslim]


 

 


الحديث الثامن


 arbaina1


“أمرت أن أقاتل الناس”

عن ابنِ عُمَرَ رضي الله عنهما أنَّ رسُوَل الله صلى الله عليه وسلم قال: [أُمِرْتُ أَنْ أُقاتِلَ النَّاسَ حتَّى يَشْهَدُوا أنْ لا إلَهَ إلاَّ اللهُ وأنَّ محمداً رسوُل اللهِ، ويُقِيمُوا الصَّلاَةَ، ويُؤتُوا الزَّكاةَ، فإذا فَعَلوا ذَلِكَ عَصَموا منِّي دِماءَهُمْ وأمْوَالَهُمْ إلا بِحَقِّ الإِسْلامِ، وحِسابُهُم على اللهِ تعالى

رَوَاهُ الْبُخَارِيُّ وَمُسْلِمٌ


شرح الحديث مع فضيلة الشيخ مُحَمّد بن صَالِح العُثَيْمِين رحمه الله تعالى



HADITH  08


Mula sa autoridad ng anak ni ‘Umar (ra) na sinabi ng Sugo (saw):
Ako ay napag-utusang makipaglaban, laban sa tao hanggang sa sila ay magrestigo na walang diyos maliban kay Allah at hanggang sa maisagawa nila ang mga pagdarasal at magbayad ng Zakat, at kung sila ay susunod, matatamo nila ang aking pagkalinga sa kanilang buhay at ari-arian, maliban ([kung] sila ay gagawa ng mga gawa o kilos na nangangailangan ng parusa) ayon (sa katuan) ng Islam, at ang pagbibilang (sa kanilang mga gawa) ay nasa Allah, ang Makapangyarihan.
[Mula sa salaysay ni al-Bukhari at Muslim]

 


الحديث التاسع


 arbaina1


“ما نهيتكم عنه فاجتنبوه”

عن أبي هُرَيْرةَ عَبْدِ الرَّحمنِ بنِ صَخْرٍ رضي الله عنه قال : سمِعْتُ رسولَ اللهِ صلى الله عليه وسلم يَقُولُ: [ما نَهَيْتُكُمْ عَنْهُ فَاجتَنبوهُ، وَمَا أَمَرْتُكُمْ بِهِ فأتُوا مِنْهُ مَا اسْتَطَعْتُمْ، فإنَّما أَهْلَكَ الَّذينَ مِنْ قَبْلِكُمْ كَثْرَةُ مَسَائِلِهِمْ واخْتلاُفُهُمْ على أَنْبِيَائِهِمْ

رَوَاهُ الْبُخَارِيُّ وَمُسْلِمٌ


شرح الحديث مع فضيلة الشيخ مُحَمّد بن صَالِح العُثَيْمِين رحمه الله تعالى



HADITH # 9


Mula sa autoridad ni Abu Huraira ‘Abd ar-Rahman na anak ni Sakhr (ra) na nagsabi: Narinig ko ang Sugo ni Allah (saw) na kanyang sinabi:
Ano mang bagay ang aking ipinagbawal sa inyo, ay iwasan; Ano man ang aking ipinag-utos sa inyo (upang gawin) ay gawin ninyo hanggang kaya ninyo. (Dahil) Ang nakasira sa mga taong nauna sa inyo ay ang labis nilang pagtatanong at pagsasalungat sa kanilang mga Propeta.
[Mula sa salaysay ni al-Bukhari at Muslim]


 

 


الحديث العاشر


 arbaina1


“إن الله طيب لا يقبل إلا طيبا”

عن أبي هُرَيْرَةَ رَضي اللهُ عنه قال: قاَل رسُولُ الله صلى الله عليه وسلم : [إنَ الله تعالى طَيِّبٌ لا يَقْبَلُ إلا طَيِّباً، وإنَّ الله أَمَرَ المُؤمِنينَ بِمَا أَمَرَ بِهِ المُرْسَلينَ فقال تعالى: {يا أَيُّها الرُّسُلُ كُلُوا مِنَ الطَّيَّباتِ واعمَلُوا صالحاً}  وقال تعالى: {يا أَيُّها الَّذِينَ آمَنُوا كلُوا مِنْ طَيِّباتِ ما رَزَقْناكُمْ}  ثُمَّ ذَكَرَ الرَّجُلَ يُطِيلُ السَّفَرَ أشْعَثَ أَغْبَرَ يَمُدُّ يَدَيْهِ إلى السَّماءِ يا رَبُّ يا رَبُّ، ومَطْعَمُهُ حَرَامٌ، ومَشْربُهُ حَرَامٌ، وَمَلْبَسُهُ حَرَامٌ وغُذِّيَ بالحَرَامِ، فأَنَّى يُسْتَجَابُ لهُ

رَوَاهُ مُسْلِمٌ


شرح الحديث مع فضيلة الشيخ مُحَمّد بن صَالِح العُثَيْمِين رحمه الله تعالى



HADITH # 10


Mula sa autoridad ni Abu Huraira (ra) na nagsabi, Sinabi ng Sugo ng Allah (saw):
[Katotohanan] Ang Makapangyarihang Allah ay dalisay at dalisay lamang ang Kanyang tatanggapin. Katotohanan, Ipinag-utos ng Allah sa mga mananampalataya ang kautusang Kanyang Ipinag-utos sa mga Sugo, Sinabi ng Makapangyarihang Allah: “Mga Sugo! Kainin ang mga Halal (o mabuti) at gumawa ng mabuti (o makatarungan). At sinabi ng Makapangyarihang Allah: “O kayong mga naniniwala! Kainin ang mga Halal (o mabubuting bagay) na aming inihanda para sa inyo. At pagkatapos ay kanyang binanggit ang (kaso ng) isang lalaking manlalakbay na galing sa malayo, gusot ang buhok at siya ay maalikabok na nakaunat ang kanyang mga kamay sa langit (at siya ay nananalangin: O, Panginoon! O, Panginoon! Samantala ang kanyang pagkain ay bawal, ang kanyang inumin ay bawal, ang kanyang damit ay bawal, at siya ay nabubuhay sa mga ipinagbabawal, kaya paano didinggin (ng Allah) ang kanyang mga panalangin!.
[Mula sa salaysay ni Muslim]


 

 

Search Videos

Ang lahat po ng larawan na naitala o makikita dito ay kabahagi lamang ng mga ibat ibang programa o activities ng aming Islamic Dawah Center.

 

Go to top